ayuuun sorry po sa super late update:/
lutang nanaman po kase this last few days :/
CHAPTER 10: moviemarathon
====================================================================
Pao's Pov.
habang umiiyak ako, naramdaman ko ang mga kamay ni Dave na hinahagod ang likod ko para tulungan ako kahit papaano na kumalma..
hindi ko ba alam at sobrang apektado ako ehh SHOTA lang nanaman niya yun, pero kahit anong pilit ko parang sirang gripo ang mga mata ko at di mapigilan sa pag luha.
"tama na Pao, " sabi ni dave habang sinusubukan parin akong patigiling umiyak, pero dahil wasak na wasak ang lolo ninyo wa pakels ako sa sinasabi ni dave kaya todo iyak parin ako at ngayon nakayakap na ako kay dave.
"ohh kapag hindi kapa tumigil jan hahalikan kita" dinig na dinig ko yun at biglang lumaki tenga ko nun na parang dalaga, dahil iyak parin ako ng iyak di ko masyadong pinansin yung sinabi ni Dave at tuloy parin ako sa pagiyak pero di na ganon ka- O.A. gaya kanina.
"isa"
"dalawa"
"ahh talagang ayaw mong tumigil umiyak ah" hinawakan niya ang ulo ko at bigla niya akong hinalikan sa labi.
at siyempre natigilan ako bigla at habang nakalapat ang mga labi namin sa isat isa minulat ko mga mata ko at tumigin sa mga mata niya na kasalukuyang nakapikit. mga 5secs. din yung kis na yun at ng tinangal niya ang pagkakahalik sakin nakatulala lang ako sakanya,
"yan lang pala makakapag pa hinto sayo ah" sabay ngiti.. punyeta mag lupasay kaya ako bakasakaling di lang halik gawin niya.. hmm alam niyo yan!
pero matapos yun ay balik emo na ulit ako pero this time di na ako umiiyak at lungkot at sakit nalang nararamdaman ko!
nakatingala lang ako sa kisame habang napansin ko na nakatingin sakin si dave.
"ang tanga ni nikko no? "
nagulat ako sa sinabi niya kaya napatingin ako sakanya.
"bakit naman?"
"kase binaliwala niya yung pagmamahal mo"
huwoooow! napaisip tuloy ako.. oo nga no, ang tanga niya.
sabay bukas ng pinto ni majoy.
"ohh okay kana? pinapatanong ni nikko kung pwd daw magpunta dito si lee" tanong ni majoy
"putang ina yun wala atang isip yun"sabay tayo si dave at parang susugurin si nikko kaya mabilis namin siyang hinila at pinakalma
"tumigil ka nga, hayaan mo siya, sige papuntahin mo dito kamo"sagot ko naman
"sure ka? wag na baka magkagulo pa" sabi ni majoy,
"oo sige okay lang"sabay smile pa ako parang walang nangyari
"sige ikaw ang bahala, teka hoy Dave wag mong iiwan si pao ah baka magbigti yan, at ikaw pao wag mong iiwan si dave baka biglang sugurin si nikko, ayaw natin ng iskandalo dito sa bahay ninyo ah" utos ni majoy
"tara di pa kayo bababa?"pahabol niya
"teka bababa na din niyan., ikukuha ko lang ng shorts si dave"
"osige"
after kong ihanap ng shorts si dave ay iniabot ko na sakanya. "aya yung CR"
"tinatamad akong maglakad" sabay hawak sa zipper niya binuksan at binaba niya ang pantalon niya, sa sobrang gulat k napatalikod ako bigla at naisip ko" teka nakita ko na tong mga eksenang to ah"
"tapos na po, pwd kana tumingin" at nakangiti at medyo may pangaasar ang tingin niya sakin.
"tara na baba na tayo"
pag baba namin ay nakalinis na sila ng pinagkainan.
"oh anong plano natin?" tanong ni AJ
"may mga bagong movie jan" sagot ko
"go! moviemarathon tayo!" sagot ni maribeth
"oh nikko nasaan na yung kasama mo? "tanong ni Dave
"papunta na daw"sagot naman ni nikko
aba aba! hoy dave ano to mas excited kapang makita yung shota ni nikko kase sakin? kaloka!
"game nood na tayo!"
kaya sabay takbuhan sila sa sala para kumuha ng magandang pwesto at sa kasamaang palad naiwanan kame ni dave kaya wala kaming choice kundi umupo sa lapag.
kinuha ko yung mga bagong DVD na bili ni mama sabay sindi ng tv at dvdplayer at pinlay kona
"lights off!" sigaw ni Dave, heto namang maribeth sabay tayo at patay agad ng ilaw, ayun liwanag nalang ng tv ang pinaka ilaw namin kaya medyo di kame nagkakakitaan, pero ako sa sobrang dilim na yun eh kitang kita ko parin si nikko, oo si nikko parin nakikita ko at nararamdaman ko parin yung sakit! habang nakatitig ako sakanya kinalabit ako ni Dave,
"mata mo! mainlove kana nanaman jan! halika nga"
sabay hawak niya sa mga kamay ko.. nakoooo! anong drama to? tsk! dave wag ako! wag ako! bibigay ako! lol XD
nasa kalagitnaan na kame ng movie ng may kumatok at nawala lahat ang focus namin sa panonood.
"ahh si lee na to" sabay tayo si nikko at sabay sindi naman namin ng ilaw
nagulat sila lahat dahil sa nakita nila nung pag sindi ng ilaw,kase naman nakalimutan namin mag bitaw ng kamay ni dave, sa hiya ko sinubukan kong tangalin pero nung hihilain kona ay lalo pang hinigpitan ni dave ang pagkakahawak ng kamay ko, at sabay sabay silang ngumiti (ngiting demonyo) haha
pero di namin napansin na nakapasok na pala sina nikko at si LEE!
"guys si lee, boyfiend ko" entrada ni nikko! nyeta sasabog na ata ako buti nalang hawak ni dave kamay ko kaya medyo nawawala yung sakit
"hoy anong lee?"sabat ni majoy sabay beso kay lee at kinausap niya ito
"walang hiya ka, ikaw lang pala yung bf ni nikko kala ko sinong lee"
"teka magkakilala kayo?"tanong ko
"oo nako bestfriend ko tong kumag nato eh" sagot ni majoy na halatang masayang masaya para sa bestfriend at kay nikko
"hello" bati namin
"halika upo na tayo" sabay alalay pa ng kumag na to. nakooo! saklap naman neto bestfriend pala ng taong pinagsasabihan ko ng sama ng loob yung taong dahilan kung bakit ako nagkakaganito ngayon (ano daw? magulo ba sentence ko? pwes intindihin ninyo!)
buti nalang nandito pa si dave kundi hindi ko alam kung kanino pa ako kakapit. teka? bat pala biglang naging ganito tong dave na to?
================================================================
sorry po :/ nextime po papahabain kopa :)
promise
hehe mwah :*
thanks for reading :)
