I am a Grade 10 junior high school student and currently studying here in SAF.Palangiti, masayahin at mabait. Pero minsan, tumataas din naman talaga yung dugo ko. Sabi nga diba, nobody's perfect. Patuloy yun na binabago ni Lord no!
Naalala ko na naman nung bata pa ako..
I was going and attending Church with my family back when I was only 9 years of age. But then, hindi ko alam yung mga pinag-gagagawa ko. Supposedly, I didn't know what was really my purpose here on Earth.
Hindi ko alam kung bakit ako nagsisimba. Hindi ko alam kung bakit ko pa kailangan magsimba. Para san nga ba kasi yun? Para san pa yung pag-aattend ko dun eh natutulog lang naman ako sa hita ng nanay ko tuwing nagp-preach si pastor.
Ayaw na ayaw kong magsimba kasi kakamayan na naman ako ng ibang tao dun. Ngingitian ko sila pero deep inside nabuburyo ako. Kakausapin nila ako at puro ngiti yung binibigay ko sakanila. Ayoko sakanila. Ayoko magbago. Madami pa akong gustong gawin sa buhay habang bata pa ako, lubos-lubosin ko na din.
Syempre hindi mawawalan sa buhay yung magkaroon ka ng crush. Sa school, napakadami kong crush noon. At puro mga kaklase ko pa. Ang saklap nga lang kasi palagi kong nararamdaman yung ma-friend zoned dahil puro best friends ko yung gusto nila.
Ansakit diba?
"Hi Eriese. Kamusta ka?"
Nakakainis naman to, text ng text yung leader ko.
Wag ko na nga lang reply-an. Kukulitin nanaman ako netong umattend ng sabado para sa Youth Service. Eh wala naman kasi akong kasama kaya hindi ako pupunta.
"Oy Eriese!" Heto na yung kaibigan ko.
"Oy Bianca, kamusta? Nga pala pwede ka ba sa sabado? Sa church namin. Wala kasi akong kasama at kinukulit ako nung leader ko." Singit ko agad sakanya.
"Ah eh, ano gagawin dun?" Tanong naman nya.
"Hindi ko pa alam eh, di pa ako nakaka-attend ng sabado kaya try natin malay mo naman diba masaya?" Nakikita ko kasi yung Kuya ko na masaya tuwing uuwi at pupunta sa church kaya siguro masaya din dun? Kahit papano..
"Sige magpapa-alam ako kay Mama. Uwi na ko ha? Bye!" Paalam nya sakin.
Yon may kasama na ako! Naeexcite na ako sa sabado!