Tapos Naman Na [one shot]

767 13 5
                                    

Ako nga pala si Ana.

Second year college student. BS Applied Math.

Syempre, obvious na ang favourite subject ko ang math.

Pero this sem, may nadagdag akong favourite na subject. Etong subject na 'to ang pinaka ayaw ko nung highschool, pero dahil sa prof ko, nagustuhan ko ang English.

Si Sir Alcala ang prof ko sa English. Kalog sya. Hindi rin strict. At sobrang sexy mag-english. Matangkad sya, matipuno, at kaka-graduate lang two years ago. Inaamin ko naman e. Crush ko si Sir.

Nung unang araw ng klase, pagkapasok ko ng room, may nakita akong lalaki dun sa dulo ng kwarto. Mag-isa lang sya dun sa room. Siguro maaga syang pumasok. May hawak hawak sya na libro, tapos nakataas yung isa nyang paa dun sa upuan na nasa harap nya.

"Excuse me, eto po ba yung Eng 1 section EF-3R?" tanong ko dun sa lalaki

"Yeah." matipid nyang sagot, at hindi man lang ako nilingon.

Umupo na ako sa may gitna. Nasa left side sya ng room, ako nasa right. Sinilip ko sya saglit. Ang astig nya kasi tingnan! Naka polo at jeans sya, tapos yung buhok nya nakataas. At yung position nya, parang ang angas, kasi nga nakataas yung paa nya. And yet, mukha rin syang gentle dahil dun sa suot nyang salamin. Ang weird ng combination. Parang Nerdy Gangster, pero ang astig.

"Freshie ka?" tanong nya sakin. tsaka palang nya ako nilingon

"A-ah. Opo."

"Ahh. Welcome sa university" tapos nginitian nya ako :")

"Salamat po. Kuya, ano pong course nyo?"

"Dev Com"

"Wow. E bakit ngayon lang po kayo mage-Eng 1?"

"Ana!"

napalingon ako dun sa tumawag sakin. si Leah! close friend ko simula highschool :) Syempre tabi na kami sa upuan, at nagkwentuhan lang kami hanggang sa dumating na yung iba naming mga kaklase.

"Ui. Sino yung kausap mo kanina?" tanong ni Leah sakin.

"Ah. di ko alam name e. Pero kaklase natin."

"Ahh. Cute nya."

"Oo nga e." ngek umamin :"> e cute naman talaga si kuya.

Nung medyo marami na kami, sinara ni kuya yung libro nya, at tumayo. Pumunta sya sa unahan, at ngumiti.

"Good morning Class. I will be your professor for English 1."

Napanganga kami ni Leah. Si kuya yung prof namin!? Tumingin sakin si kuya tapos ngumiti. Ako naman, parang gusto nalang mawala ng parang bula. Nakakahiya! Grabe. :(( Bakit hindi man lang nya sinabi? >___<

Simula nung araw na yun, tuwing may klase kami, ako lagi ang tinatawag ni Sir Mark para sumagot. Syempre nagtatawag din sya ng iba, pero ako lagi ang inuuna nya. Naiinis na nga ako nung una e, kasi napipilitan akong mag-aral ng sobra para lang hindi mapahiya sa klase nya. Pero tuwing patapos na ang klase, tatawagin nya ako. At kapag wala nang tao kundi kaming dalawa, makikipag-apir sya sakin, tapos sasabihan nya ako ng 'Good Job'.

Tapos Naman Na [one shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon