Naranasan mo na bang bumiyahe? Malamang ay oo ang isasagot mo, sa araw-araw na buhay ng tao ay kadikit na natin ang pag biyahe hindi natin ito maaring iwasan. Mula bata hangang sa pag tanda tayo ay bumabiyahe na papasok sa eskuwela, trabaho, o papunta sa mall. Pero naranasan mo na ba na bumiyahe tapos naipit ka sa sobrang trapik (kahit hindi ka sa EDSA dumaan)? Sobrang hassle! Parang gusto mo ng bumaba sa sinasakyan mo at halo-halong emosyon ang nararamdaman mo kagaya ng galit, pagkabagot, antok, gutom at iba pa. Darating din ang pag kakataon na hindi naman trapik ang mararanasan mo habang bumibiyahe kung hindi lubak-lubak, paliko likong daan, at parang walang katapusan na tipong gusto mo na lang lumipat ng ibang ruta at ayaw mo ng tapusin yung nasimulan biyahe mo, gusto mo na lang mag iba ng dadaanan yung mas mabilis, yung mas komportable, at mas pabor sa sayo. Pero ito nga ba yung tamang solusyon? Hindi ba mas magandang tapusin kung ano ang nasimulan na? Sasayangin mo ba yung oras na ginugol mo sa pag plano para masimulan ang biyaheng iyong napili? Pang hihinaan ka ng lang ba ng loob? Mag papatalo sa pag katamad na nararamdaman? Bakit hindi mo aalalahanin ang rason kung bakit ka bumiyahe.