LA #17 - Kwentuhan Part 1

495 5 3
                                    

Lois*

Omygash, hindi panaginip yung mga panaginip ko? KAYA PALA ANG LINAW AT GABI GABI! Tapos nag iiba kapag dito ako sa bahay nakatira, kasi nga naman--------TOTOO YON AT HINDI NGA PANAGINIP.

OM! E teka? Bat makareact ako wagas? Binabantayan lang naman pala ako e, sus wala yon, tsaka malamang na makikitabi yun sakin, alangang tumayo lang siya dun at mag pakamodel, onga, no big deal.

Pero sasabihin ko ba kay Ariana? Wag na sabi ng crush ko kunwari daw wala akong alam e.

Edi back to normal nalang ulit, basta alam ko na ngayon na hindi panaginip lahat ng yon.

-------------

Linggo ngayon at may training daw ulit, bale week ends daw ang training. So eto ako papunta na, may sarili akong sasakyan ngayon, hindi na ko mag papasundo, ano ko VIP? E ako nga pinakaweak saming lahat XD Sa singsing daw ba umasa lol

Pinark ko na kotse ko at pumasok na sa agency, nakita kong nakaupo silang lahat sa mat at nag kukwentuhan, edi tumabi ako kay Ariana na katabi si Kuya Lulu, nako Ariana, slow mo talaga, hindi mo ba nahahalatang may gusto sayo crush mo? Ay nako, slowwww!

AN- ba, nag salita hindi slow.

Ako slow? Ewan ko sainyong mga slow!

"Ano pinag uusapan niyo?" tanong ko pag tapos akong tanguan ni Kuya Onyx, wahaha gets gets, napatingin naman ako kay Kuya Devin na busy mag rubiks cube XD

"Kung pano namin mga natuklasan powers namin, kasi hindi naman pag kagising na pag kagising namin e nagagawa na kagad namin yon, talagang bigla nalang sumibol." pag explain ni Kuya Xember

"Ahhh." sabi ko.

"At sakto ka lang mag sisimula na. Series simulaan mo." sabi niya at pumwesto sa gitna si Kuya Series

"Kase ganto." panimula niya

Series' POV

"Hmmm-------"

"Series! Kakain na!" sigaw sakin ng Mommy ko.

"Wait!" sigaw ko at  nag tutok ulit sa harap ng computer, oo computer gamit ko pake niyo? Okay okay, so ayun...oo.

"Hmmmm. ang results ay....Ice Power? Hala? E ang gusto ko apoy! Anong Ice power?!" Kasi nag quiz ako sa internet na ano daw secret power ko, halos lahat ng sagot ko may konek sa apoy tapos Ice?! ARE YO KIDDING MEH?!

"Useless piece of junk." Sabi ko pag kabasa ko dun sa description na kesyo kapag daw nilakad ko ang aso ko, na ginagawa ko naman araw araw sa park, pag daw may nakita akong berry, kainin ko daw tapos lalabas na powers ko, lokohan ba to dre? Ewan ko sainyo, kakain nalang ako ispaghetti,

Pinatay ko na ang walang kwentang computer, este hindi pala yung computer yung walang kwenta, yung quiz pala.

Bumaba na ko at tinabihan ang mommy ko, dalawa nalang kami sa pamilya, ay may lolo pa pala.

"Sarap ma!" sabi ko sabay halik sa pisngi niya

ngumiti siya at ginulo buhok ko tapos tumawa ng konti, tapos dinala na lahat ng pinag kainan sa lababo at hinugasan, habang ako inaayos na yung lamesa at yung pinag upuan namin.

Pag tapos non, nag paalam na kong matutulog na ko, kasi maaga pa kong gigising bukas kasi mag jojogging, kasabay ko aso ko mag jogging araw araw.

*yawn* "Tara na Wapol." Oo yun pangalan niya, nakain ako ng waffle non nung binili namin siya e, ano to e Siberian Husky.

Nag bihis lang ako ng jogging pants at tshirt tapos nag paalam na sa mommy kong nag luluto ng breakfast, tapos lumabas na.

Nag tatakbo lang ako sa park, pabalik balik, habang ang aso ko nakasunod lang.

House of Magic Season 1 - HOM Season 2 ( Louis Academy )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon