It All Stared When He Get my Number.
After the retreat. Tumambay muna ako sa hagdan noon para magmuni muni. Malapit yung classroom namin dito kaya,nadadaanan nila ako kapag uuwi na sila.
Sa mismong hagdan na to, kung saan ako nakaupo.
Dito nya ako nakita. Magkilala kami pero, never kaming naguusap.
Umupo sya sa tabi ko sabay sabing, "Payat, Can I Get Your Number?"
Sa isip isip ko pang yun, Bakit payat tawag nya sakin? Close kami?
Oo,mataray ako noon. Pero, wala eh. Nabago nya ugali ko.
Nagdadalawang isip pa ako kung bibigay ko o hindi. Inabot ako ng 1 minuto para makapagdesisyon.
Tumayo sya sa pagkakaupo at aakmang aalis.
At sabay sabing, "Okay lang kung hindi. Ge, aalis na ako."
Tumayo ako at, sinabing " Eto number ko.... 0905******* . Pakilala ka."
Ngumiti sya at nilagay sa phone nya yung number ko.
After nun,nauna na akong umalis sakanya.
Habang nasa jeep ako. Nagvibrate yung phone ko. Tinignan ko kung sino tumatawag. Unknown number ito.
I dont talk to strangers kaya inend call ko yun. Ilang minutes, nagtext sakin yung caller at sinabing "Payat,ako toh si Niel. Yung kumuha ng number mo kanina."
Ahh. Pasensya sya, wala akong load ngayon. -_-
Tinadtad nya ako ng text na puro ganun.
Sa isip isip ko pa, Feeling Close naman tong isang to.
Sa sobrang ikli na ng pasensya ko, nagpaload na ako at mabilis na sinagot yung message nya. "Oo na! Paulit ulit ka? Busy ako. Mamaya ka na magtext."
Mataray man tignan pero, I never thought that I'll be nice to him sa di kalaunan.
Oo, di nagtagal at naging mas friends kami.
Ang simpleng stranger noon sa aking paningin ay naging kaibigan ko na din.
Sarap balikan ang lugar kung saan nagsimula lahat lahat.