My heart & his beats (One-shot)

2.9K 96 76
                                    

MY HEART AND HIS BEATS :)

**

"I'm sorry if there has been some kind of miscommunication, but Bella is unavailable tonight. To be perfectly honest, she'll be unavailable every night, as far as anyone besides myself is concerned. No offense." Goosshhhhhh. Ang sweet ni Edward *faints* Ang swerte ni Bella. Hayst! Nakaka-op naman ang movie na 'to! Hindi ako makarelate! Buti pa sila, almost perfect na ang love story nila kahit fiction lang, eh ako? Kelaaannn?

I closed the tv dahil kahit sweet, hindi lang talaga ako makarelate. Amfufu. Lumabas muna ako ng bahay tutal maaga pa naman. Joke! 8pm na eh. Naglakad-lakad na ako hanggang sa makarating ako sa isang park, sa subdivision kami nakatira at sa gitna nito ay may isang park. Ang cool nga eh.

"Oh! Hello Hazel! Nandito ka pala!" Sheez. Wala ako dito. Wala talaga ako dito. Kung sino yung nagsabi yan? Yung 'masugid' kong manliligaw na naman. Aeron ang pangalan niya. Isang bagay na gusto ko sakanya? WALA. Ayoko sakanya! First Year High school pa lang kami nanliligaw na yan eh. Hanggang ngayon ba namang Fourth year nanliligaw pa din? Talk about persistence! Gwapo naman siya eh, saka mabait, kaso ayaw ko lang talaga sakanya.

I mean, ano naman kasi ang nagustuhan nito sa akin? Eh parang lalaki akong manamit! Hinding-hindi mo ako mapapasuot ng sleeveless shirts, shorts saka high heels! *sigh* Dati, oo, nagsusuot ako ng sleeveless shirts, shorts, well yeah, pati high heels. Pero nagbago lahat yun nung makilala ko si Kai. Ayaw niya sa mga masyadong liberated na babae, yung mga tipong ang mga suot eh yung tulad sa mga suot ko, DATI.

Obvious naman di'ba? Gusto ko siya. Ang cool at ang bait niya kasi eh. Well, sabi yun ng mga kaibigan niya. Hindi ko pa siya nakausap personally eh. Hmm, may mga times din naman na nag-uusap kami, pero about schoolworks lang. Kaya hindi kami close.

"Hi Aeron." diretso at walang ka-feeling-feeling na sagot ko. Hindi naman ako masama eh, hindi ko siya pinaasa, simula't sapul sinabi ko na sakanya na hindi ko siya gusto, kaso nga di'ba, persistent. >,<

"Pwede ba kitang tabihan?" Jusko may katabi na ako, yung kaluluwa ko. >.< badterp! Kelangang makaisip ng paraan para matakasan ko 'to!

Tumango na lang ako, ano pa nga ba. Bahala na nga. Agad naman siyang umupo. "Anong ginagawa mo dito? Medyo gabi na ah.."

"Wala lang. Tambay tambay lang.." biglang umihip yung hangin kaya napaakap ako sa sarili ko. Ang lamig!

"Ahhh. Ganun ba.. Oh ayan, gamitin mo muna.." ibinigay niya sa akin yung jacket niya. Wow gentleman, sayang! Pwede na sana 'tong mahalin eh. Kaso may iba na akong gusto.

"Salamat ah.." kinuha ko yung jacket saka sinuot.

"Ahm Chin, nakukulitan ka na ba sa akin?:” tumawa siya. Chin pala ang tawag niya sa akin. “Hindi ko na siguro kelangang itanong eh. Alam ko naman na oo eh." huminga siya ng malalim "Grabe naman kasi, masyado akong na-inlove sa'yo.."

Napatingin ako sakanya sa mga sinabi niya. "Na-inlove?"

Ngumiti siya "Oo, na-inlove. Nagmomove-on na ako eh.. Alam ko naman na wala na ding patutunguhan 'tong ginagawa ko. Sayang lang. Pero hindi ako galit sa'yo ah. Alam kong hindi mo ako pinaasa kasi simula pa lang sinabi mo na sa'kin na wala akong pag-asa sa'yo, ako lang talaga yung umasa.."

"Aeron.." hinawakan ko yung mga braso niya. "Sorry ah.. Mabait ka naman eh, kaso--"

"Kaso hindi mo lang talaga ako kaya mahalin?" tumawa siya. "Alam ko na yun, nangyayari naman talaga yun."

My heart & his beats (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon