@dimplecutegirl_bei's POV
Sister's Day
I was 8 years old that time nang magpakita sa akin ang Ate ko. 8 months na siyang patay nun at namatay siya dahil sa sakit na Cancer.
Kalagitnaan nang madaling araw yun. Mga 2:00 AM. Natutulog ako then maya-maya, may kumalabit sa akin. Naalimpungatan ako dahil nga dun sa pagkalabit sa akin. Nung una akala ko, kapatid ko na katabi ko sa pagtulog kaya hinarap ko siya at tinanong kung bakit niya ako kinalabit pero tulog na tulog naman ito. Kinabahan na ako nun dahil tulog din ang parents ko.
Sa gilid nang mga mata ko, may nakikita akong puting bulto nang babae kaya tumingin ako doon. Laking gulat ko nang makita ko ang Ate ko. She's smiling at me. Nung una, kinilabutan ako pero habang tumatagal, gumagaan na ang pakiramdam ko dahil kahit ganun, namiss ko naman siya. Inabot ni Ate ang kamay niya sa akin pero hindi ko ito tinanggap kasi talagang takot ako sa multo. Nung hindi ko tinanggap yung kamay nung Ate ko, pabiro siyang sumimangot pero agad din naman yung nabawi dahil ngumiti ulit siya.
Mayamaya, naglakad na siya patalikod sa akin at bago paman siya mawala sa paningin ko, lumingon siya at kumaway sa akin. Hindi ko na napigilan nun ang paghagulgol ko dahil sa halo halong emosyon. Saya, lungkot at pagkamiss. Kaya nagising sila Mama at sinabi ko ang lahat sa kanila na nagpakita si Ate at kita yun mismo ng dalawang mata ko.
Kinabukasan nga, habang nag-e-FB ako, nakita ko na may isang event na nagtrending, ang Sister's Day. Dahil dun, nagbalik agad lahat sa isip ko ang pagpapakita ni Ate. We used to celebrate the Sister's Day nung buhay pa siya at hanggang ngayon, hindi pa din pala niya nakakalimutan ang araw na yun.
Ate, kung nasaan ka man, alam ko, masaya ka na. I love you and you will always be my Ate forever! :)
_END_
BINABASA MO ANG
Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KILABOT part 3! [ON GOING]
HorrorIhanda na ang sariling matakot at kilabutan dahil dito sa pangatlong yugto ng Nginig, sisiguraduhin kong manlalamig ka. Sisiguraduhin kong pagpapawisan ka. At sisiguraduhin kong pagkatapos mong basahin ito... MANINIWALA KA NANG TOTOO SILA!