Yow guys !Haha !
Update ako ulit kahit konti lang ang reads.
Wala ehh.
Atleast may nagbabasa parin kahit papano.
Thank you nang marami sa mga nagbabasa 😘
_______________________________
Someone's POV
Ilang oras na nga bang nasa labas nang emergency room ang mga kaibigan ni kathryn?!
2 ?
3 ?
5 ?
Hindi na nila alam.
Ang iniisip nalang nila ngayon ay dapat magising si kathryn.
Mangiyak ngiyak na sila sa nakikita nila ngayon. Sa kalagayan ni kathryn.
Tila any moment ay bibitiw na ito.
Ang sabi sa kanila nang doctor ay maliit nalamang ang tyansa na magising siya dahil sa dami nang tubig na nainum niya.
Hindi rin malinis ang tubig kaya nakontamina si kathryn.
"Tangina guys ! Kailangang malaman na to ni kuya" maluha luhang sabi ni JC.
Napapasuntok pa siya sa pader dahil sa nakikita niyang hirap ni kathryn.
"Jace, maghunos dili ka ! Hindi pa pweding malaman to ni daniel, hindi pa nahuhuli si Jake" pag aalo nang kaibigan niyang si lester.
Mas lalong nanggigil si JC sa narinig niya at naiyukom ang mga kamao nito.
"Tangina ! Wag lang siyang magpapakita sakin dahil ako mismo ang papatay sa kanya" nanggigil niyang sabi.
"Jc huminahon ka naman---"
"HUMINAHON?!! Nakita niyo ba kong anu ang nangyayari kay kathryn? Nag aagaw buhay siya!!! Kasalanan ko to. Kong dapat sinamahan ko nalang siya sa pag uwi ay hindi mangyayari to" tuluyan na ngang napaiyak si jc at napaupo nalang sa sahig.
Pati sina julia,miles at ingrid hindi narin mapigilan ang sarili sa pag-iyak.
Lalo na't nang makita nila ito kanina ay namumutla na at malalaki ang pasa sa mukha.
Lumabas ang isang doctor na nag-aasikaso kay kathryn, lahat sila ay lumapit at nag-aabang sa maaaring sabihin nang doctor.
"Natanggal na namin ang mga tubig na nainum niya pero hindi parin namin masasabi na magiging maayos siya. Good thing ay lumalaban ang pasyente. Kong maaari ho sana ay tawagan niyo na ang magulang niya. Hindi ho natin alam ang mangyayari sa susunod na oras........ Excuse me!" Pagkaalis nang doctor, tila nanghina ang magkakaibigan.
Wala paring kasiguraduhan na mabubuhay nga ang kaibigan nila.
Gaya nga nang sinabi ni JC ay tinawagan na niya ang kuya niya.
Hindi naman ito nagbigay nang detalye about sa nangyari kay kathryn, basta ang sinabi niya lang ay pumunta siya sa hospital. Baka ikapahamak nang kuya niya kapag nalaman ni daniel kong sino ang nasa hospital.
Pinaalam narin nina Julia sa ama ni kathryn ang nangyari at bukas pa nang umaga ito makakarating.
Dalawang oras pa ang hinintay at lumabas narin ang doctor.
"She's under observation pa sa ngayon. Hangga't maaari wag ho muna kayong papasok sa loob nang kwartong ito baka ikasama nang pasyente" ani nang doctor.