Chapter 9
Mina
"What do you mean that you don't know where she is?!!!!" Kagimbal gimbal ang bumungad sa 'kin sa office of the president. Galit na galit si boss Rafael! Pagpasok na pagpasok nya kanina ay ako kaagad ang pinatawag. Nakakatakot sya! Para syang si Goukou na nag-super saiyan at salo-salo ko ang kame hame wave nya!! Kailangan ko na bang magipon ng mga dragon balls paglabas ko sa lungga na ito? #katakot, #bangkaypaglabas, # paranoidmuch!
"Naman sir, mukha ba akong hanapan ng nawawalang tupa? E diba kayo nga ang nangidnap sa kanya kahapon?"
Pinaningkitan nya ako ng mata at mas lalo pa atang nagalit. Kainis talaga itong taong 'to! Saan ba nya nahukay ang kagwapuhan nya? Mahanap nga ang minahan na 'yon para magkaroon na ako ng papa.
"Boss naman, hindi ko naman talaga alam kung nasaan sya. Dapat nga ako magtatanong nyan, kasi kayo ang huli nyang kasama. Kapag inimbistagahan tayo ng NBI, number 1 suspect ka."
"I'm warning you Ms. Felomina Magpantay. Enough of those crap!"
Nangilo ako sa narinig ko. Kailangan ba talagang buo ang pangalan? #bastusanpamore!
"Bossing, wala talaga akong alam, promise cross my heart, mamatay ka man... Ay... Mamatay man yung butiki sa dingding namin!"
Huminga sya ng malalim na parang pinipigilang nyang mag-kame-hame-wave... #adikkaygouku
"Anong cellphone number nya?"
"Maniwala akong hindi nyo pa alam."
"Alam ko ang old number nya pero mukhang nabago na." Kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone ko at hinanap yung number ni Kat. Ipinakita ko kay Sir Rafael ang number na nakasave dito.
"I have the same number and it's not working."
"Aaaa..., ok.. Kaya pala parang out of coverage area palagi."
"Wala ka na bang alam tungkol sa whereabouts ng best friend mo?"
"Naku sir, alam ko lahat ng nangyayari sa babaeng yan, kahit mga kababalaghan ng buhay at kahibangan nyan, alam ko. pero nakakapagtaka lang talaga at nawawala na pala sya, ay hindi man lang tumawag sa akin! Naku boss... Hindi kaya totoo nang NAKIDNAP NA SYA! E diba nga milyonarna na ang buha! Baka may nakatunog na marami na syang datung kaya dinukot sya sa Cebu! Kailangan na ba nating mag-abang ng ransom note o demands?? Baka, putol putulin mga body parts nya tapos isisilid sa maleta tapos.... "
"WILL YOU PLEASE SHUT THE HELL UP! Kung ano-ano ang iniisip mo at nakakairita ang boses mo!"
Nagtatanong tapos pinapa-shut-up ako? Haubeyen! #imbyerna!
"Concern lang naman ako sa kaibigan ko. Sayang,, mababawasan ang magaganda dito sa opisina kung mawawala sya."
Sumandal sya sa swivel chair nya at sandaling pumikit. Wawa naman si bossing, mukhang hindi pa nakakapagpahinga. Dahil ba ito sa paghahanapi ay kat? Iba na yan a? E paano naman si dragon lady?
"Give me your phone."
"Vakwet? Uso na ba dito sa opisina ang confiscation? Kakabili ko lang nyan a! Saka isa pa, wala kayong grounds para i-confiscate 'yan. Hindi ako nag-f-facebook, twitter, nagbabasa ng stories sa wattpad, at lalo ng hindi ako nanonood ng aldub sa panahon ng trabaho."
"Tapos mo na bang i-report sa akin lahat ng violations mo?"
Tinakpan kong bigla ang bibig ko. Oooopppsss... Did I say those things?
Iiling-iling si boss Rafael na kinuha yung cellphone ko. May tinype lang sya doon at ibinalik na nya sa akin.
"That's my private number. You can go now. Just call me if you have news. "