LA #18 - Kwentuhan Part 2

510 5 0
                                    

Lois**

"O si Mint naman!" Sabi nila at pumwesto na si Kuya Mint sa gitna.

"Medyo masama yun e, kasi may balak ako mag pakamatay....edi tumalon ako sa building, halos ilang minuto na hindi pa ko nakikipag kilala sa semento, tapos pag dilat ko ayun na lumilipat na ko," sabi nya.

"Woaahh, e bakit ka ba mag papakamatay? Okay lang kung hindi mo sagutin Kuya Mint." Sabi ko.

"Ah okay lang, kasi nakipag break sakin girlfriend ko tapos sumama sa lalaki tapos namatay silang dalawa kasi nabundol sasakyan kaya ayun." Sabi nya

"Awww." Naiiyak kong sabi, aba bihira ka lang kaya makarinig ng ganun madalas nababasa mo lang yun eh.

"3 down 21 to go!" Sabi ni Kuya Series at tinulak na nila si Kuya Twix sa gitna.

21? Hala? Edi ikukwento ko din yung akin? Bahala na. Baka sabihin nila hindi ko sila pinag kakatiwalaan kapag hindi ko sinabi diba? Bala na.

"Kase simple lang naman akin. Nag brown out tapos napakadilim tapos glow in the dark ako, e ako lang mag isa non sa bahay, hanggat sa nung mag papanic na ko may nag labasan na mga ilaw na bilog sa kamay ko tapos ayun na."

"Waaaahhh. Ako naman!" Sabi ni Kuya Snow. Na walang kakonek konek ang pangalan sa kakayahan.

"Binubully ako non e, oo ako na binata na e binubully pa, pero ang pag bubully lang sakin e yung binubugbog ako, edi nung inabangan nila ako sa kanto, edi binubog nila ako, isang padyak ko lang, bigla nalang bumuka yung lupa tapos nahulog sila sa ilalim, iniwan ko sila don at napansin kong bawat yapak ko nag kacrack yung lupa, kaya ayun na." Sabi nya.

"Ohh o sino sunod?" Tanong ni Kuya Series na parang incharge sa kwentuhang ito.

"Ako ako!" Sabi nung crush ko at pumwesto na sa gitna,

"Kase may cancer daddy ko non, mamamatay na siya eh, pero nung niyakap ko siya, bigla nalang umayos na ulit yung tibok ng puso nya tapos nawala na daw yung sakit na nararamdaman nya colon cancer kasi yun tapos parang konti nalang mag kaka leukemia na din siya. Tapos pag karinig ko nun nanghina ako at hinimatay paggising ko magaling na daw sya,sabi nila miracle daw pero alam ko sa sarili kong hindi, ako talaga may gawa nun." Sabi nya.

"Galing galing."

"O sino na sunod?" Tanong ni Kuya Series

"Si Kuya Cannon!" Sabi ko, nacucurious ako sakanya eh.

"Ahh sige sige." Sabi ni Kuya Cannon..

"Kase ganto, ang sakit sakit ng ulo ko non e, pero wala akong sakit...hmmmm...teka ano nga ba sunod?" Sabi nya habang kagat kagat ang thumb nya.

"Yung bigla ka nalang nag appear disappear sa kung san san!" Sabi ni Kuya Snow.

"Oo oo thanks brah!" Slang siya e imbis na bro, brah!

"Odi ayon, ako lang mag isa non sa bahay kasi mga magulang ko e nasa tooot ata mwehehehehe." Sabay tawa nya ng nakakaloka. Natawa naman din ako baliw tong si Kuya Cannon e xD

"O tapos?" Tanong ni Ariana.

"Ayun nga nag appear disappear ako, tapos edi sa sakit ng ulo ko napahawak ako sa ulo ko syempre, pero habang hawak ko lumabas sa utak ko ang isang map na may mga tuldok na red nung tiningnan ko ng mabuti yun yung mga napuntahan ko na at gusto kong puntahan, kaya ayun, kaya ko hinahawakan mga buhok niyo kasi parang nilalagay ko yung map nyo sa mapa ko para pag mawala kayo alam ko kung san ko kayo susunduin." Sabi nya

"Awww." Sabi ko sabay tapik ng balikat nya, kahit baliw, mabait, iniisip ang iba, oh diba?

"Ako naman!" Excited na sabi ni Kuya Xember.

House of Magic Season 1 - HOM Season 2 ( Louis Academy )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon