Naglalakad na ako papunta sa Clinic ng makasalubong ko sila Alex at Zelo.
“Oh. Susunduin ka palang namin, sabay-sabay na tayong umuwi.” Sabi ni Zelo na may hawak na stuff toy? Weird ah. Di kaya naging Bru na siya?
“Ah. Mauna na kayo, may naiwan ako sa Clinic, babalikan ko pa.” pilit akong ngumiti.
Biglang hinawakan ni Zelo yung braso ko, “Sasamahan ka na lang namin dun Neli..” at hinatak na niya ako papunta ng Clinic.
“Teka… Zelo..”
Huminto kaming parehas ni Zelo sa di ko malaman na dahilan, “Baby Zelo, natatae na yung stuff toy, ipanalangin na lang natin ang kaligtasan ni Neli..” sabi ni Alex. Edi ngayon alam ko na kung bakit kami huminto =__=
Tumawa lang si Zelo at binitawan ako. “Nagbibiro lang ako kay Neli, sige, mag-ingat ka, pauwi ah?” sabay simpleng akbay kay Alex.
Haaaaaaaaaaaaayyy!
Thank you Alexa Domingo! >”<
Ngumiti din ako sa kanila habang palayo na sila. Tsaka ako dumiretso ng clinic.
Bilang isang magalang na estudyante, kumatok muna ako, at dahil walang nagbubukas, pumasok na ako.
“Mr. Usares?”
At dun ko nakitang kakalabas lang niya ng CR. “Oh. Paw, kanina ka pa?” wag niyong kalimutang nakangiti siya palagi pagnagsasalita ah? :P
“Hindi naman, so, bakit mo ako pinapunta dito?”
Kinuha niya yung gamit niya, lumapit sakin sabay kuha din ng bag ko. “May good news, better news, at best news ako. Anong gusto mong mauna?” Then he grinned.
Lahat naman yan positive eh =__=
Ni-uuto ako nito.
“Good news.” Excited kong sagot.
“Okay.” Hinawakan niya yung kamay ko at naglakad na kami palabas ng Clinic. “Uy teka, yung kamay mo. Baka may makakita satin.” Sabi ko habang hindi pa niya nabubuksan yung pinto.
Mukhang di niya pinansin yung sinabi ko at nagpatuloy lang siya sa pagsasalita. “Good news, uulan ngayon. At sabay tayong uuwi.”
Pagkabukas niya ng pinto ng Clinic, umaambon na nga, at madilim na yung ulap. “Aish. Wala akong payong.” Bulong ko sa sarili ko.
“Kaya nga sabay tayo uuwi diba? Hahaha.” Tae. Narinig niya pala =__=
Naglakad na kami sa hallway hanggang sa gate at lumakas na yung ulan kaya nakapayong na kami.
“Ang maganda sa ulan ay kahit magkahawak yung mga kamay natin, di nila ako makikita dahil sa fog at tinatakpan ng payong yung mukha ko..” he explained. Mas matangkad kasi siya sa akin. Siya na XD
At nakahinga tuloy ako ng maluwag. “Better news?”
Ngumiti muna siya sa akin tsaka sinabing. “Tumawag si Doc Al, nirecommend ka niya sa Dean’s na makasama sa Scholarship at pumayag so, magkasama na tayong magbabantay sa Clinic.” Inakbayan ako sabay kindat.
“Butaw ka talaga.” Kinikilig naman ako. Tae lang ah ><
Nakatingin lang ako sa kanya, baka magkastiff neck ako nito. Butaw na rin ako pre -,-