Ano ba ang nagawa ko sa'yo?
Nagtiwala naman ako.
Ano ba ang pagkukulang ko?
Minahal naman kita ng husto.Iniwan mo akong nag-iisa
Kahit alam mong mahal kita.
Hinintay ka ngunit 'di na nagbalik,
Ewan ko ba kung bakit sayo'y nanabik.Lagi pa rin kitang naiisip,
Lagi pa ring ikaw ang nasa panaginip.
Eh ano ba ang magagawa ko?
Sinabi mo ang pag-ibig mo'y totoo.Akala ko'y totoo ang sinabi mo,
Ngunit nilisan mo ang puso ko.
Ewan ko bakit nahulog sa patibong na'to,
Sa patibong na di natakasan kahit ako'y tumakbo.Tumigil ang ikot ng aking mundo,
Ewan ko ba sa sarili ko,
Bakit ikaw pa rin ang laman ng puso ko?
Alaala nalang ang iniwan mo,
Nang umalis ka't ako'y kinalimutan mo.Siguro'y masaya ka na
Ito naman ang gusto mo 'di ba?
Sana'y makalimot na,
O 'di ka na makita pa,
Ngayong tanggap kong wala ka na.
BINABASA MO ANG
Ang Paglalayag
PoetryMga agam-agam, pagninilay-nilay at mga tula ukol sa mga bagay-bagay na nararanasan sa ating paglalayag sa karagatan na kung tawagin ay buhay, sa madaling salita -- hugot!