Sa simula STRANGERS habang tumatagal magiging ACQUAINTANCE tapos FRIENDS magiging BEST FRIENDS possible din maging LOVERS. Kapag nakita mo na ang isang taong para sayo Mag co-commit na kayo hindi lang sa ibang tao kundi pati sa harap ng Diyos bilang ISA.
Hi, Ako si Ela. Isang masayahin, makulit, mapang asar, ma pranka at palakaibigan sa iba.
Nung bata pa ako sbrang saya ko. Wala akong prino-problema. Lagi lang akong naglalaro. Hindi ko iniisip yung problema namin sa Pamilya. Seperated na kasi yung parents namin. Si Mama nalang ang kasama namin. Pero proud parin ako kasi kahit mag isa nalang siya nag sisipag siya para saamin. Kaya mahal na mahal ko si mama eh, Hindi siya nagpapa-apekto sa mga problema namin.
Elementary Days, Isa ako sa mga pinaka pasaway na bata. Mahilig mangulit, mang asar at magpatawa. Minsan nadadala pa ako sa principal's office sa sobrang kulit ko. Pero habang tumatanda ako na re-realize ko na dapat mag seryoso ako sa pag-aaral para sa mama ko.
High School Days, Dito ko natutunan na kailangan mo mag bago para tanggapin ng iba. Maging iba sa dati mong sarili para magustuhan nila. Mahirap makisama sa iba kasi huhusgahan ka nila. Lalo na kung naiiba ka sa kanila. Hindi lahat ng KAIBIGAN mo dito, totoo. Karamihan mga mangloloko. Hindi mapagkakatiwalaan. Dito ko nakilala si Vins.
Sa Friend Request nagsimula ang lahat, In-add ako ni Vins sa facebook. Nung una sa facebook at text lang kami nag uusap, Nung una kaming nagkakilala, Sobrang Awkward kasi hindi pa kami sanay sa isa't isa. Hindi tulad sa facebook at text na sobrang open at close namin. Habang tumagal, Naging FRIENDS na kami, Then naging mag BEST FRIENDS. Then inamin namin na may gusto kami sa isa't isa. Ayun, Official na. LOVERS na kami. Sobrang UNEXPECTED kasi yung dating STRANGER hindi mo aakalain na magiging IMPORTANTE sayo.
College Days, Minsan ko nalang nakakasama si Vins, naging busy na din kami. Iba yung school minsan hindi na nakakapag usap ng matagal. Sobrang lungkot kasi hindi tulad nung dati na halos araw araw magkasama kami. Pero hindi ko naman siya masisisi. Kasi kahit ako kailangan ko din mag focus sa pag aaral ko para sa pamilya ko. Lalo na para sa Mama ko.
Graduation, Sa wakas! G-Graduate na kami ni vins! Pagkatapos ng ilang taon palapit na kami ng palapit sa pangarap namin. Konting konti nalang, Magiging okay na din ang lahat. Magiging masaya na din kami ni Vins. Lahat 'to ginagawa namin para sa pamilya namin at sobrang saya ng feeling na mababalik mo yung pinaghirapan ng magulang mo para sayo.
After 5 years...
Nagkaroon na kami ng magandang trabaho, Naging Stewardess ako at naging Business Man si Vins. Eto yung napakatagal na namin pangarap. Nakatulong kami sa pamilya namin. Ngayon, Oras na para magkaroon na din kami ng sarili namin pamilya.
JUNE 16 Kinasal na kami ni Vins. Sa harap ng ibang tao at pati na din sa harap ng Diyos. Nagkaroon na kami ng COMMITMENT sa isa't isa. Tumagal nagkaroon sila ng 3 anak. Ang pinakamatanda ay si KURT, Pangalawa si DANIELA at ang bunso, si KEILA. Naging buo at masaya ang pamilya namin. Puno ng pagmamahal at saya.
Minsan, Akala natin TRUE LOVE na pag nakita na natin ang isang taong mahal natin. Minsan hindi rin yun ang makakasama natin sa huli. Pero minsan, sila na talaga ang para sayo. Kahit dumating yung panahon na nag aaway o nagkakapikunan. Dapat unahin parin natin magpakumbaba. LOVE is PATIENT. Sometimes, the LOVERS is not. Wag mong mamadaliin ang LOVE. Dadating din ang tamang oras para sayo :) Basta sa lahat ng gagawin mo, siguraduhin mo na masaya ka at may nagagawa din itong maganda sayo.