"BUHAY AKO! BUHAY AKO!!!"
Isang malagim na trahedya ang naganap ng isinasaayos ang isang gusali na gagawin bilang bahagi ng itinatayong unibersidad,
Ilang estudyante ang nasawi at tuluyang nadaganan ng mga gumuhong pader na naghantong sa kanilang kamatayan.
Mga malalapot na dugong umaagos galing sa mga sugat at hiwa sa kanilang katawan na senyales na iyon na ang huling araw nila sa mundong ibabaw.Isa na silang malalamig na bangkay.
~
Lumipas ang mga buwan at taon ay hindi parin tuluyang naiisaayos ang mga buto at labi na naroroon. At iilan sa kaluluwa na naririto ay magpasa hanggang sa ngayon ay hindi parin lubusang matahimikIpinagsawalang bahala lang ng mga walang pusong namamahala ng unibersidad ang malagim na trahedyang nangyari.
Pinagtagpan nila ang nangyari at pinilit takpan ang mga butas upang hindi na maungkat pa ang kaganapang iyon. Ngunit nagkakamali sila.
...
Walang nangyari sa mga hinaing ng mga estudyanteng dinalaw ni kamatayan.
Hindi sapat ang dasal at pagtawag sa Diyos upang mapatawad sila. Dahil hindi sa lahat ng bagay ay naalala nila ang Diyos
Buhay ako! Hindi ko matatanggap ang nangyayari sakin ngayon! Buhaaaay aakooo!
Bakit nila ako inilibing ng buhaay!Tinapyas nila itong binti ko!
pinugutan ako ng ulo...Buhay ako!!!!!
~~~°~~~
Paano kung malaman mong ang lugar na kinatiririkan ng gusaling madalas mong pasukan, ay naging pugad ng mga kaluluwang hindi matahimik?Hindi na kailanman lilisanin ang lugar na minsan ng naghatid sa kanila kay kamatayan