Bakit di ka rin crush ng crush mo?

91 1 0
                                    

Masakit man isipin pero totoo. Masaklap man ang buhay ay kailangan mong tanggapin. Di ka crush ng crush mo. Pamilyar ang ganitong storya, inuulit ulit parang history repeat itself, lalong lalo na nung highschool ka pa lang at nagkacrush sa isang dilag ngunit di ka naman pala gusto.  Ouch, shit, at lahat na lang yata ng sakit ay mararamdaman mo. Pero anong magagawa mo, di ka niya talaga gusto.  Kahit sampung sachet pa ng hairgel ang gamitin mo at gawin mo ang buhok mo na parang kay Son Goku, di pa rin magbabago ang tingin niya sa iyo. Kahit anong pampapogi pa ang iapply mo sa mukaha mo at maging kamukha mo na si edward cullen (kaya lang panget ka), kung iba ang crush ng crush mo ehhh walang epek yan. Okay lang lumaban, pero para saan pa nga ba  ehhh losing battle na. Ano nga ba ang mga dahilan kung bakit di ka rin ng crush ng crush mo.

1.Una, may iba na siyang crush. Sorry na lang. Mas gwapo at mas matalino siya sa’yo. I know life is unfair. Tanggapin mo na lang yan.  Minsan mahirap talaga, lalo na sa edad na highschool kung saan mas matimbang yung nagiging unang crush. Nafifixate kasi yung babae sa crush niya.  Halimbawa sa skul,  eto yung setting ng upuan; yung katabing mong gwapo, ikaw, at katabi mong mas gwapo ulit sayo pero hindi kasing gwapo nung isa. Yung nangyayari dito pagmakita kayo ng isang babae ay nagkakaroon ng label ang bawat isa sa inyo. Sa mata at isipan nila ay nagiging ganito: 

Seatmate na gwapo=crush

Seatmate na mas gwapo sayo ngunit hindi kasing gwapo ng isa=possible crush in the future if magka-syota si crush, o kaya naman kung ligawan siya nito ligawan siya ay puwedeng puwede rin. (oo, mahaba yung label nung isa, wag ka na.)

Ikaw(yes di ka naka bold, ganyan ka kainsignificant sa mata nung crush mo) =  (*_*)   its a meme face, no reaction, hindi nagsesend ng signal sa brain niya na magkakacrush siya sa iyo. Ever.

Kaya brader, huwag ka ng umasa. Mahirap lumaban pag may crush ng iba yung crush mo. Pero wag kang mag-alala. After some years, o sa pagcollege niyo, mejo nag-iiba naman pananaw ng mga babae. Tapos baka tubuan ka na ng bigote. It takes time naman daw.

2.You’re not attractive in her eyes. Sorry tsong, gaya ng sabi ko kahit ilang hair gel pa ang ilagay mo sa buhok na puwede ng makatusok sa tigas, ilang bote pa ng cologne ang ipaligo mo, at kung ano ano pang bagay ang ilagay sa mukha mo, kung ayaw talaga sayo ng crush mo wala talaga. Sorry dude, you can change your clothes but you can never change that face.

3.Di ka naliligo. Dude, ito may pag-asa pa. Maligo ka lang, pramis.

4.Na-friend zoned ka. Oh yesss. That evil word. Ito ang dapat mong iwasan sa lahat. Dahil pagnakapasok ka na dito, mahirap ng makalabas. Shet, di ka nga mkakalabas. Oo pare, kung akala mong ang pakikipagkaibigan at pagiging close sa crush mo ay isang paraan upang mapalapit at eventually magkaroon kayo ng mutual understanding and all that crap that you call love. Well, oo tama ka, pero nangyayari lang ito kung  sa simula pa lang ay gusto ka na niya o kahit konting attraction ay meron siyang nararamdaman para sa iyo. Kung wala ay lagot ka dahil malaki ang posibilidad na mauwi lang ito to being friendzoned. Ohhh yess that kilabot word. 

Double edge kasi ang teknik na ito. Minsan nagtatagumpay, kahit papaano nagugustuhan ka niya. Ngunit kung magbackfire, yun lagot ka. Yung masaklap ay kung tanggapin ka na lang niya bilang kaibigan at hanggang dun na lang. Wala nang iuusad. Diyan ka na lang. Ito ba yung tipong okay na okay na. Masaya kayo na magkasama. Naghihintayan kayo bago umuwi sa skwela. Palaging siya tumatawa sa hirit mo. Close na close na kayo. Pero nung inamin mo na. Boom. Biglang gumuho ang lahat. “Sorry but I love you as a friend lang.” Oo i hear you dude. Naririnig ko na ang paguho ng mundo mo. Ang masakit pa nito ay nandiyan ka na talaga, mahirap ng makalabas sa zone na iyan. Forever the friend but never the lover. Eto rebolber, siguraduhin mo lang na may suicide note ka para di pagkamalang foul play.

5.Iba ang hinahanap niya.  Iba to sa mga nauna. Dahil ang gusto niya ay kalahi niya. Oo, tibo yung crush mo. Pak!!!

6.At ang panghuli, lalake pala yung crush mo. Siyempre gago, paano yun magkakagusto sa iyo. Patanong tanong ka pa kung bakit di ka crush ng crush mo.

Wag ka namang malungkot pare. Ganyan lang talaga. Di mo ba rin ba alam na ngayon o sa panahon na nagaganyan ka ay may babae ring nagkakacrush sayo. Nagtataka at nagtatanong, “Bakit kaya di ako crush ng crush ko?” 

PS: Salamat sa pagbabasa, sana nagustuhan mo. Para sa iba pang kuwento at kung ano ano pang kalokohan, pakibisita na lang po ng blog at http://juandelacruz013.blogspot.com/. =D

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 09, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bakit di ka rin crush ng crush mo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon