Only Guy (Oneshot)

1.3K 31 11
                                    

ALLEX'S POV

"Oh crap! What did i do again? Bakit ba nagalit nanaman siya sa akin? Hindi ko talaga siya maintidihan! Arrrgh!" Frustrated na sigaw ko. Di ko mapigilang sipain ang armchair na nasa harapan ko. Di ko ininda ang nasaktang paa ko, dahil walang wala yun sa sakit na nararamdaman ngayon ng puso ko.

He did it. AGAIN. Bakit ba paulit ulit na lang niya akong sinasaktan? Napakasama ko ba talagang tao para itrato niya ako ng ganito? He was not like this to me before, but what happened?

Dapat masanay na ko pero hindi e, mas lumalala lang yung sakit na mas gugustuhin ko pang patayin niya na lang ako.

"Hey, stop it Allex! Aren't you tired? Lagi ka na lang niyang sinasaktan. Bakit ba nagpapakamartir ka? Madami namang iba dyan, sa dami nga ng nagkakagusto sayo pipili ka na lang. Bakit ipagsisiksikan mo ang sarili mo sa taong ni wala man lang pakialam sayo. Wag kang magpakatanga dahil lang sa isang lalaki!" Pagpapamukha sa akin ng isa sa dalawang bestfriend ko --- si Shannah.

Shannah, ano ka ba kita mo ng nasasaktan yung tao tapos sasabihan mo ng ganyan. Lalo mo lang pinalalala yung sakit e." Lauren.

"What?! Ako pa ngayon ang nagmumukhang masama dito? Ang gusto ko lang naman magising sa katotohanan itong bestfriend natin e. Mas lalo siyang masasaktan kung ipagpapatuloy niya ang kahibangan niya!" Sagot naman ni Shannah.

Patuloy lang sila sa pagsasagutan pero wala na sa kanila yung atensyon ko. Sa totoo lang, natamaan talaga ako sa sinabi ni Shannah.

Bakit nga ba sa dami ng lalaki, siya pa rin ang pinili ng puso ko? Iba talaga kapag si kupido na yung nakialam, mangyayari ang hindi mo inaasahan. Napangiti na lang ako ng mapait.

Naramdaman ko na tumigil na yung dalawa sa pagtatalo at parehong mataman na nakatingin sa akin.

I gave them a questioning look.

"Last question Allex. Why? Why him?" Shannah asked. They were both waiting for my answer.

And all i can say is, " i know he is not the only guy in the universe. But for me he is the only one that matters though i did not choose him, but my heart did. So be it. End of story."

I hold my shoulder bag as tight as i can as i walked inside the basketball gym. I know he is here because i became a stalker of him a very long time ago.

Pumikit ako ng mariin bago pumasok sa loob. It was been 4 days before we had an argument and that was the last time that i saw him. And i really miss him. So much that i'm willing to eat my pride.

Di ko mapigilang mapangiti ng masilayan ko ang nagiisang lalaking nagbibigay kulay sa buhay ko. Nawala lahat ng sama ng loob ko pagkakita ko sa kanya.

Sa totoo lang, kung pwede lang na bilhin ang pagmamahal matagal ko ng ginawa. Pero alam kong kahit kailan hindi mangyayari ang bagay na iyon.

"Gabriel." Mahinang tawag ko. Kausap nito ang teammates nito. Siya kasi ang captain ball ng basketball ng University namin.

He looked at my direction kasabay ng pagkunot ng noo nito. Lumapit ako sa kinatatayuan nito habang nakangiti rito ng malapad.

"Allex! Long time no see, namiss kita." Nabaling ang tingin ko kay Nixon, a dear friend of mine. Teammate siya ni Gabriel.

I chuckled. "Miss agad? Kanina lang yung huling pagkikita natin a." Natatawang sabi ko.

Ngumisi naman ito ng nakakaloko. Habang yung iba binati ako. Kilala na kasi nila ko, sa dalas ko ba naman kasing pumunta dito para makita si Gabriel. And speaking of Gabriel!

Nakatingin siya sa akin ng masama. Pinaglapat ko ang mga labi ko ng mariin bago magsalita. "Gab, can i talk to you. In private. Please?" Nakikiusap na sabi ko dito.

Only Guy (Oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon