***4***
Walong araw na din ang nakalipas mula nung malaman ni Audrey ang tungkol sa picture na nakita niya sa kwarto ni Jay. Hindi naman nag-abalang magtanong si Audrey kay Jay tungkol doon. Pero hindi niya maiwasang mapaisip at magkaroon ng sarili niyang konklusyon. Kaya lang, pinipilit niya ang sarili na 'wag maniwala sa kanyang mga naiisip na bagay. May tiwala siya kay Jay.
Wala namang masyadong nangyari noong nakaraang mga araw... bukod sa pagpunta ni Jay noong lunes sa kanyang bahay na may dalang bouquet of roses--- parte pa din ng paghingi nito ng tawad. Sa totoo niyan, hindi naman talaga galit si Audrey sa kanyang boyfriend. Alam niyang mabait ang binata. Napapadalas na din ang paglabas ng mag-syota. Kakain sa labas, manonood ng mga movies, sabay na papasok at uuwi. Dahil nga si Audrey ay si Audrey, na-appreciate niya ng sobra ang mga ginagawa ni Jay. In fact, she is now starting to give importance to Jay's presence.
Katulad ngayong araw, sabay silang bumaba para pumunta sa canteen. Hindi kasabay ngayon ng dalaga ang kanyang kaibigang si Issah. Naiintindihan naman ni Issah kung bakit--- na gusto ni Audrey na mapalapit pa kay Jay.
Habang nakapila silang dalawa para bumili ng pizza, narinig nila ang pagtawag sa kanila ni Leila. Lumapit sa kanila sina Leila at ang boyfriend nitong si Zac.
"Hi best!" Nakangiting pagbati ni Leila.
Pinagtinginan sila ng mga nakakakilala sa kanila. Marahil nagtataka sila kung bakit nag-uusap ang kailan lang nagaway na mag-bestfriend.
"Hello best!" Masiglang bati ni Audrey sa bestfriend niya.
"Hehe.. naks ha! Sabay kayo ni Jay ngayon. Hi Jay!"
"Hello." Malumay pero nakangiting tugon ni Jay.
"Sige alis na kami. Bye best!"
Bago makaalis sina Leila at Zac, napansin ni Audrey na tumingin si Zac sa kanya--- isang malalim na tingin. Hindi niya alam kung para saan 'yon. Nakita din ng dalaga ang pagtapik ni Leila sa kaliwang balikat ni Jay.
--
Mabilis matapos ang araw na 'to para kay Audrey. Sa TLE subject lang ata siya nag-enjoy dahil tinuruan silang mag-bake ng Chiffon cake.
Ang huli nilang subject ay Values. Sinabihan lang sila ng kanilang adviser about sa upcoming JS Promenade. Dahil fourth year HS student na sila, required silang sumama. Wala namang problema kay Audrey.. dahil alam niyang magiging partner niya si Jay. Hindi katulad last year, 'di siya sumama dahil bitter pa din siya sa breakup nila ni Zac. February 17 ang date ng prom nila; which means, two weeks from now.
Sabay na naglalakad palabas ng school campus sina Audrey at Jay. Nag-cr muna si Jay.. samantalang si Audrey ay naiwan sa tapat ng clinic malapit lang kasi 'to sa cr na pinasukan ng kanyang boyfriend. Mayroong isang lalaking estudyante na parang nagmamasid-masid sa paligid, tila ba may hinahanap. Dahil hindi tumitingin ang naturang estudyante sa kanyang dinadaanan, nabunggo niya si Audrey na busy sa pagkakalikot ng cellphone.
"Sorry" Sambit ng estudyante at tumingin kay Audrey. Nang tumingin naman sa kanya si Audrey, agad niyang iniwas ang tingin niya sa dalaga.
"Ah.. okay lang." Ngumiti si Audrey at kinuha niya ang nalalag na pentel pen ng estudyante.
"S-salamat."
Pagkatapos magpasalamat ng estudyante, umayos ito sa pagkakatingkad at tuluyang umalis. Medyo namukhaan ni Audrey ang likod ng lalaking 'yon. Pamilyar... pero hindi niya malaman kung saan niya nakita. 'Di kasi niya masyadong nakita ang mukha nito.
Hindi niya namalayan na dumating na pala si Jay.
"Sino tinitignan mo?"
"Ah.. wala. Tara na?"
--
Pagkalabas ng mag-syota sa campus, npansin ni Audrey ang kumpulan ng mga estudyante sa isang sulok. Ang mga estudyante ay nasa tapat ng istatwa ng kauna-unahang parish priest ng kanilang school. Agad niyang tinawag ang atensyon ng kanyang boyfriend para puntahan nila kung anu ba ang pinagtitinginan ng mga estudyante.
Nahirapan pa silang sumingit pero sa huli, tagumpay nilang nakita ang kanina pang pinagkakaguluhan ng mga estudyante. Isang rabbit na nakapaloob sa isang kahon. Isang cute na rabbit na may benda sa kanang paa. Napakurot si Audrey sa braso ni Jay. Sobrang cute kasi ng rabbit. In fact, Audrey loves pets. Pero dati sinubukan niyang mag-uwi ng isang kuting sa kanilang bahay, pero nagalit ang kanyang mga magulang.
Pinilit lumapit ni Audrey sa munting kuneho at hinawakan ang ulo nito. Dumating pa nga sa punto na binuhat niya 'to at nagpa-picture siya kay Jay kasama ang kuneho.
"Ui may papel oh!" Sigaw ng isang estudyante.
Nalihis ang atensyon ng mag-syota sa kanilang narinig.
Walang pag-aalinlangang kinuha ni Audrey ang papel mula sa kamay ng babaeng estudyante.
"Go out of the box, you're imprisoned by foolish and liar people."
Napataas ang kilay ng dalaga at agad niyang nabitawan ang papel. She was stunned by what she saw. There is one thought that keeps on running from her mind--- "Is this another part of that absurdity?"
--
Buti na lang dinala ni Jay si Audrey sa sea side. Naging pagkakataon 'to para sa dalaga na mapag-isip at mawala kung ano man ang nasa utak niya. At buti na lang, pinapasaya siya ni Jay. They both rode a bicycle to roam around. They also ate together while watching the apparent descension of the sun below the horizon. They look like a real couple now.
Hinatid ni Jay si Audrey sa bahay nito. Audrey didn't notice that they were holding each other's hand while walking into her street. Jay adverted Audrey to their entwined hands. Audrey's eyes widened and her cheeks eventually turned red. To conclude her reaction, she awkwardly smiled.
Nagpaalam na si Audrey kay Jay. Pero nung tumalikod si Jay, hinawakan ni Audrey ang braso ni Jay na naging dahilan ng pagharap ng binata. Their eyes met for a brief moment. Thereafter, Audrey kissed Jay... on his cheeks. Audrey sweetly smiled after what she did.
Si Audrey naman ang tumalikod at papasok na sana sa bahay pero siya naman ang hinila paharap ni Jay. Bago pa siya makapagsalita, inilapat ni Jay ang labi nito sa labi ng dalaga. Audrey felt the sudden heating up of her body temperature. She didn't want Jay to notice her blushing moments for the second time. She immediately parted her lips to Jay's and rushed to her house.
Pagkapasok na pagkapasok ni Audrey, hinawakan niya ang kanyang labi.
Ngumiti ang dalaga at sinabi sa sarili: "Konti na lang, Jay."
BINABASA MO ANG
Trust Once, Regret Forever
Teen Fiction[Short Novel] There is this girl who easily trusts someone. Well maybe because she is typically a 'friendly' one. No wonder she has lots of friends and one thing for sure she has a bestfriend--- her nonbiological sister. In fact, they are bestfriend...