GRAINNE
Nakakabored. Scroll. Like. Scroll. Comment. Scroll. Like. Scroll. Comment. Hayyyy. Habang nag-i-scroll ako, nakita ko ang pangalan ng Thames Carter. Ayan. May nakita na naman akong gwapo. Koreano ba ito? Papalit-palit ng relationship status. Grabe naman. Isang araw pa lang sila, break na agad. Girlfriend niya ba yung boss? Ayy, parang. Nag-a- i love you siya eh. Pero bakit hindi sila magka- rs? Sweet nila, nakakainggit.
Add a friend. Friend Request sent. Pinatay ko na ang laptop ko pagkatapos saka ako natulog.
6.55 AM
Sht. TANGHALI NAAAA!!!!!!!!!!!!!
Dali-dali akong bumangon at naligo. Agad akong nagbihis ng uniform at nagtangay na lang ako ng sandwich na siyang kakainin ko sa daan. Sht. Traffic pa! Napatingin ako sa may bintana. Ang ganda nung kotse. Pagkatapos ko ng pag-aaral at kapag nagkatrabaho ako, bibili ako ng kotse para hindi na ako mamasahe at magcommute. Mahirap ang walang sariling sasakyan. Mahirap makipagsiksikan. Mababaho na ang nagiging katabi ko dahil sa pinagsasamang pawis nila. Kinuha ko ang cologne sa bag ko para maiba iba naman ang amoy ko. Syempre ini-spray ko yun sa katawan ko. Pagkababang- pagkababa ko sa bus ay agad kong tinakbo ang daan papuntang school namin. Para akong asong lawit ang dila sa sobrang pagod.
Lunch.
Transferee ako sa school na ito, and I'm just a nobody here. "Hi, Grainne." bati ni Pere sa akin. Agad akong napatingin sa kanya at ngumiti. "Hello." ganting bati ko at sinimulan kong lantakan ang pagkaing nakahain sa aking harapan. Gutom na ako! "Pwedeng makiupo dito?" Tumango na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain. Tahimik lang kaming dalawa. "Sadya bang manang ka kung manamit? Maganda ka sana kung mag-aayos ka lang." naagaw ang atensyon ko sa sinabing iyon ni Pere. "Di ko hilig ang makeup. Allergic ako doon." maikiling tugon ko sa kaniya.
Biglang umingay ang paligid. "Carter's!" narinig kong sigaw ng ilang malalanding babae. Lalong gumulo sa canteen nang pumasok ang mga kinikilala nilang tao sa school. Balita ko sila yung may-ari ng school na to pero wala kong pake as long as namumuhay akong mag-isa ng tahimik at mapayapa. Di ko naman talaga gustong makigulo, at wala akong interes makipagfangirling dahil puro pagaaral lang ang gusto kong gawin sa ngayon.
Itinapon ko ang mga basura ko sa basurahan at naisipan ko nang lumabas ng canteen para magtungo sa library at magbasa bago pa magtime. Sa kasamaang palad, iisa ang exit at entrance ng canteen, meaning kelangan ko pang makipagbanggaan sa mga babae ng mga to para lang makalabas. Grabe parang stampede! Pinilit kong sumalungat sa lakad ng karamihan pero nabigo ako. Naroon ang matulak ako, masampal, mabugbog at higit sa lahat, madapa. Akamang tatayo na ako pero may kamay na nakalahad sa harapan ko.
"Okay ka lang ba, babe?" bungad niya. Napatingin ako sa nagsalita. Isang lalaking nakangiti at nakalahad ang kamay. Gwapo ba sya? Hindi. May dimples naman sya at pantay pantay na ngipin. Killer smile. Yun ang meron sya. Di ko sya pinansin pero parang pamilyar sya. Napahiya sya siguro kaya iniurong nya ang kamay nya at namulsa na lang. Hinintay nya lang akong tumayo. "Ingat sa paglalakad babe, ha? Tanga ka pa naman." nakangiti ulit nyang sabi saka umalis. Umaalingawngaw pa sa aking pandinig ang boses ng mga babae nyang umaalipusta saken. Nagpagpag na lang ako ng damit ko at saka nagpatuloy sa paglalakad. Ayoko ng ganito. Ayokong maging center of attraction!
Blaque
"First time ko atang makita na mag nang-snob sayo, tol." bungad ko kay Thames pagpasok sa tambayan namin. Agad syang sumalampak ng higa sa sofa at pumikit. "Pft. May gusto rin yon, pakipot lang." natawa naman ako sa sagot nya. "Sabagay. Sino nga namang hindi maiinlove sa isang Carter?" Naupo ako sa mini bar at kumuha ng vodka. Bago lang sya siguro dito. Ngayon ko lang nakita mukha nya eh. Mukha namang ordinary girl. nasabi ko sa sarili ko. Maya-maya nagring ang phone ko. "Una na ko tol. May lakad pa ko." Di ko na hinintay sagot ni Thames. Paniguradong malalim na ang tulog nito.
Pagdaan ko sa may seat rest nakita ko na naman yung babaeng yon. Napatingin ako sa paligid. Wala ba siyang friends? parang nag-iisa siya. tanong ko pa sa sarili ko. Compare sa mga babaeng normal kong nakikita, sya lang yung bukod tanging libro ang hawak wala nang iba. Kadalasan kase ng nakikita ko may hawak na suklay o kaya face powder. Di ko namalayan na naglalakad na pala ako papalapit sa kanya.
Napabalik lang ang katinuan ko nang may tumili mula sa likuran nya na mga grupo ng mga babaeng nagpapractice ng cheerdance. "Blaque!!!" Napabalik ang tingin ko sa babaeng nerdy na to na nakatingin na rin saken. Bigla akong napako sa pagkakatayo. Agad nyang niligpit ang mga gamit nyang nakakalat at librong binabasa, sinilid nya sa bag at nagmamadaling umalis. Nainis ako sa tinuran nya. Yung totoo? Multo ba ako? Mukha ba akong maysakit para iwasan nya? Naupo na lang ako sa seat rest na inalisan nya. Yung totoo, Blaque, bakit interesado kang malaman? Napailing na lang ako. Nagvibrate na naman ang phone ko. Naalala ko pinapupunta nga pala ako ni Tandang Carter sa Admin Office. Inis na tumayo ako at nagtungo na lang doon.
"Dito ka muna tutal wala ka pa naman klase. Ayusin mo files ng mga estudyante ng CA. Ihiwalay mo ang transferees sa old students. Kailangan pagbalik ko ayos na ang lahat. Madali lang yan ayusin wag ka magreklamo." sunud-sunod na bilin nya. "San naman ang punta mo?" nakasimangot na tanong ko sa kanya. "Sa lugar kung saan nakakapagpabata." nakangisi nyang sabi. Nashocked ako sa narinig nya. "Grabe ka, Tanda! Ang tanda-tanda mo na!" asik kong komento. Hinampas nya ako gamit ang baston nya. "Saan ba sa palagay mo ang punta ko? Hindi ba pwedeng sa spa ako magpunta at magpapamasahe dahil sumasakit na likod ko? Hirap sa inyo puro libog ang alam nyo que babata nyo pa! Dyan ka na nga!" komento ng matandang hukluban bago umalis. Pabagsak akong umupo sa Admin Chair at sinimulan na ang aking gagawin. Tama sya, mabilis lang malaman kung transferee o hindi. May kulay pulang stamp ang transferees, kulay blue sa old students at kulay green sa mga may kaso. Pinagsama-sama ko muna ang mga papel ng transferees, ganun din sa mga may kaso at old students saka ko inisa-isang inayos mula freshmen hanggang seniors. Inihuli ko ang transferees dahil ito ang nasa kailaliman ng isang ruler na taas ng mga papel.
"Wew. Yung matandang yon talaga!" nasambit ko na lang. Last paper na ng old students ang hawak ko nang maagaw ng atensyon ko ang papel kung saan may nakaattached na litrato. Pamilyar na mukha. Isinantabi ko muna ang hawak kong papel at sinimulan kong basahin ang papel na hawak ko.
Oanez, Grainne Hackett
19 Sept 19**
Father: Deceased
Mother: Deceased
Guardian: Ash Gryffon
Relation to Guardian: Brother
Previous School: Santiel Academy
Reason for Transferring: Personal Matters
"Maganda naman sa SA. In fact, kalaban namin ang school na yon, bakit pa siya lumipat dito?" Agad kong naisip ang senaryo kanina. "Hindi kaya isa syang spy ng SA kaya niya ako iniwasan kanina?!" Kinabahan agad ako. Hindi ko ito gusto. Mahal ko ang school na ito kaya lahat gagawin ko and there's one way to find out. Napangisi ako sa naisip ko.
BINABASA MO ANG
I'm In Love with a Monster
Sachbücher"The truth is, pinagpustahan ka lang namin. Hindi naman kasi talaga kita minahal. Sorry." PS. Story may contain foul words and unetiquette actions. Read at your own risk.