Pare, Mahal Kita.
L A D Y L O V E 8 8 ' s
original one-shot story.
This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author’s imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.
My first one-shot story! :)
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Simula pagkabata ko, pinipilit ko nang tuklasin kung ano nga ba ang totoong ibig sabihin ng salitang "LOVE." Ang sabi pa nga nila, hindi mo ito malalaman hangga't hindi mo ito nararamdaman. Ikaw Pare, na-inlove kana ba?
Binusog ako sa pagmamahal ng aking ina. Maaga man akong naulila sa aking ama, pinunan naman ng aking ina ang lahat ng pagmamahal na dapat madama ng isang anak mula sa mga magulang nito. Nasaksihan ko kung papaano siyang umibig muli, pero nasaksihan ko rin kung papaano ito nabigo ng paulit ulit. Madaming beses. Madaming beses ko siyang nakitang sumubok, at madaming beses ko din siyang nakitang lumuha. Ikaw Pare, nasaktan kana ba?
Doon ako nagsimulang mawalan ng tiwala sa pag-ibig. Ang sabi ko sa sarili ko Ayokong umibig, kasi ayokong masaktan. Itinatak ko sa kukote ko na pag-aaral at pag-aalaga sa aking ina lamang ang tanging pag-uukulan ko ng pansin. Tinalikuran ko ang ideya ng "LOVE" sa isip ko.
Okay naman ang lahat eh. Naging mabuti naman ang takbo ng mundong ginawa ko para sa sarili. Naging matiwasay naman ang buhay na pinili ko. Akala nga ng lahat tomboy ako eh. Pala-sama kasi ako sa mga lalaki at hindi din ako pala-bihis babae. Boyish kumbaga. Okay lang, para walang manligaw sa akin. Diba? Pero ang lahat ng ito'y nabago nang dumating ka sa buhay ko.
Pareho tayong kabilang sa isang grupong binuo ng isa sa mga kaibigan ko. Binuo tayo bilang isang banda. Ako, Ikaw at ang dalawa ko pang kaibigan. Napa-oo ako sa pagsali dahil matagal ko na itong pangarap, ang kumanta at ang magkapera. Sideline kumbaga.
Nung una kitang nakita, hindi ko maipaliwanag. Pero pakiramdam ko sasabog ang dibdib ko. Okay, gwapo ka nga. Maputi at matangkad. Pero madami na akong nakilalang lalaking mas gwapo sa'yo pero kailanman ay hindi nakaapekto sa akin ng ganito. Pare, ano bang meron sa'yo?
Pangalawang beses na magkita tayo, ito ang unang practice ng banda. Hindi pa tayo close. Nagkakailangan pa. Pero ito yung mga panahong napagtanto ko. Iba ka. Iba ang epekto mo sa akin. Iba ang nararamdaman ko kapag nandyan ka. Iba. Ibang iba talaga. Pare, nararamdaman mo din ba?
Pangatlo, at sunod sunod na pagkikita pa natin. Ito yung mga panahong nagbibiruan na tayo at nag uusap ng normal. Dito pa nga nagsimulang tawagin kitang pare eh. Sweet ka pala. Thoughtful at may pagka-mahiyain.
Dito ko napansin na ang cute mo palang ngumiti. Ang saya mo palang kabiruan. Ang astig mo palang gitarista. Ang kuripot mo pala. Ang baduy mo palang sumayaw. Pero ang gwapo gwapo mo pala talaga. Hindi ko alam pero lahat ng mapansin ko sayo pakiramdam ko maganda sa paningin ko. Yung tipong lahat nalang ng gawin mo gusto ko. Pare, ano ba tong nararamdaman ko?
Hindi ko namalayang ito na pala yun. Ang pakiramdam na pilit kong ibinaon sa lupa. Ang salitang pilit kong binura sa bokabularyo ko. Ito na pala yung bagay na hindi ko pinaniniwalaan. Ang kakaibang saya na hindi ko akalaing mararamdaman ko pa. Ang nag iisang bagay na hindi ko akalaing matatagpuan ko pa sa pamamagitan mo.
Masaya pala. Masarap pala sa pakiramdam. Siguro nagkamali lang ako sa mga pananaw ko noon. Siguro, part naman talaga ng pagmamahal ang sakit at in the end magiging masaya ka din. Siguro, kung susubok ako, doon ko makikita ang sagot sa mga katanungan ko na itinago ko ng matagal na panahon. Kaya, kahit nakakatakot, pare, minahal kita.
Pero hindi pala dito nagtatapos ang lahat. Ang sabi kasi nila, mas masarap magmahal kung nasusuklian ng taong mahal mo ang pagmamahal na ibinibigay mo sakanila. Pare, papaano mo masusuklian ang pagmamahal ko kung wala kana mang kaalam alam tungkol sa dito?
Dito ko naisipang ipunin ang lahat ng lakas ng loob at kapal ng mukha na meron ako, at sabihin sa iyo ang lahat. Kaya nang gabing hinatid mo ako sa amin pagkatapos ng practice natin. Walang pag-aatubili, umamin ako.
"Pare, Mahal kita."
Nakita kong nagulat ka at lumungkot ang mga mata mo. Nakita kitang yumuko at nagpakawala ng isang malalim na hininga.
"Cassie, may Girlfriend na ako."
Girlfriend? Bakit nga ba hindi ko naisip yun? Bakit nga ba hindi ko man lang naitanong sa iyo yun bago ko pa man hinayaan ang sarili kong mahalin ka ng ganito? Bakit nga ba hindi mo naikwento sa akin ang tungkol sa kanya? Hindi ba close na tayo. Bakit hindi mo sinabi? Bakit hindi ko itinanong?
Napako ako sa kinatatayuan ko. Walang salita ang sumubok na kumawala sa bibig ko. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Pero ang alam ko lang. Masakit. Sobrang masakit. Mahapdi. Sobrang mahapdi. At, hindi ko namalayang sunod sunod na pala ang pagpatak ng mainit na likidong nagmumula sa aking mga mata.
Nakita mong umiiyak ako. Tinangka mo akong yakapin. Pero para saan pa? Hindi na nito mababago pa ang katotohanang, hindi pwede. Hindi pwedeng maging ikaw at ako. Hindi pwedeng maging tayo. Kaya imbis na pahabain ko pa ang usapan, ito na lamang ang nasabi ko...
"It's okay, I understand... Pare pa din naman kita, diba?"
Saka kita tinalikuran, at kasabay ng pagtalikod ko ay siya ring pagtalikod ko sa mga nararamdaman ko sa'yo.
Pare, sana kaya ko.
[fin]
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
COMMENT VOTE LIKE
Thanks!
Love, Ja
BINABASA MO ANG
Pare, Mahal Kita. (ONE-SHOT)
Teen FictionADMIT IT. You loved someone you can never have. </3