TRUE STORY #22 (from: @Bayswylle14)

3.7K 81 4
                                    

@Bayswylle14's POV


Bahay part 1


Nangyare ito sa Tita ko at sa bahay nila nangyari iyon. Nagising siya ng madaling araw nun tapos bumaba siya para uminom ng tubig. Pagkababa niya, in-open niya yung computer nila pati yung webcam para sana sumaglit ng Skype sa mga kaibigan sa ibang bansa then kumuha na siya ng tubig tapos habang umiinom siya at naglalakad na siya pabalik sa computer, napatingin siya sa monitor ng computer then nakita niya dun yung webcam, nakatutok na sa may bintana then biglang humangin yung kurtina. Hindi pala nakasara yung glass window sa bintana nila. Sabay paghangin, nahawi yung kurtina. May nakita siyang babae nakatayo sa labas ng bintana. Split second lang nung nakita niya yun pagkatapos nawala na agad kaya dali dali siyang umakyat sa kwarto at hindi na nag-abalang i-shutdown ang computer.


Bahay part 2


Ito naman ay nangyari sa Tito ko. Siya yung asawa ni Tita. Dun pa rin sa bahay na yun naganap. Nasa kanila nun nagstay ang kapatid ni Tito kasi wala nun si Tita dahil nasa ibang bansa.


Yung Tito ko, galing siya sa baba then pag akyat niya, di niya napansin yung kapatid niya na lumabas ng kwarto nila. Share kasi sila ng kwarto nun. Kaya dahil dun, nabangga ni Tito ang kapatid niya. Humingi daw ng sorry si Tito nun sa kapatid niya sabay tanong ng "Hindi ka pa matutulog?" Pero dire-diretso lang daw ito naglakad papunta sa baba. Di na lang niya pinansin hanggang sa makababa. Pumasok na lang siya ng kwarto nila pero laking gulat niya nung pagbukas niya ng pinto ng kwarto nila, nakita niya yung kapatid niya na kanina lang e nabangga niya, nakahiga daw ito sa kama nila at mahimbing na natutulog.


Bahay part 3


Nangyari ulit ito sa Tita ko. Kakauwi lang niya nun galing sa ibang bansa.


Nung araw na yun, may espiritista at paring pumunta sa bahay nila. Lumapit na kasi si Tita sa espiritista at pari dahil na din sa hindi na mabilang na karanasan nila sa bahay na yun at napag-alaman nga nila na ang mga nangyayari sa bahay na yun ay dahil sa mga lumang malalaking banga na koleksyon ni Tita na galing pa sa ibang bansa. Kaya kahit masakit sa loob ni Tita dahil mahal ang mga banga ay pumayag nalang siya na basagin ang mga iyon kaysa naman patuloy pa silang makaranas ng mga nakakatakot sa bahay na yun. Pinabendita din niya ulit ang bahay.


After ilang days, nangyari na ito sa Tita ko.


Bumaba siya nun galing sa kwarto nila ni Tito. Madaling araw, pumunta siya sa kusina para kumuha ng tubig. Siguro mga around 2 or 3 ng madaling araw yun. Magkadikit yung kusina at sala nila tapos yung main door nila, ang katabi nun ay bintana tapos yung bintana naman, yun yung katabi ng hagdan na access nila paakyat sa kwarto. So, kung aakyat ka ng hagdan, madadaanan mo talaga yung pinto tsaka bintana.


Tapos na siyang uminom nun ng tubig sa kusina at naglalakad na siya patungo sa hagdan nang makuha ang atensyon niya ng isang mukha na nakadikit sa glass window nila. Pilit itong sumisilip sa loob ng bahay nila tapos yung pagkakasilip pa ng mukha e yung kamay niya nasa gilid ng face niya. Yung ginagawa natin kapag sisilip tayo sa glass tapos hindi natin makita yung loob? Ganun yung pagkakasilip nung mukha sa labas. Kinabahan yung Tita ko siyempre kasi kahit nakasara yung bintana tsaka yung pinto at tented glass yung bintana e baka masamang loob yung nasa labas. Kaya no choice siya kundi ang daanan ang bintana at magtatatakbo paakyat sa kwarto nila pero bago daw siya nun pumasok sa kwarto ay sinigawan daw niya ang nasa bintana ng "Sino ka?! Humanda ka at ipapapulis kita!" Pero mas lalo lang na natakot si Tita dahil nagsimula nang kumatok ng mabilis ang nasa labas tanda na hindi yun magnanakaw o masamang tao kundi isa yung masamang espirito. Dahil kung magnanakaw daw iyon o masamang tao, pagkarinig palang nun sa sigaw ni Tita ay tatakbo na iyon tsaka walang magnanakaw na kakatok pa.


Kinabukasan nga nun ay ikinuwento ni Tita kay Lola ang nangyari. Sabi naman ng Lola ko, baka daw isa iyon sa mga nakatira sa banga. At baka daw kaya nakadungaw yun kasi gusto ulit pumasok sa bahay kasi pinalayas na sila.



_END_


Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KILABOT part 3! [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon