LWL.III

21 4 0
                                    

Kevin Marasigan's picture at the right side.

ANDY's POV

‘’HAYAAAAAAAA!’’ I shouted on the top of my lungs. MWAHAHAHA. Sinipa ko lang naman siya where it hurts the most.

‘’ ARAYYYY! THAT’S B*llshit ! ‘’ Ayaw mo pa kasing ibigay eh. Buti nga sa'yo.

HALAAA! Nakataas na yung fist niya! Susuntukin na niya ako. Ayan na . PIKIT ANDY! Mag dasal ka para sa buhay mo.

*POK*

‘’ OUCHHHHH! ‘’ sumigaw ako ng bongga . Ramdam ko kasi na may lumapat nang kamay sa mukha ko. Araaaaaay. Huhuhuhu

‘’ Ah? Hey? Masakit ba yung pitik ko sa noo mo?’’ Huh? Teka nga? *blink blink* 

Kaharap ko ngayon yung Darius ata. Ang pogi niya. Tapos naka smile siya sa akin. HALA! May mga ganito palang nilalang?

‘’ Ah eh. Pasensya na ah? Akala ko kasi sinuntok na niya –? ‘’ teka? Nasan na yung lalaking masungit kanina? Pag tingin ko dun sa right side ko. Kinakaladkad siya nung isa pang guy palayo dito.

‘’ Here’s your envelope Andy. ‘’ Nakakatunaw yung smile niya ~(*O*)~

‘’ Ah . Salamat. Teka? Kilala mo ako? ‘’ Sabi niya Andy di ba? So kilala niya ako?

‘’ You’re cute. Ikaw yung sister ni Kevin di ba? Sige, una na ako. Bye. ‘’ WOW! Kahit papano may maidudulot naman palang mabuti si Kuya Kevin sa buhay ko. YES! May panibagong gwapo akong kakilala. MWAHAHAHA.

After kong makuha yung real envelope ko, pumasok na ulit ako sa office at ipinaliwanag kay President ang mga pangyayari.

‘’ Buti nahanap mo pa yang mga papers mo, kung hindi malaking gulo ang papasukin mo. ‘’ Sabi ni Kath pag kalabas namin ng Office.

‘’ Oo nga eh. Hey, by the way, samahan mo naman akong mag grocery ngayon.’’ Palabas na kami ng Campus ng maalala ko yung about sa dinner mamaya sa bahay.

‘’ Para sa dinner later? Ipaghahanda mo pa talga kami? How sweeeeeet. ‘’ Yup. Kasama siya mamaya pati na din yung mama niya, si Tita Anya. We’re not blood related. Close lang talaga si tita Anya at Kath sa family namin at imbitado sila sa dinner later.

‘’ Yes. Minsan lang tayo mag dinner ng sabay sabay , kaya dapat mag prepare ako. ‘’

After namin maasikaso lahat ng kailangan, dumiretso na kami sa SM para mag grocery.

Kevin’s POV

‘’MAMA! Dito mag didinner sina Papa mamaya at kami ni Kuya ang magluluto para sa kanila. ‘’ Tuwang tuwa naman mag kwento itong si Andy kay Mama.

‘’Mukha kang tanga diyan Andy.’’ Bigla naman akong nag salita sa may likod niya. Kadadating ko lang din galing sa trabaho.

‘’ KUYA! May binili nga pala ako sa’yo. Susuotin mo ito ha? ‘’ Ano na namang pakana nitong babaeng to? Inabot niya yung paper bag na todo pa ang smile with sparkling eyes. Kinuha ko at binuksan.

‘’ Hindi ko alam kung anong level na ng ka-tangahan ang meron ka Andy. Sa tingin mo magsusuot ako niyan? ‘’ sabi ko sa kanya.

‘’ Kuya naman eh! Mama oh?! Si kuya ayaw akong pagbigyan.’’ Aba’t nagsumbong pa kay mama.

‘’ Lintik naman Andy, ang pangit niyan!’’ Kainis! Pinipilit ba naman akong magsuot nung apron na kulay pink tapos may mga heart shapes pa. Hanep naman. Gay na gay ang dating ko dito.

‘’ Sige na kuya. PLEASE PLEASE PLEASE.’’ Ang kulit nitong babaeng ito. GRABE.

‘’Andrea Mae, umakto ka nga sa edad mo. Pwede naman kitang tulungan mag luto ng hindi mag susuot ng lintik na apron na yan. ‘’ Nakakairita na talga siya. Nauubos ang oras namin sa pag-aaway dito.

‘’ *sniff* Gusto ko lang naman *sniff* na isuot mo yan. Minsan na nga lang ako bumili *sniff* ng isang bagay para sa’yo, ayaw mo pa *sniff* ‘’ Paktay tayo diyan, umiyak na yung bata. ARRGH! Kung hindi ko lang mahal itong bubwit na ito.

‘’ Tumahan ka na diyan. Mag simula na tayo ng pagluluto.’’ At isinuot ko na din sa wakas ang bwisit na apron na ito. YUCK! Ang pangit talaga.

HIWA. GAYAT. HALO. PASO. INIT. TIKIM. HAIN.

HIWA. GAYAT. HALO. PASO. INIT. TIKIM. HAIN.

HIWA. GAYAT. HALO. PASO. INIT. TIKIM. HAIN.

HIWA. GAYAT. HALO. PASO. INIT. TIKIM. HAIN.

HIWA. GAYAT. HALO. PASO. INIT. TIKIM. HAIN.

After ng pinakamahabang tatlong oras ng buhay ko natapos din namin lahat ng ni-planong lutuin nitong babaeng ito. Kung ako lang ang tatanungin, hindi na kailangan pang ipaghanda ang mga bwisitang dadating dito. Malalaman niyo din kung bakit galit na galit ako sa Gabriel na yan, o kung tawagin ni Andy, eh ‘’papa’’.

ANDY’s POV

Beep. Beeeep.

‘’KUYAAAAAAA! ANDYAN NA SINA PAPAAAAAAA!’’

‘’ Andy? Nagiging habit mo na yung pagiging tanga. Katabi mo lang ako. Ito ako oh? Kung makasigaw ka diyan. ‘’ EHHH! Excited lang naman ako eh. Hahahaha

‘’ Oo na. whatever. ‘’ sagot ko sa kanya.

‘’ PAPA! ‘’ Pagbukas ng pinto, si papa agad ang nakita ko. Tinanggal ko na yung apron ko at inayos ang pagkakatali ng buhok ko bago lumapit sa kanya.

‘’ Hi princess. Mukhang busyng busy ka ah? ‘’ Hinalikan ko muna siya sa pisngi tapos nag mano ako sa kanya.

‘’ Siyempre naman Pa, minsan lang tayo mag sabay sabay sa dinner eh. ‘’ after kong sagutin si papa. Lumapit ako dun sa mga kasama niya sa nasa loob na din ng bahay.

‘’ Hi tita Anya’’ bati ko sa kanya at nag mano din.

‘’ BES! ‘’ bigla naman akong niyakap nitong si Kath tapos nag beso lang kami.

‘’ Hindi mo manlang ba babatiin ang Tita Anya mo, Kevin? ‘’ Tanong ni papa kay Kuya.

Tumingin lang si kuya sa kanila at dumiretso na sa dining area. Nakakainis talga ito si Kuya, di manlang marunong makisama. Lagi nalang mainit ang ulo. Buti nga nandito sina tita Anya, kung hindi dahil sa kanila, baka tuluyan ng nasira ang pamilya namin.

‘’ Ah eh, tara na po, nakahain na yung mga pagkain. ‘’ Niyaya ko nalang sila para mabawasan na yung tensyon dito sa bahay. Mukhang nagagalit na din si Papa kay Kuya.

‘’ Lord, thank you for the food. Amen. Kain na po tayo. ‘’ After mag lead ng prayer ni Bes, kumain na kami. 

Sobrang daming kwento ni Papa, about sa mga clients niya. Tawanan lang kami nina Tita Anya at kath sa mga sinasabi niya. Si kuya Kevin? Wala imik. Sobrang tahimik at ang sama ng tingin niya kay Papa.

'' Kevin? Bakit? '' Napansin niya siguro yung tingin sa kanya ni Kuya.

‘’ Masaya ka na ba Gabriel ha? ‘’ Ayan na naman si kuya, nag simula na naman ng gulo

‘’ Ano bang sinasabi mo Kevin? Papa mo ako, matuto ka ngang gumalang.’’ Hindi maganda ito. Halata sa boses ni Papa na galit na siya.

‘’  Ito naman talga ang plano niyo ng babaeng yan di ba? ‘’ Sabay turo niya kay Tita Anya.

‘’ Kuya, tama na’’ awat ko naman sa kaniya.

‘’ Tumigil ka na Kevin. ‘’ Puno ng awtoridad ang boses ni papa.

‘’ Eh gago ka pala eh? Bakit ako titigil? Gusto mong igalang kita, pero si Mama hindi mo na ginalang. Dinala mo pa yang babaeng yan dito. Ano? Ginagago mo talaga kami ha? ‘’ sobra na si kuya, kahit na hindi ko alam kung bakit siya nagagalit kay Tita Anya, dapat hindi niya binabastos ng ganito sila sa harap mismo naming lahat. 

AN:

OMG. Bakit galit si Kevin sa Papa niya at kay Anya? Anong masasabi niyo sa Chap na ito readers? Hanggang dito nalang muna ang UD :))) cliffhanger much XD Ganyan ko kayo kamahal. HAHAHAHAHA .

Vote&Comment

LABLATS <3

xx FilipinYana xx

Love with Lies (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon