Simula
"Ako ang president ng fansclub nila!Ako at ako lang"
"Anong ikaw?Ako nga diba?!At isa pa ako ang nakaisip na bumuo ng fansclub.Kung gusto mong maging president,humanap ka ng ibang banda!"
Malayo pa man din ako ay rinig ko na ang pagtatalo sa loob ng classroom namin at kahit hindi ko pa nakikita kung sino ang nagbabangayan ay alam ko na kung sino ang mga ito.Palagi na lang kasi silang nagtatalo sa mga maliliit na bagay.
"Ako na lang kasi Trish"nakasimangot at nagmamakaawang sabi ni Macy at napa-tsk naman ang huli.
"Ang kulit mo naman e.Palagi na kitang pinagbibigyan kaya ako naman na ngayon"madiin na sagot nito.
Mga kaibigan ko sila pero ewan ko kung bakit hindi sila magkasundo sa maraming bagay.Pati sa simpleng kulay at size ng shirts para sa aming tatlo na gagamitin namin sa intrams ay pinagtatalunan nila.
Umiiling na lang ako habang papalapit sa kanila dahil mukhang hindi naman nila ako napansin na nakatayo sa hamba ng pintuan.Agad din naman silang tumayo ng makita ako.
"Asan na yung shirts?"sabay nilang tanong.
"Yun na nga e.Naubusan kasi tayo pero sabi ni Faith e magpapa-print pa sila mamaya at bukas ay meron na din"agad kong sabi.
Si Faith ay class president namin at representative ng buong Grade 12.Second month na ng pasukan at sa Lunes ay intrams na kaya puspusan ang paghahanda ng lahat lalong-lalo na si Faith.
Kaibigan din namin siya kaya lang hindi namin siya masyadong close dahil Grade 10 na nung nag-transfer siya dito and one thing ay masyado siyang matalino at masipag kaya naiintimidate kami 'pag kasama namin siya.
"Sinabi mo na ba kung anong kulay at kung anong size?"tanong ni Macy na siyang nag-decide ng kulay at size ng t-shirts namin.
"Yup!Wala ng problema dun tsaka yung iba nating mga classmates at ka-grade level ay gumaya na din para daw mas magandang tignan at para may unity"paliwanag ko which is true.A unity that will help our team to win.
Hindi naman na din nagsalita ang dalawa at bumalik na lang sila sa pagkakaupo habang ang mga mukha'y parang namatayan.
Napailing na lang ako sa inaasta ng dalawa.Hindi pa man din nagsisimula ang intrams ay parang talo na sila.Pero hindi ko rin naman sila masisisi kung walang gustong magpatalo lalo na si Trish na boyfriend ang drummer ng banda.
"Hey guys!Cheer up!Pwede naman na kayong dalawa na lang ang president e.Mas maganda pa nga 'yon para mas masaya yung club"pagkumbinsi ko sa kanila habang nakangiti para gumaan ang mood dito sa loob.Tatlo lang kasi kami ngayon dito sa loob at ang mga kasama ko ay balak pa yatang 'di na magpansinan.
Parang wala namang kuwenta yung sinabi ko pati na rin ang presensiya ko dahil hindi man lang sila nagsalita.Kinuha ko na lang ang phone sa palda ko para sana may mapaglibangan ng may nag-message sakin.
From:Steve
Are you in classroom?Don't leave.I'll be there.Steve is my brother.My twin brother actually kaya magka-batch kami and it's nice that we're in the A section.
Guitarist si Steve sa banda nila na Jupiter.Apat sila sa grupo and I can say that all of them are good-looking and Steve is the second on my list.
Maputi si Steve,may hikaw na pareho sa bandmates niya.He's also tall and he has soft features on his face mula sa maninipis na kilay,long lashes,brown eyes,pointed nose,maninipis at pulang labi hanggang sa defined jaw nito na lalong nagpagwapo sa kanya.
BINABASA MO ANG
A Love Journal
Teen Fiction"A rhyme for my ears and poems.A lyrics for his music and masterpiece" She's Frances Dana Guevara and she's deeply in love with Nike Denrich Hidalgo.A vocalist sa bandang Jupiter na binuo ng kakambal niya.Ang alam niya ay hindi na siya papansinin ni...