Copyright © 2020 by Jahric Lago
All rights reserved. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the Author, except where permitted by the law.
This story is a work of fiction. Any similarities to existing persons (living or dead), places, icons, or institutions are purely coincidental, or were used in the pursuit of creative excellence.
License Notes
This e-book is licensed for your personal enjoyment only. This e-book may not be re-sold or given away to other people. If you would like to share this story with another person, send them the link to this story and encourage them to read it on their own Wattpad account. Thank you for respecting the Author’s hard work.
Para sa lahat ng baklang minsa'y magmahal ng babae.
Minsan dahil nagsasawa na tayo sa kahihintay sa taong tunay na magmamahal sa 'tin, papasok tayo sa isang bawal na pag-ibig o magsosyota ng isang tao na hindi naman natin talaga gano'n kagusto, tipong masabi lang na may syota ka. O para ma-experience mo lang kung pa'no ba ang mahalin. Pero hindi natin alam sa love experiment nating ito may mga nasasaktan.
May isang baklang pogi na itago na lang natin sa pangalang JB at isang babae na mai-in love sa kanya na ang ngalan ay Amor. Bestfriends sila. Laging magkasama sa kalokohan, magkasama sa mga kasiyahan. Hindi mo sila mapaghihiwalay. Halos araw-araw silang magkausap sa school at kapag uwian na ipagpapatuloy nila sa text ang usapan. Gano'n sila ka-close. Gano'n nila kamahal ang pagkakaibigan nila. Pero hindi nila alam na ang munting pagkakaibigan ay mauuwi pala sa ibigan.
Isang araw, nagtext si Amor kay JB, sabi niya, "May aaminin ako sa 'yo... Mahal kita, JB."
Sagot naman ni JB, "Mahal din kita, Amor. 'Di ba, bestfriends forever nga tayo?"
Siya namang reply ni Amor, "Higit pa bilang bestfriends ang pagtingin ko sa 'yo."
Napatigil si JB, nabitawan niya nga cellphone niya sa confession ng bestfriend niya sa kanya. Lumabas siya ng bahay nila at pumunta sa terrace nila.
Habang nakadungaw sa terrace, nag-isip si JB: Bakit ako? Bakit ako pa? Ang daming lalaki diyan, bakit ako pang bakla? Mahal ko rin naman si Amor, pinapasaya niya ako, pero hindi ko yata siya kayang mahalin katulad ng pagmamahal niya sa 'kin. Pero isipin mo JB, 19 years ka ng loveless. Nineteen years ka ng paulit-ulit nasasaktan sa mga lalaking iniibig mo. Nineteen years ka ng nagmamahal pero hindi ka naman minamahal. Ngayon, nariyan si Amor, handang mahalin ka ng lubos. Is is worth a try?
Tinext ni JB si Amor at sinabihang magkita sila somewhere sa Marikina para mapag-usapan ang mga nararamdaman nila. Pumayag naman si Amor na makipagkita. Habang papunta si JB sa lugar kung saan sila magkikita, may nadaanan siyang mga nagbebenta ng bulaklak sa gilid ng simbahan. Bigla siyang napabili ng three white roses. Hindi niya alam kung bakit siya bumili ng flowers, inisip niya na lang na 'yon ang tamang gawin para kay Amor.
Pagdating niya sa meeting place nila, tuwang-tuwa si Amor nang makita niya ang dalang bulaklak ni JB para sa kanya, napayakap siya rito. At pag-upo nila, ang unang tanong ni JB, "Seryoso ka ba talaga sa nararamdaman mo sa isang baklang katulad ko?"
Mabilis na sumagot ng "oo" si Amor. Sabay dagdag nito, "Mahal kita, JB. Mahal kita kung ano ka man. Hindi naman kita susubukang baguhin, eh. Dahil tanggap ko na bakla ka at mahal kita."
Napaisip muli si JB: Siguro ito na ang panahon para ako naman ang makaranas ng pag-ibig, na ako naman ang mamahalin, hindi 'yong ako lang lagi ang nagmamahal.
Naging si JB at Amor noong araw na 'yon. Masayang-masaya si Amor kasama ang kanyang bagong boyfriend. Si JB naman ay unti-unti na ring nahulog ang loob kay Amor. Hindi nga niya akalain na magmamahal siya ng isang babae. Pero ang hindi alam ni JB ay ang mga consequences na haharapin niya sa love experiment na pinasok niya.
Lumipas ang apat na buwan. Nararamdaman ni JB ang unti-unti niyang pagbabago. Oo, kahit na sinabi ni Amor na hindi niya babaguhin si JB, deep inside, nagbabago na si JB. Kapag kasama ni JB ang ibang mga kaibigang babae, grabe kung gaano siya kalandi, kung pa'no niya ipakita ang tunay na JB. Pero kapag biglang dumating si Amor, titigas na si JB na animo'y isang matipunong lalaki.
'Yon ang pagbabago na kinakatakutan ni JB, na hindi na siya nagiging totoo sa sarili niya, at lalo na kay Amor. Alam ni JB na nagiging pretentious na siya sa harap ni Amor, kasi kahit mismo si JB ay nahihiyang makasama si Amor at pagtinginan ng mga tao dahil bakla ang boyfriend nito at hindi tunay na lalaki.
Dumating na ang araw na kinakatakutan ni JB at ni Amor. Sa gilid ng school gym, nag-usap silang dalawa nang masinsinan. Sinabi ni JB ang lahat ng nararamdaman niya kay Amor. Ayaw na niyang magsinungaling sa sarili niya, ayaw na niyang kapag magkasama sila ni Amor at may poging daraan ay mapapatingin siya. Feeling kasi ni JB na nagchi-cheat siya. Ayaw na niyang mabuhay sa pagiging great pretender.
Umiiyak na sinabi ni JB, "I'm sorry. But I'm breaking up with you." Umagos ang luha ni Amor at ito'y tumakbong papalayo. Si JB naman ay naiwan sa school gym, siya'y nanlambot, at tuluyan nang napaupo habang umiiyak.
Hindi ito naging madali para kay JB, kasi araw-araw ay nagkikita pa rin sila ni Amor, sa klase, sa corridor, sa kalye. Kahit na siya pa ang nakipaghiwalay, iba rin ang tinding sakit na idinulot ng breakup nila. Pero kay Amor, mas matindi ang naging sakit. Mas double ang sakit. Hanggang sa nag-decide na lang si Amor na lumipat ng seksyon nang sumunod na school year.
Lumipas ang ilang buwan, okay na si JB, back to his old self. Pero si Amor, lumipas na ang isang taon, ang tindi pa rin ng sakit na nararamdaman. Hindi pa rin siya nakaka-move on even after a year.
Hanggang isang araw, nag-krus ang landas nina JB at Amor habang papauwi sa school. Noong umpisa'y nagkahiyaan pero kalauna'y nagbatian din, nagkumustahan.
Nagsalita si JB, "Amor, sorry ulit sa lahat nang nagawa ko. Sana mapatawad mo pa ako."
Sumagot si Amor, "Sorry din kasi kung hindi dahil sa 'kin hindi rin naman ako masasaktan ng ganito, eh. Mali na ipinilit ko ang sarili ko sa 'yo, mali na inakala kong mamahalin mo rin ako the way I loved you."
At sa huling pagkakataon sila'y nagyakap nang mahigpit at naghiwalay ng landas.
Hindi natin masisisi sina JB at Amor kasi dalawang tao lang naman sila na katulad natin, naghahanap ng pag-ibig. Pero ang hindi natin alam ay sa kahahanap natin ng pag-ibig napupunta tayo sa isang relasyon na ikasasama natin.Tignan mo ang nangyari kay Amor, dahil sa ginusto niyang mahalin din siya ni JB, noong naghiwalay sila ay ang lakas ng impact nito't umabot pa ng lampas isang taon bago siya tuluyang naka-move on. At si JB naman, dahil sa paghahangad niya na maranasang siya naman ang mahalin ay pumasok sa isang love experiment. Pero unti-unti nitong binago ang pagkatao niya, at sa huli'y nasaktan din at sumuko.
Kasalanan ba ang magmahal? Hindi. Pero hawak natin ang pagdedesisyon sa kung ano ba ang tama o mali.
WAKAS
BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO! ❤
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago
BINABASA MO ANG
Love Experiment
Short StoryIsang babae nainlab sa isang bakla. Magawa kaya ng isang bakla ang magmahal ng isang babae? Maging matagumpay kaya ang kanilang relasyon? Ano kayang puwedeng mangyari? Ito ang kuwento ng love experiment nina JB at Amor.