"mom maganda ba 'ko?" tanong ko kay mommy.
"anak may mga bagay talaga sa mundo na gusto natin pero hindi para sa atin"
"mom naman e! ang layo naman ng sagot mo sa tanong ko eh. maganda ba 'ko?"
"anak ang importante nag mamahalan tayo dito sa bahay."
"ewan ko sayo mom! ka badtrip ka naman eh!"
"magtigil ka nga sa kabaliwan mo petra! hala sige magsaing ka na!"
"ang ganda ko naman para mag saing lang no!"
"ay leche kang bata ka! mag sasaing ka o kakain ka ng hindi lutong bigas, ha?!"
"eto na nga mag sasaing na. wag high blood mom, ang puso mo. hehehe"
hayyy. ang hirap talaga ng buhay maganda. mabuti na lang di mo naranasan no? ganito yung buhay ko araw araw eh. buhay pretty lang hehe! makapag saing nga.
"ate papasok ka ba bukas sa school?" tanong ng panget kong kapatid.
"ay hindi lalabas ako, lalabas."
"ang corny corny mo ate, maligo ka nga!"
"ano namang connect dun aber?"
"amoy mais ka! maligo ka na! ang baho baho mo kaya!"
"pac u ka bente!"
at tinawanan lang ako ng panget kong kapatid. bwisit sa buhay tong batang to e!
may pasok na pala bukas, makikita ko nanaman ang mga panget na tao sa school. hayy nakakasakit sila sa mata alam ba nila yun? kung pwede lang sigurong mag donate ng kagandahan, madami na sana akong natulungan.
"nay si ate oh! natutulala sa bigas!"
tinusok tusok ako ng kapatid ko ng barbeque stick pero yung dulo kasi hindi masakit. hindi ako gumagalaw at tumitingin lang ako sa kanya. akala siguro neto hindi ko nararamdaman. punyeta nakakapanira talaga ng araw tong panget na to!
"huuuy! huy mumu! huyyy!"
"kingina mo ka pier! tigil tigilan mokong bata ka! umalis ka! leche!"
"uy si ate lalong pumapanget hahahahahahahahahahaha"
"heh! manahimik ka!"
umalis na ng tuluyan ang panget kong kapatid. puro pambi-bwisit lang naman ang alam nun eh!
nag saing na ako at kumain na din kami. pagkatapos nun nag jack en poy kami ng kapatid kong panget kung sino ang maghuhugas ng pinggan pero dahil sa tuso ako, ako ang nanalo.
humiga na ako sa aking king size bed at in-on ko na ang aircon.
"haayy atlast! makakapahinga nako sa king size bed ko. ang lamig pa ng aircon sarap matulog. hehe"
"wag kang feeler ate! ni electric fan nga wala ka, aircon pa kaya? tsaka nakahiga ka lang sa banig no! duh"
"lumayas layas ka sa harapan ko kung hindi ma pepektusan talaga kita"
"duh ate? tabi kaya tayo matulog. wala kang sariling kwarto! usog nga dyan!"
"ay oo nga pala tabi nga pala tayong matulog. wag kang umihi ah? babansot tong banig!"
nahiga na ako sa aking bed-- oo na banig na! sus. so ayon nahiga na ako. hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. ang hirap talagang maging pretty ang daming nag iisip sayo, yan tuloy hindi ako makatulog.
kumanta na lang ako ng listen ni mariah carrey para naman makatulog ako. hayy ang ganda ko na nga ang talented ko pa, ang unfair tuloy sa iba.
may narinig akong parang may bumabato sa bubong. wala naman siguro yun baka yung pusa nanaman nag jejerjer. ang lalandi ng mga yun jusme! tinuluy-tuloy ko pa rin ang pagkanta. nung nakaabot nako sa mataas na part, kinanta ko yun ng bonggang bongga. mas matinding kalabog na ang narinig ko sa bubong namin. inis na inis na ko ha!
BINABASA MO ANG
Unbreakable Queen
Teen FictionAng hirap talaga ng buhay maganda. mabuti ka pa 'di mo naranasan.