Hi guys 😘Hahahaha
Baliw na naman ako ❗️
Kasi naman ang init nang eksena kanina sa PSY !
Shemay !
Anaconda 💀
Hahaha
Ok POV muna ni Julia para hindi boring. haHaHa
-x-
JULS POV
"Kailan kaya magigising si Khe ? Mag iisang buwan na siyang tulog ahh" nag aalalang sabi ni miles.
Kami munang babae ang nagbabantay kay kath, yong mga boys panggabi ang duty nila.
Tama nga ang narinig niyo.
Mag iisang buwan na siyang tulog.
Hindi na naman kami masyadong nag aalala dahil sabi nang doctor ay stable na ang lagay niya. Hintayin nalang daw naming magising siya.
"Si Khe lang ang makakapagsabi niyan." Sagot naman ni ingrid.
"Tingin ko talaga guys malaki ang naitutulong ni daniel sa paggising ni Khe, naalala niyo yong unang araw na kinausap siya daniel, biglang umayos agad siya sabi nang doctor. Isang himala daw ang nangyari" ani naman ni miles.
Patuloy lang ako sa pagbabalat nang nang orange.
Tama nga si miles.
Yong araw na dinala namin dito si kath, yun din ang araw na pumunta dito si daniel at sabihin na nating yun na ang huli niyang dalaw.
"Hindi naman natin pweding pilitin si daniel, kahit nga si JC diba ? Hindi niya mapilit ang kuya niya. Bigla nalang daw nag iba ang ugali niya." Sabi ko naman sa kanila.
Kwenento samin ni JC kong paano siya tanggihan nang kuya niya na pumunta dito.
"Hayy kaloka talaga yun si daniel, buti nalang talaga at tulog itong si kath, kong hindi? Hayy naku, masasaktan lang siya. Lalo na yong sinabi satin ni JC na masama siyang babae kaya dapat lang yan sa kanya. Kong ako nga nasaktan, paano pa kaya si kath" dismayadong sabi ni miles.
Gusto na ngang upakan nang mga boys si daniel eh. Pinigilan lang namin !
Pero sa totoo lang?
Gusto ko siyang sampalin !
Prinotektahan siya ni kath para hindi siya masaktan tapos siya itong mananakit?!Grabe lang diba?!
Lumapit ako sa pwesto ni kath.
Yong dalawa nasa couch busy sa pagbabasa nang magazine.
"Hi kath, hindi kapa ba nagsasawang matulog? Gising kana para makapagshopping tayo" sabi nang doctor makakatulong sa pasyente kapag palagi mo siyang kakausapin.
"Ang dami na nating absent sa klase, ikaw okey lang kasi matataas grades mo. Atska alam mo ba? Exempted tayo sa exam dahil ang galing niyo sa stage play. Nakakakilig kaya kayo dun hehehe" mukha na siguro akong baliw.
"Nga pala kath, umalis si tito gab kagabi, nagkaproblema daw kasi yong branch niyo sa US eh. Pero babalik din daw agad siya" normal lang ang pagkakasabi ko.
Napabuntong hininga ako.
Kahit anong pagkakausap ko sayo ay hindi mo naman maririnig eh.
Alam ko naman na malaki ang maitutulong ni daniel pero wala siya dito.
Hapon na nang dumating ang mga boys.
"Anong balita?" Tanong ko sa kanila.