Chapter 2
//
Paglabas ko ng banyo ay pumasok na agad ako sa classroom. Kung magtatagal pa kasi ako sa labas siguradong may mangyayari na naman. Baka andyan na naman yung Devil na Adrian na yun. Ayoko na makita yung pagmumukha nun.
" Bhes, yung gwapong Devil nasa labas. " sabi ni Leslie.
" Ha?! " tapos dali dali akong nagtago sa ilalim ng table.
Saktong pumasok naman si Adrian sa room namin.
" Nasan na yung Eunice na yun at yung bola ko?! " halata sa boses niya na naiinis siya. Parang bola lang eh, tsaka siya naman yung nag iwan nung bola niya.
Sumilip ako ng bahagya. Nakita ko na kinuha niya yung bola dun sa upuan ko. Please, lumabas ka na dito sa room namin. Please lang. Hirap na hirap na din kasi akong pagkasyahin yung sarili ko dito sa ilalim ng teacher's table.
" Tsk! Asan na si Eunice? Diba ikaw yung kasama niya kanina? " tanong niya kay Leslie.
" Ha? Si- si Eunice ba? Wa- wala siya di- dito. " medyo nauutal na sagot ni Leslie. Halatang kinakabahan siya. Nako naman! Napaghahalataan tuloy na alam niya kung nasaan ako.
" I can sense her. Andito siya sa classroom niyo. " sabi ni Adrian.
Wow! Ano siya aso at nasesense niya daw ako?
" Wa- wala nga siya dito. " sabi ni Leslie
Pumikit na lang ako at nagdasal ng Ama Namin. Natatakot ako. Baka kung ano na namang pang aapi ang gawin niya sakin.
" Alam kong andito ka Eunice. Wag ka na magtago. " sabi pa nito.
Saktong pagbukas ko ng mga mata ko. Nakatayo siya sa harap ko. Kaya pumikit ulit ako.
" Ama Namin, sumasalangit ka. Sambahin ang ngalan mo-" nagdasal na lang ako.
" Hindi ako masamang espiritu. Tumigil ka nga diyan. " sabay hinawakan niya yung braso ko at hinila ako paalis sa ilalim ng table.
Tumayo ako. Bakit kasi ayaw akong tigilan ng taong ito. Mali, hindi pala tao. Devil nga pala siya.
" Kelan mo ba patatahimikin yung buhay ko? " masungit kong tanong sa kanya.
" Never. " sagot naman niya.
*Paaaak*
Hindi ko na napigilan yung sarili ko. Sinampal ko siya. Hindi ko na yun pinag isipan. Kusang gumalaw na yung katawan ko. Siguro nga dahil sa sobrang inis ko dahil sa hinalikan niya ako kanina. Tinignan ko siya. Nakatitig din siya sakin. Halatang gulat na gulat siya sa ginawa ko.
Nakatitig lang siya. Hindi gumagalaw. Hindi nagsasalita. Hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko. Should I stay here in front of him o kaya umalis na lang ako? Tumingin ako sa paligid ko. Yung iba naming classmates nakatingin samin. Lalo na si Lesie, kulang na lang ata ay lumuwa ang kanyang mga mata sa sobrang pagkagulat sa ginawa ko.
" So- sorry. " sabi ko.
Pero nakatitig lang siya sakin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
" Sabi ko sorry. " ulit ko pa.
Biglang dahan dahan siyang lumalapit sa akin. Hindi ko magalaw yung mga paa ko. Kahit gusto ng utak ko, hindi nakikisama yung katawan ko. Nanlalamig ako.
Tas bigla niya akong niyakap. Isang napakahigpit na yakap. Ang malamig kong katawan ay napalitan ng init na dahan dahang dumadaloy sa buong katawan ko. Iba yung pakiramdam. Ito na ata yung pinakamasarap na yakap na naramdaman ko.
Mas humigpit pa yung yakap niya sakin. Pero nung medyo natauhan na ako ay itinulak ko siya.
" Bitiwan mo nga ako. Manyak. " sigaw ko.
Nagulat na lang ako dahil tumakbo siya papalabas ng classroom namin.
" Oh Bhess? Anong nangyari dun? " tanong ni Leslie.
Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam ang isasagot ko. Ano nga ba nangyari sa Adrian na yun? Pagkatapos niya akong awayin sa harap ng mga tao, hahalikan niya ako at ngayon naman ay niyakap niya ako? Bakit siya ganun? Bakit ang sama ng ugali niya? Pero at the same time, pinaramdam niya sakin yung yakap nay un. Isang yakap na ngayon ko lang naramdaman sa buong buhay ko dito sa lupa.
**
Natapos ang klase namin. Hindi ko padin nakakalimutan ang mga nangyari ngayong araw. Sobrang kakaiba.
" Bhess, hindi pala ako makakasabay ngayon umuwi. May pinagagawa pa samin yung club president namin sa drama club. Sorry ha. " sabi ni Leslie. Lagi kasi kaming sabay umuwi. Medyo malapit lang kasi yung bahay nila sa bahay ko. Mga dalawang kanto lang.
" Ganun ba? Sige, mag ingat ka na lang pag uwi mo ha. " sabi ko sa kanya.
" Ikaw din. "
Nagsimula na akong maglakad papalabas ng gate ng school. Hindi padin mawala sa isip ko si Adrian at yung mga ginawa niya. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o hindi sa mga ginawa niya.
Naglalakad lang ako sa sidewalk. Papunta sa sakayan ng jeep. Malayo layo pa yun. Kaya eto ako, lakad lakad lang. Pero sa di inaasahang oras ay biglang bumuhos ang ulan.
Wala akong payong! Ano ba naman yan?! Bakit sa kinadami daming oras at araw ay ngayon pa naisipan ni Mother Earth na magpaulan. Kapag minamalas ka nga naman.
Tumakbo ako sa pinakamalapit na Waiting Shed. Dito na lang siguro ako magpapalipas ng ulan.
May nakita din akong lalaki na sa school din namin nag aaral. Papunta din siya dito. Papalapit na siya ng papalapit. Namukhaan ko siya. Si Adrian! Si Adrian nga! Kaya dinalian kong tumalikod at pumwesto sa may gilid. Baka sakaling di niya ako mapansin.
" Eunice " tawag niya sa pangalan ko. Pero hindi ko na lang siya pinansin at patuloy parin sa pagtalikod sa kanya.
" Alam kong ikaw yan. " sabi pa niya.
Kaya humarap na ako. " Ba-bakit? " tanong ko.
" Tara sumabay ka na sakin. May payong ako. " -Adrian
" Wa- wag na. O-okey lang ako. " sagot ko sa kanya.
" Sige na. Please. " tapos hinawakan niya yung kamay ko.
Tumango tango na lang ako as a sign na sumasang ayon ako. Tapos tumingin ako sa kanya pero hindi siya sa akin nakatingin. Sa ulan siya nakatingin. Nakita ko sa mukha niya na nakangiti siya. Ngayon ko lang nakita na ngumiti siya. Sa buong araw na pag sunod sunod niya sakin ay ngayon lang siya ngumiti.
Binuksan niya yung payong. Pero ayaw bumukas ng maayos.
" Ako try ko. " sabi ko. Kaya tinry ko ng buksan yung payong. Pero ayaw talaga.
Kinuha niya yung payong at sinubukan ulit buksan ito. Pero ayaw talaga bumukas.
" Paano na yan? " tanong ko.
Hindi siya sumagot. Hinawakan niya ulit yung kamay ko. Hihilahin na niya sana ako sa ulan pero nagpapigil ako.
" Ayoko. " sabi ko sa kanya.
" Please. " sabi niya.
Pagkasabing pakasabi niya nun ay wala na akong nagawa. Hinila na niya ako. Tumakbo kami sa ilalim ng ulan. Ang sarap sa feeling. Ngayon ko lang ito naranasan. Ngayon ko lang naranasan ang tumakbo sa ulan.
" Ang saya diba? " tanong niya sakin.
" Oo, ang saya. Salamat. " sabi ko naman.
**
Dumating na kami sa may sakayan ng jeep. Basang basa.
" Paalam na? " sabi ko.
" Syempre, hindi pa. Sasakay din ako. " sabi niya. Napahiya naman ako ng bahagya dun.
" Sorry, pero bawal kayong sumakay. Basang basa kayo. Nakakahiya naman sa ibang pasahero. " sabi nung lalaki.
" Sampung piso isang tao? Bente ang kasya sa isang jeep? Magkano lahat yun? " tanong ni Adrian sa lalaki.
" Dalawang daan. "
Binuksan ni Adrian ang bag niya at kinuha ang wallet niya. Nilapitan niya yung mamang driver.
" Eto ho ang tatlong daan, kaming dalawa ho yan. " sabay abot niya nung pera sa driver.
" Wala ka bang barya iho? " sabi ni mamang driver.
" Kaming dalawa lang ho ang pasahero niyo. "
" Osige "
Pumayag si mamang driver? Grabe ha. Tinignan ko naman yung lalaki na nagsabi na bawal kaming sumakay, halata sa mukha niya na gulat na gulat siya.
Nilapitan ko si Adrian.
" Wag, sasayangin mo lang yung pera mo. Hihintayin ko na lang tumila yung ulan. " sabi ko.
" Hindi. Sumakay ka na. Baka gabihin ka pa dito. "
" Pero Adrian. "
" Adrian. Haha. Ngayon mo lang ako tinawag sa pangalan ko. " sabay ngiti niya sakin.
Yung ngiti niya. Nakakatuwa tignan. Lumalabas yung dimples niya.
" Pumayag ka na " sabi pa niya.
" Sige na nga. "
Sumakay na kami sa loob ng jeep. Kaming dalawa lang. Harapan kami.
**
Bumaba na kami sa jeep, nagpaalam na sa isa't isa at nagkanya kanya ng sakay ng trycicle.
His not a devil after all. I think? Nag iba yung kinilos niya ngayong hapon. Bakit nga ba siya ganun? Katulad ng sabi ni Leslie. May gusto kaya siya sa akin? O kaya naman tadhana talaga ang may pakana kung bakit nangayayari itong mga bagay na ito.
--
BINABASA MO ANG
He's A Devil [Fin]
Adventure"My life changed when I let my self fall in love with the Devil." | mundongsaging (c) 2013 ALL RIGHTS RESERVED