I woke up early. Ginawa ko ang mga bagay na normally ay ginagawa ko. It's been what? Three years. Yes, today was supposed to be our eighth anniversary. Pinalis ko sa isip ko ang bagay na iyon at ayoko nang maalala ang lahat ng bagay na about sakanya. Tiningnan ko ang salamin at naisip ko na sa loob ng tatlong taon para akong isang patunay na maari pang mabuhay ang isang tao sa kabila ng paghinto ng pagtibok ng puso nito.Nakarating ako ng maaga sa'king pinapasukang accounting firm. Ako nga pala si James Christian Mendoza. Jc ang tawag sakin ng mga taong nakapaligid sa'kin pero sya? Hayme ang tawag nya sa'kin na madalas pa nga nyang gawing Hayme my loves forever. Noon yun. Teka nga sya na naman. Isa na nga pala akong CPA. I passed the board exam three years ago. At ngaun I'm currently working sa isang firm. You can actually say na pretty much accomplished na din ako. Nakapagpatayo nako ng bahay para sa parents ko. May sarili din akong bahay pero hindi ako doon nakatira, dito sa condo ako nagstay dahil malapit ito sa office. I had a car na pinag ipunan ko ng one year noong nagsisimula palang akong magwork, the money I paid for my car was actually from my investments. Yung unang sweldo ko ay ininvest ko halos sa stocks at luckily ay nagbloom ang investment ko. After a year of patience, I got my car. It was an audi R8 and I named the car next to her -Jasmine.
And now, after three long years I have decided to finally moved on. I finally made up my mind. Goodbye Jas pero ito na ang araw na hihinto na kong hintayin ang pagbalik mo.
"Goodmorning everyone" bati ko sa officemates ko.
"Goodmorning Jc. Kamusta? May twenty three ngaun, naalala mo ba sya?" Tanong ni Jake sakin. He's a colleague. Friends na kami since college kaya alam nia ang lahat.
Nginitian ko lang sya at tila nagulat sya dahil sa loob ng ilang taon, finally nagkaroon ako ng sigla. Oo, hindi ako ngumungiti mula ng araw na iyon.
"Wow pare! Ngumiti ka! Teka anong meron? Kc ngumiti na ung bebe loves mo!" Masayang turan ni Jake.
Si Kc ay isang officemate ko na matagal ng nagpakita ng paghanga sakin. Hindi naman ako manhid, hindi ko lang talaga binibigyan ng halaga yun dahil kay Jasmine. Maganda si Kc, kung tutuusin madami sa officemates namin ang nagpapakita ng paghanga sa kanya. At di makakaila na isa din syang matalinong babae. Pwede mo ding isipin na isa syang babae na maaring ipantay sa isang lalaki pagdating sa career.
"Talaga ba bebe loves?" Tiningnan nia ako.
Nginitian ko din sya with matching kindat pa.
"Oh saluhin nio ko dali! Mahihimatay ako sa kilig!" At nag parang nahimatay naman si Kc sa upuan nia. Doon ay tuluyan na akong natawa. Halakhak yun actually. Ang sarap sa pakiramdam. Parang muli akong nabuhay.
At nagsimula na kaming magtrabaho. Nakaharap pa din ako sa computer ko habang ngingiti ngiti pa din.
Lunch break na at nasa cafeteria kami. Actually, pito kami magbarkada sa office at pawang cpa kami. Si Jake, Kc, Mark, Sheila, ang magkasintahang si Carlo at Marie, at ako.
"So Jc spill it out? Anong nangyari? Nabuhay ka bigla." Si Sheila.
"Oo nga tol." Mark
"Bumalik na ba si Jas?" Si Jake.
"Hindi, hindi na sya babalik siguro. Napagdesisyunan ko na wag na syang hintayin at bigyan ang sarili ko ng chance na maging masaya ulit." Mahaba kong litanya.
Nakatingin lang silang lahat sa akin at ang hula ko ay tinatantya nila if totoo yung sinasabi ko.
Mahabang katahimikan ng magsalita si Jake. "Sigurado ka ba pare?"
"Oo naman, matagal na ang tatlong taong paghihintay para sa walang kasiguraduhang pag-ibig." Sagot ko sakanya.
"This calls for a celebration, right guys?!!" Masayang sabi ni Kc sa pag asa na mabaling ang atensyon ko sakanya.
"CHEERS!" Sabay sabay naming sabi. Nandito kami ngaun sa isang club. Nagkayayaan kasi dahil nga sa'kin.
"Para sa new life ni James Christian!" Si Maria na hinalikan pa ang boyfriend na si Carlo.
"Eew get a room!" Si Sheila naman. Sabay tawa naming lahat.
"Tss. Inggit ka lang gusto mo tayo?" Sabi naman ni Mark kay Sheila na lalo naming ikinatawa.
Busangot naman ang mukha ni Sheila bigla. Di kami nagsasalita pero nitong mga huling araw napapansin namin na medyo may kakaiba sa kanilang dalawa. Halos sabay sila pumasok at umuwi galing sa trabaho.
Nagpatuloy pa kami sa pagkwekwentuhan, puro katatawanan ang napag uusapan. Lalo na nung sumayaw si Jake dahil sa kalasingan. Halos maiyak kakatawa ang lahat sa kanya dahil para syang tuod na pakembot kembot sa tugtog. Madami na kaming nainom at halos may tama na ang lahat. Medyo tipsy na din ako. Habang si Kc, Jake, Sheila at Mark andun nagsasayaw sa dance floor. Si Carlo at Marie naman eto medyo nake-carried away na.
Napag desisyunan kong pumasok muna ng palikuran. Tumayo muna ako at luminga linga ng may makita akong pamilyar na bulto na palabas ng club kaya hinabol ko ito.
Halos makabangga pa ako ng mga tao sa pagmamadali pero di ko naabutan. Siya kaya ung nakita ko? Namalik mata lang siguro ako.
BINABASA MO ANG
JUST WHEN YOU THOUGHT YOU'VE MOVE ON
RomanceIt was almost three years ago since she left him. He's still trying to find an answer and for so many reasons can't still find one.