Chapter 3- Love cannot replace

61 2 0
                                    

Chapter 3

Carlo's POV

After niyang umalis sobrang saya ko dahil nakasama ko siya kahit hindi ganun katagal pero nabitin ako kaya yayayain ko na lang ulit siya next time at tsaka araw araw ko naman siyang makikita kaya ok na rin. Hindi ko maiwasan yung pagkadaldal ko habang naglulunch kami kaya hindi ko maiwasan tumingin sakanya kahit nahihiya ako tapos siya tawa lang ng tawa sa kin kaya masaya na rin ako.

Hindi ko na alam kung saan ako pupunta, so I decided na pumunta na lang ako sa bar para magsaya at nagyaya na rin ako ng ibang college friends ko.

"Guys! Daming chicks oh!" sabi ni Clark.

"Oo nga! Malapitan nga!" sabi ni Jade.

"Naku pare! Kayo na lang. Kuntento na ko sa isa" sabi ko sakanila.

"Aba pare! lakas ng tama mo dun ah. Sino ba yun? Maganda ba? Pakilala mo naman samin para naman makilala namin siya ng husto!"

"Pare. Hindi ko pa siya gf ah. May balak pa lang akong ligawan siya pero nahihiya ako kaya magpapatulong pa ko sa kuya niya para mas mapalapit kami sa isa't isa"

"Aba pare! torpe ka! hahaha. Baka unahan pa kita dun"

"Naku pare! Wag ako, kilala mo ko pagdating sa babaeng gusto ko. Wala ng makakaagaw. Kundi sa kin lang talaga"

"Oo na. Di na kita kakalabanin. Basta bilisan mo lang ah"

"Aba! Tinakot pa ko ah. haha"

Ang kulit talaga ng mga kaibigan ko akala mo naman kilala nila. Gagawa na ko ng move para iparamdam ko kay Lucia yung love ko sakanya. Gagawin ko lahat para mapatunayan yun sakanya at hinding hindi ko siya sasaktan.

"Guys! Maganda yung kanta oh! Tara sayaw tayo!"

"Kayo na lang. Dito na lang muna ako, panunuorin ko na lang kayo."

(A/N: Please play the song on the right side. Np: Sexy Love by Neyo)

Lucia's POV

Eto pauwi na from my mom's house. Nagbonding lang kaming family kasi sobrang namiss namin ang isa't isa kaya masyadong matagal ang kwentuhan namin at napasingit pa ang lovelife ko dahil kay kuya tinanong nila kung may boyfriend na daw ako o may nanliligaw na ba daw sa kin. Natatawa na lang ako sa mga tanong nila sa kin. Si kuya kasi eh, umepal, yan tuloy napagusapan na bigla yun.

Nang makarating na kami sa bahay, dumiretso na agad ako sa kwarto para makapagpahinga because I'm tired and I have a long day. Grabe ang saya talaga kahit kulang ang araw na 'to sa family bonding namin. 

Nagshower na ko at pagkatapos nagsuot na ng pantulog at di ko na namalayan na nakatulog na ko dahil maaga pa ang pasok ko bukas sa opisina.

Kinabukasan maaga akong nagising dahil first day ng trabaho ko ngayon kaya naligo na ko at nagbihis tapos ng nagbreakfast and hindi ko na namalayan ang oras kaya nagmadali na kong umalis at pumasok na sa office.

"Good morning Ms. Dela Cruz!" bati sa kin ni Mr. G. First time 'to ah. Siya unang bumati sa kin.

"Ah. Eh.. Good morning sir!" gulat kong bati sakanya.

"Male-late ka na ah. 5mins. na lang"

"Oo nga po eh. Di ko kasi namalayan yung oras kanina"

"Eto na ang elevator. Go in first!"

"Ah. Thank you po"

Nakarating na kami sa office at napansin kong ngumingiti at bumabati na rin siya sa mga empleyado niya. Nakakagulat 'to ah, first time at kitang kita ko na gulat na gulat mga ka-officemate ko.

Love Takes Time (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon