Chapter 3

58 3 0
                                    

"Payag ka na?" 

There was anticipation in his voice. He knew, I am the only one who could help him. I really look like Hannah. Konting ayos lang ng buhok, mapagkakamalan nang ako siya. It struck me, mapagmahal na apo pala ang mokong. But it doesn't made me more forgiving for what he did. 

"Won't you ask me kung ano conditions ko?". I teased him. Wala pa akong maisip na kondisyon but I will make sure na may kalalagyan siya sa pagsusungit na ginawa niya sa akin.

"Whatever that is, kaya kong ibigay. May katapat naman sigurong salapi 'yan? Here's my credit card, limitless yan. Shop all you want."

Namimilog ang mata ko. Hawak ko na ang susi sa lahat ng nais kong bilhin. Daig ko pa ang tumama sa lotto. Pero teka teka.... Hmmm... this was too easy for him. Ano bang ipapagawa ko na hindi kelangan ng salapi. Isip pa more. Couple of seconds, it struck me. Pwede, pwede.

"Mr. Madrigal..."

"Call me, Terrence" he commanded. "Kung magiging si Hannah ka, might as well get used to calling me Terrence."

I nodded. May point siya.

"Terrence, come here. Ibubulong ko sa iyo ang isa pang kondisyon."

Nagtaka man, inilapit ang tenga niya sa bibig ko. Mahina lang ang pagkabigkas ko pero sapat na para mamula ang buo niyang mukha.

"You've got to be kidding me?" medyo napalakas ang pagkasabi ni Terrence.

Halos matawa ako sa expression ng mukha niya. Nakini-kinita ko na siya habang ginagawa niya ang kondisyones ko. Chill brother! 

"Ayaw mo?" I challenged him.

Naghamunan kami ng titig. Hindi ako ang may kailangan sa 'yo, remember? tila nang-uuto ang mga mata ko. I smell success. Don't fuss Marcelina Salanga Buburol or else you'll be in a deep sh++t. Lintik lang ang walang ganti.

"Okay, okay. I'll do it." Suko ni Terrence. He knew what is at stake. It's for her grandmother.

"Very well, then. It's a deal! Sasabihin ko sa 'yo kung kelan. Just be ready, okay?"

I offered my hands and he accepted it. Napakalambot naman ng kamay niya. Kung hindi lang nakakahiya, aamuyin ko pa.

He left a moment. Pagbalik sa opisina, daladala niya ang isang brown envelope. He pulled the contents. Sari-saring pictures ni Hannah ang nandun. Meron ding usb.

"Here, pag-aralan mo ang mga kilos ni Hannah. Those were footages on several occasions."

Iniabot niya sa akin ang usb. 'Langhiya para akong artista nito. Pag-aaralan ko ang katauhan at kilos ni Hannah. I look at the pictures one by one. Sa totoo lang, parang marami kaming similarities. She's got a smiling eyes and a commanding aura. Nanonood lang si Terrence, tila pinag-aaralan din ako.

"You make take those home. Halika, my pupuntahan tayo."

We went outside the building. Walang imikan sa loob ng sasakyan. Hinimas-himas ko ang credit card ni Terrence. Nakalista na sa utak ko ang mga bibilhin. 

"Here we are." 

Sa isang sikat na salon ako dinala ni Terrence. Simula pa lang ito ang buhay mayaman na mararanasan ko. 

"Hello, Terrence." beso ng isang bakla. 

Tila kilala si Terrence sa salon at lahat nagsitanguan sa kanya. Kaya lang ayaw niya ang hilatsa ng mga mukha nila. They looked at me differently. Atsay yata ang tingin sa akin. I swayed my hair. Mas maganda ako ng di hamak sa inyo no? Umariba na naman ang pagkamaldita ko. Ayaw na ayaw ko ang feeling na minamaliit ang pagkatao ko.

"Hello, Mama Mae."

Nakipag-beso si Terrence. Tinignan ko kung may pumilantik sa kanya. Wala naman akong nakita. Friendly lang siguro sa mga bakla si Terrence but it doesn't mean isa siyang ka-federasyon.

"She's Macie. Pakiayusan Mama Mae. Whole package, the usual."

Pasimpleng iniabot ni Terrence ang picture ni Hannah. Gets naman ng bakla ang ibig sabihin ni Terrence. Ipinapagaya ni nito ang ayos ni Hannah sa akin.

"No problem, it's not a thing I can't do. Magkahawig naman sila." Mama Mae assured him.

Nagpaalam ang lalaki. Kung ilang oras inabot ang pag-aayos sa akin. I was fully pampered. Hapon na nang bumalik si Terrence.

"How do I look?"

Tila modelong naglakad ako sa harap niya. So far, medyo at ease na akong kasama siya. Kung apo ni Donya Adelfa sina Hannah at Terrence, pinsan kaming dalawa me playing as Hannah. So, I need to feel close to him.

"Bautifully, made!"

He said mesmerized with my new look. Sabagay, I myself can't believe what I'm transformed into. Kay Terrence, hindi ko alam kung humanga siya na naging mas kahawig ko si Hannah or nagandahan siya talaga sa akin.

But I don't mind. Masaya ako sa kinalabasan ng pagpunta namin sa salon. From now on, I will be Hanna Denise Madrigal - the heiress. Bongga!

_______________________________________________________________________________

A/N: Macie and her antics! getting excited? please post your comments.



Cousin for HIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon