From an outside errand, nadatnan kung bubulong bulong mga office mates ko. Siniko ko si Diana. "Anong meron?"
"May mhin sa loob!" animoy kinikiliti pa ang loka.
"Umayos ka nga? Di ko gets, anong meron?"
"Isang papable ang nasa opisina ni Ms. Hernandez. Syet, ang guwapo! Makalaglag panty!"
Umiiling ako. Hindi sapat ang pagiging guwapo na pamantayan ko sa lalaking nais kong makasama. He must not only be rich but should have an achievement to be proud of. 'Yung tipong trophy boyfriend.
"Ms. Buburol, come to my office." Napangiwi ako. Not again. Kung hindi ko lang boss, ipagduldulan kong tawagin niya akong Macie.
I knocked on her door.
"Come in."
Pagpasok sa opisina, napanganga ako sa bisita ni ng boss ko. 'Nak ng tae. May balat ba ako sa puwet para mamalasin ng ganito?
"I presume kilala mo na si Mr. Terrence Madrigal" untag ni Ms. Hernandez. Hindi ko mapigilan ang gigil sa mukha ko. Nanggigigil ako sa galit actually.
"Hi, Macie!"
Sa pagkakita ko sa matamis niyang ngiti para tuloy naalala ko ang commercial advertisement sa tv. Anong nakain mo? sabay sasayaw sayaw si Ai-Ai Delas Alas habang ibinubudbod sa niluluto ang pakete ng Magic Sarap. Ni katiting, walang bakas ng kasungitan sa pagmumukha niya.
"Hi, Mr. Madrigal." There, I managed a fake smile. Alam ko kung gaano siya kaimportante sa kompanya. Theirs will be a huge account sa client rooster namin.
"Join us. Have a seat."
I sat opposite him. I noticed his swift glances pero nakatingin lang ako kay Ms. Hernandez. Magkaka-stiff neck yata ako nito pag magtatagal kami sa pag-uusap.
"Mr. Madrigal and I have sealed the contract, Macie. But he had one request, he wanted you to document the project." paliwanag ng boss ko.
Hindi ko na napigilang tumingin sa lalaki. Kahit papanindigan ko na sanang huwag tumingin, curiosity got me. At anong kinalaman ko sa project nila? I'm the executive assistant ng CEO. Why the hell am I drag into this Project? 'Di ko gets. Paki-explain! kontra ko pero sa loob loob ko lang.
"Pero ma'am..."
"No buts, Ms. Buburol." she snapped at me.
Nakangisi si Terrence pagkarinig sa apelyido ko. Tatawa-tawa ka pa ungas! asik ng mga mata ko sa kanya.
"It is settled then." Nakipagkamayan na si Terrence sa boss ko sabay paalam.
Omaygad! Makakasama ko si Terrence in a project. Then something popped in to my mind. Ayaw mo 'nun? Then, you can have your revenge. Good idea! Humanda ka sa higanti ng api! Hek..hek..hek..ano ka Amor Powers? Baliw na yata ako.
~o~o~o~
First day ko sa Mega City Corporation, diretso ako sa opisina ni Terrence.
"Sit down, Ms...."
"Macie, Sir" agap ko sa sasabihin ni Terrence. I know, it's his way to make fun of me. And I won't let him.
"Okay, Macie." Hindi nga tumatawa ang bibig niya pero kita ko sa mata ang amusement. "I'll be honest with you. Hindi ko na sinabi sa boss mo, but you're being here is not in anyway connected sa project."
Pilit kong pinipigilan pero nakahulagpos ang isang kilay ko. Nakataas na ito, demanding some further explanation sa sinasabi ng kaharap.
"When you came here, the other day, my grandmother had seen you." Tinutukoy niya ang abuwela - the Madrigal matriarch, the one and only Donya Adelfa Delgado Madrigal. May-ari ng napakaraming hotel chain sa bansa. I stumbled on such fact habang patuloy na ini-stalk ko ang instagram account ni Terrence.
Naalala ko nga na may sumisigaw ng Hannah sa entrance ng Crown Towers. So, ako pala ang tinatawag ng matanda.
"She thought, ikaw si Hannah." Inilapag ni Terrence ang isang full-size body picture. "She is Hannah Denise Madrigal, she went missing five years ago. That made my grandmother delusional. "
I looked at the picture. Malaki nga ang hawig ko sa babae. Parang nakikini-kinita ko ang sarili ko sa kanya. She's the ideal woman I wanted to be. Keribells niya ang pagiging sosyal.
"I want you to take her place. Magpanggap kang Hannah sa harap ng lola ko."
Naningkit ang mata ko. I threw him an "how dare you!" look. He will be using me to trick his own grandmother! Sabi ko na nga ba, he's not someone to trust.
"Don't get me wrong. For the past five years since Hannah went missing, my grandmother was extremely passive. No recognition, no communications as if she shut herself to the outside world. She's like a living dead."
Lumamlam ang mga mata ni Terrence. He's like a defeated warrior. Was he going to cry?
"But it was different when she saw you. Since then, she started talking to me. Hanapin ko daw si Hannah. If by bringing back Hannah to her would cure her delusions, I'm willing to bring back Hannah by all means. I need time, Macie. While you are taking Hannah's place, ipapahanap ko ulit siya."
My system was slowly processing what he just said. Terrence was doing this for his grandmother.
"Pretend to be my cousin and anything under the heaven will be yours. Whatever your conditions in taking Hannah's part, ibibigay ko."
"As in lahat?"ulit ko.
"Lahat." he affirmed.
Napangisi ako. It's like hitting one stone with two birds. Matutupad ko ang mga pangarap ko and at the same time, makakapaghiganti ako sa mukong na ito. A naughty smile escaped my lips.
______________________________________________________________________________
A/N: what a turn of events! ano kaya ang binabalak gawin ni Macie? please post your thoughts.
BINABASA MO ANG
Cousin for HIRE
Romance"Pretend to be my cousin, and anything under the heaven will be yours." Napanganga si Macie sa offer ng kaharap walang iba kung hindi si Terrence Madrigal - the heir of the Hotel Magnate. Nakahamba ang platinum visa card sa mukha niya. Only the ul...