A/N: Performance ni Jada sa side ------------------------>
~~~
“Jada bakit ang tagal magsimula?! Naiinip na ako!” reklamo ko kay Jada paano ba naman kasi ngayon na nga lang ako manonood ng show niya dahil comeback niya tapos ang tagal tagal pa! Oo singer/performer ang kapatid ko. SIKAT SIYA! Syempre kapatid ko yan. Actually sabay kaming pumasok sa mundo ng pagpeperform pero nung pasikat na kami. Dun naman dumagok ang pinakamatinding pagsubok sa buhay ko. Nung linoko ako ng punyetang EXbf ko! Kaya nag-quit nalang ako. Kitam? Kaya hindi niyo talaga ako masisisi kung bakit abo’t langit ang galit at pagkamuhi ko sa anak ng satanas na yan!
“Eh wala pa daw yung ibang fans eh. AND FYI Siena ako no!” tugon niya sa akin habang nag-aayos parin sa salamin.
“Eh gusto ko ng Jada e. Atsaka ano ba yang fans mo! VIP! At pwede ba mag-ate ka sakin kung ayaw mong mapektusan ng wala sa oras!” ABA syempre kailangan iginagalang parin ako. Hindi porket 5 minutes lang ang tanda ko e wala ng galang. At isa pa kelangan mag-ate siya pare ma-remind sa kanya na mas mataas ako sa kanya!
“Sienna PO ATE! At saka di ka ba pwedeng mag-hintay kahit konti! Ang arte ah!............ATE!” Syempre sinabi niya yan habang nag-aayos padin sa salamin ang walang hiya. -_- VAIN!
“Sienna mo mukha mo! Iuntog pa kita diyan e. AT PWEDE BA AKO ANG VIP! AKO ANG HINIHINTAY AT HINDI AKO NAGHIHINTAY! INTIENDES?!” Ano ba yan, imbes na maka-pagrelax ako dito mas lalo pa yata akong naiistress!
“ATE WAG KA NGANG SUMIGAW!” Tanga siya. Siya din naman sumisigaw e.
“WAG MO AKONG SINISIGAWAN! SUSUNUGIN KITAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!” Sigaw ko with matching stomp pa ng aking foot(right lang). Halos manginig nginig na ako sa pagpipigil ng inis. Kapag ganito na kasi yung inis ko kelangan meron na akong saktan. Pero ewan ko ba pag sa kapatid ko hindi ko siya pwedeng saktan. SYEMPRE KAPATID KO PADIN YAN!
“TUMAHIMIK KA NA KASI ATE!! NARIRINIG TAYO SA LABAS!” Humarap siya sa akin.
“IKAW MUNA ANG TUMAHIMIK!” Pinandilatan ko siya ng mata.
*BOOGSH!*
“Miss Sienna ano pong problema? Ginugulo ka ba niya?”
“Waaahh! Miss Sienna, are you okay? Palabasin niyo yan!”
“Miss mawalang galang na lumabas ka!” Sunod sunod na nag sulputan ang PA, Manager, Make-up artist at mga guards ng establishment na to sa dressing room kung nasaan kami ngayon. Sa sobrang bilis ng pangyayari bigla nalang may humawak sa dalawang braso ko tapos KINAKALADKAD AKO! ABA! Mga gago!
“LET GO YOU UGLY PIECE OF SHIT!” Binitawan naman ako kaagad ng tarantadong gwardiya.
“Mga gago kayo! How dare you touch my delicate skin!” *PAK!* Syempre hindi ako ang sinampal. AKO ANG NANAMPAL! Sinampal ko yung humawak sa akin. Sabay pagpag ng kamay ko. ABA mahirap nang mag-kagerms.
“WALANG HIYA KA PAL-” Infairness nakakatakot siya. Pero natatakot lang ako sa mukha niya.Ang pangit kasi. At dahil sumasagot siya, hindi ko siya pinatapos. *PAK* *PAK* Mag-asawang sampal para sa kanya.
“ANO? AANGAL KA PANG TAONG GUBAT KA? PASALAMAT KA AT DUMAMPI PA ANG KAMAY KO SA MUKHA MO! MAS MAHAL PA ANG SANITIZER KO KESA SA BUHAY MO!” Syempre tumahimik na siya. Ikaw ba naman e, samapalin ka ng tatlong beses sasagot ka pa ba?
“Mga hinayupak kayong lahat! Ang kakapal ng mukha niyo sing kapal ng kalyo niya sa paa *turo sa paa ng PA ni Jada* Mukhang hindi niyo ako kilala? At dahil mukha kayong mga tanga *tingin sa make-up artist* magpapakilala ako sa inyong lahat.” Umiling naman si Jada sa tabi. Dahil alam na niya kung anong magyayari sa tuwing maggpapakilala ako.
BINABASA MO ANG
When the PlayGirl Plays
Teen FictionWhat happens if the playgirl meets the playboy? may mabubuo bang love? o war? Sino ang pipiliin niya? the good boy or the bad boy? Will she take the chance and is she ready to be hurt again?