Itago nalang natin sa pangalang Lou ang aking identity(nakakahiya kasi magpakilala ehh..hihihi).
Noong highschool ako may nanligaw sa akin nang isang taon. Sa isang taon na iyon, nasa 70% na araw niya akong sinasabihan nang "I Love You" or "Mahal Kita". Syempre kinikilig naman ako pag sinasabihan niya ako nang ganon. Kapag di niya ako sinasabihan, parang hinahanap ko. nung nag outing nga kaming mag kaklase, gusto niya sabay kami mag tampisaw sa dagat kasi gusto niya ako makasama para makapagbonding kami. Nakikita ko naman na sincere siya pero wala naman akong lakas nag loob na sagutin siya. Sino ba namang hindi madedevelop pag niligawan ka nang isang taon. May time nga na may sasabihin ako sa kanya pero umurong lang dila ko. then one day, I decided na sagutin na siya. PPero bago ko pa sabihin sa kanya ang matamis kong "oo", sinabihan niya ako nang, "pag tinanong ka nang kaibigan ko kung tayo na, sabihin mo na tayo na kasi nag pustahan kami". Syempre ako nagulat. so I decided na wag nalang ituloy yung plano ko. Dahil sa incidenteng iyon, nalilito ako kung seryoso ba siya sa panliligaw niya noon sa akin o hindi!!!..Kasi nga diba one year niya akong niligawan tapos lagi niya pa akong sinasabihan nang I Love You, tapos bigla nalang ganon, diba nakakalito. 3 years later na ito siya nang yari at hanggang ngayon, di niya pa rin alam na sasagutin ko na siya nun nung araw na sinabi niya sa akin yun, yes, nung araw na sinabi niya yun, yun din yung araw na sasagutin ko na siya. How cruel right. Minsan nga napapanaginipan ko na sinabi ko daw sa kanya na nung araw na sinabi niya yun ehh sasagutin ko na sana siya. Siya sana ang first boyfriend ko.
So kayo ano sa palagay niyo, seryoso ba siya kay Lou o hindi?
although matagal na yan nangyari, inisip niya pa rin minsa.
so put your answer below.
P.s: This is my friend's story. Gusto niya lang malaman yung opinyon nang iba.....