Ang lamig ng hangin'g gabi.. niyakap ko ang sarili. dito ako sa balcony ng kwarto namin naka upo.. tumatanaw sa madilim na kalangitan. Malapit na maghating gabi wala pa din siya.. halos palagi naman ganito simula ng ikasal kami.
Tinignan ko ang wedding ring ko sa kamay.. Maglilimang buwan na pala kaming kasal ni Nicholo Samuel Sandoval.. at kahit kailan hindi ngbago ang tungo niya sa akin... Malamig pa sa yelo kung kausapin ako or parang hindi niya ako nakikita. Ayaw niya sa akin..
Flashback*
Ako si Lucille Vega Sandoval. edad 21, sexy, maputi, matangkad, maganda. ikinasal ako kay Nicholo dahil sa kasundoan ng aming mga lolo noon. Matalik na magkaibigan ang Lolo ko at Lolo ni Nick. Magkasusyo sa Negosyo ang mga ito.. at napag kasunduan ng mga ito na ipakasal ang kanilang magiging apo.. pagdating ng panahon.
Nagkasakit ang Lolo ko at pumanaw na. Dalawang taon na nakaraan. Bago ito binawian ng buhay ay Nagbilin ito kay Lolo Samael na Lolo ni Nick. Na kahit ano mangyari matutupad ang usapan nila. Na tinutupad naman ng kaibigan ngayon.. kaya nila tinakda ang aming kasal.
College na ako ng makilala ko si Nicholo.. pero kilala sa mga kwento lang ng pamilya ko noon.. dahil narin na sa ibang bansa naman nakatira si Nicholo hanggang matapos ito sa pag aaral. At umuwi nlang nung ibinigay na sa kanya ang pamamahala ng mga Negosyo nila.
Sa mga kwento palang nila about Nicholo interesado na ako.. at mas lumala ang pagkagusto ko sa kanya ng makita ko sya sa isang business party noon.. ng ipinakilala kami sa isat isa.. natulala ako sa kanyang nakatingin.. ang gwapo nya! sa isip ko.. matangkad, tangos ng ilong, ang ganda ng built ng katawan.. parang model lang. At ang ganda ng boses!
Tumango lang siya sakin matapos akong kamayan.. at hindi na nya ako na pansin.. madami na siyang mga kina usap na mga businessman din.. sa isip ko habang nakatingin sa kanya.. hindi ba ako attracted? Hmp! Pero ako Gusto ko siya! Feeling ko naiinlove na ako!
Simula nun inalam ko na lahat kay Nicholo ng pa sekreto.. secret Crush ko kasi sya.. hanggang sa naimbitahan kami sa Party ni Lolo Samael.. Syempre na excite ako kasi makikita ko ang Crush ko!
Sa party. Madami ding mga mayayaman at negosyanteng tao ang naroon.
Tumayo si Lolo Samael sa gitna.. tinawag niya ang apo niya na si Nicholo. Tumabi naman ito sa matanda..
Nakatitig lang ako kay Nicholo.. d naman nya ako nakikita kasi nasa bandang gilid lang ako naka upo.. medyo dim lang din ang ilaw.Nang marinig kung tinawag din ni Lolo Samael ang pangalan ko.. ako?!
Tumingin ako sa mga magulang ko. Nakatingin sila sakin at tumango. Hindi muna ako kumibo. At ng tinawag muli ang pangalan ko..Lucille.... iha.. sabi ni Lolo Samael.
Nagtaka man ay tumayo na din ako at lumapit sa harap.. ng naka ngiti pa.. ng tumingin ako kay Nicholo ay nakakunot lang noo nya. galit?!Gusto kung ianunsyo sa inyo ang pag iisang dibdib ng aking ng iisang apo na si Nicholo Samuel kay Lucille Vega na apo din ng aking Yumaong matalik na kaibigan na si Lucio Vega! at sa lalong madaling panahon ay itatakda rin ang kanilang kasal.. at lahat kayo ay imbitado sa engrandeng kasalang ito! - mahabang litanya ni Lolo Samael.
**&**&**&**&**&**&
Medjo sabaw poh ang istorya.. cnxa na!✌
First tym magsulat.. salamat poh
BINABASA MO ANG
Can we give a try....
General FictionCan you still willing to try kahit alam mong masasaktan kalang.