I love you so

17 0 0
                                    

****

STANLEY's POV

"please. pag-usapan naman natin to."

"pag-usapan? wala na tayong dapat pag-usapan. tapos na tayo."

"bakit mo ba ginagawa to?!"

napahinto ako sa pagmamaneho. Ang pinaka-ayoko pa naman sa lahat eh yung pinagtataasan ako ng boses. Napakaingay talaga nitong babaeng to.

"Baba!"

"t-teka lang. papababain mo ako sa highway?"

"Oo. Ang sabi ko, baba!"

"hoy! kung magtatalo kayo pwede wag sa gitna ng daan? nakakaperwisyo kayo eh!" sigaw nung bus driver na nasa likuran ng sasakyan ko.

"pasensya na kayo manong. kung bumababa na sana kasi tong babaeng to sa sasakyan ko edi sana wala ng mapeperwisyo."

"Babe, halika na. Pag-usapan natin 'to ng maayos. Paandarin mo na 'to."

"Babe? Babe babe ka dyan. Di na kita kilala no. At hindi ko 'to papa-andarin hanggat di ka bumababa."

Edi napilitan siya bumaba. Napaka-arte talaga. Sa wakas malaya nanaman ako. I used to be like this. No, I'm not a playboy. Sabihin nalang natin na matigas yung puso ko. Matigas NA yung puso ko. Okay na rin yung ganito. Atleast, hindi ako makakaramdam ng sakit. Ako nga pala si Stanley.

"Ah eh excuse me lang, baka pwede mo ng itabi yang sasakyan mo. Maraming tao ang napeperwisyo dahil sainyo ng girlfriend mo eh."

May isang panget na babae na bumaba ng bus. Okay hindi naman siya talaga panget, muka lang manang at nakakainis lang kasi inuutusan niya ako. Aba! At mukang palaban 'tong isang 'to ah. 

"Gusto mong itabi ko yung sasakyan ko?" bumaba ako ng kotse ko.

"Anong ginagawa mo, ba't ka bumaba?"

"ayan, itabi mo mag-isa mo" binato ko sakanya yung susi ng kotse

"t-tekaaa! hindi ako marunong magdrive....."

"eh di hndi mo yan maitatabi."

hah. anong akala niya? Ako magtatabi? Ano siya, sineswerte.

Nakita ko nalang siya na sumakay sa kotse ko. Kala ko ba hindi siya marunong? Niloloko ba ako nitong babaeng to?! 

"DALIAN MO DYAN!"

"Saglit, eto ba yung tatapakan?" Sinilip ko kung ano yung tinatapakan niya. 

"GO!!!!"

Nabigla siya sa sigaw ko kaya nadiinan niya yung pagkakatapak... sa break. Ang salbahe ko ba? hahaha wala eh.mga pakealamera kasi. Nabangga nung manang na babae na yun yung bus. Tumama yung likuran ng kotse ko sa may harapan ng bus. 

"Sinadya mo yun no?" Tanong niya sakin. 

"Oo. Pakealamera ka kasi."

"Sinusubukan ko lang namang tumulong. Marami ka ng taong naperwisyo oh. Anong ugali meron ka? HA?!" 

"Woah woah woah! Easy ka lang miss! Hindi ba dapat nag sosorry ka sa akin ngayon kasi tignan mo.." tinuro ko yung likuran ng sasakyan ko. Tinignan naman niya. 

"Look. Sinabi ko sayo sa simula palang na hindi ako marunong mag drive diba?! Tapos ako sisisihin mo? Hindi! Hindi ako mag sosorry sa isang katulad mo!" 

Nilapitan ko siya hanggang sa sobrang lapit na naming dalawa sa isa't isa. Binulungan ko sya.

"Tandaan mo tong mukang to sa harap mo miss. Maiinlove ka dito. Sinasabi ko sayo."  nakita kong nag blush sya pero saglit lang kasi tinulak niya rin ako palayo. Maganda siya. Pero hindi ko siya type. 

"hephephep! Tigilan niyo na yan. Sa presinto nalang kayo magpaliwanag."  Sabi nung traffic enforcer na lumapit samin. "sumunod kayong dalawa sakin."

haaay lecheng buhay to.

--------------------------------------------------------------------------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I love you soTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon