*School*
"Get one whole sheet of paper we have a suprise quiz today" sabi ni Ms. Reyes.
So eto kami kuha papel dito, hingi iba doon. Habang hinahanap ko yung papel ko may biglang kumalabit sa akin ako naman ay napatingin sa kumalabit sa akin.
"Eliss may papel ka? Pahingi naman nakalimutan ko kasi yung sa akin." Yung bestfriend ko lang pala, si Jake.
'Wait lang hinahanap ko pa, wait" Tugon ko naman sakanya.
Argh! Saan na ba yun.. Ayun!
"Oh! eto." sabay bigay ng papel kay jake.
Si Jake bestfriend ko, Bestfriend ko na mahal ko. Kaso yun lang may mahal na siyang iba.
"Uy! Eliss!" Bumalik ako sa reyalidad ng mag salita ang Bestfriend ko.
"Sorry, Bakit?" Tanong ko sakanya.
"May ballpen ka pa? Nawalan kasi ng tinta yung akin eh" Pabulong na sabi ni Jake
"Ikaw lalaki ka ah! Ginagawa mo kong School Suplies, uso bumili ng gamit try mo minsan." pabiro kong sabi sakanya
"Alam mo naman etong gwapo mong Bespren eh napapakod maglakad-lakad" -Jake
"Woooooh! Ang lakas ng hangin brad!" (pero totoo naman hindi lang siya gwapo sobrang gwapo!) sabi ko sa kanya na may kasamang pag taray syempre pabulong lang noh! baka marinig pa ni Ms. Reyes
"Ganyan kana ba?" Nako! Bat ka nag pout? Lalo tuloy akong naiinlove.
"Oh!" sabay abot sakanya ng ballpen.
"Thank you bespren!" Then he smiled.
Ang saya ko talaga pag nagkakaroon ako ng funny or any kind of conversation with him parang basta! Masaya ako.
After 1 hour
"Pass your papers then yung mga nasa center ibigay kay Ms. Lamb" sabi ni Miss sa classmates ko.
"And Ms. Lamb paki lagay nalang yung mga paper sa faculty sa table ko." sabi nya sabay alis.
Lahat namn ng nasa center ay pumunta saakin at ibinigay ang mga papel.
"Eliss punta na kong canteen sunod ka na lang ako na rin o-order sayo." sabi ni jake.
"Sige sunod ako salamat bespren" sabi ko pabalik sa kanya at nag simula ng lumakad papunta sa faculty.
Pagbukas ko ng pintuan sa faculty nag greet ako sa mga staff na nasa loob nito at pumunta sa table ni Ms. Reyes at ipinatong ang mga papel sa lamesa nya. Pag katapos ko ay lumabas na rin ako at dumiretso sa canteen kung saan andun ang aking bestfriend.
Pagkarating na pagkarating ko sa canteen ay..
Nakita ko sya may kausap at ang kanayang kausap ay ang taong gustong-gusto nya ng makausap sa loob ng 2 taon. May bigla akong naramdaman sa aking dibdib, para bang naninikip ito kaya pumunta na lang ako sa CR at napagpasyahan na maya-maya na lang kumain. Pag pasok ko sa isang cubicle sa CR doon lumabas ang mga luha na para bang waterfalls sa dami ng lumalabas mula sa aking mga mata. Ang sakit pala, Ang sakit makita na ang Minamahal mo eh may kasamang IBA at ang IBAng iyon ay ang kanyang taong mahal.
Napatigil ako sa pag iyak ng may kumatok sa pintuan
"Eliss ok ka lang? Nakita kasi kita na Nagmamadaling pumunta." Sabi ni Faye. Si Faye ay pinsan ko, siya laging tinatakbuhan ko pag dating kay Jake.
Agad-agad ko naman binuksan ang pintuan at bumungad saakin si Faye at agad ko siyang niyakap, Hinimas-himas ni Faye ang likod ko para mapatahan ako sa pag iyak.
"Cous Eliss ano bang nangyare at umiiyak ka?" Halata sa boses ni Faye na sobra siyang nag-aalala sa akin.
"S-si J-Jake kasama nya si K-Kathy sa may Canteen Cous ang saya nila na nag-uusap..." Patuloy parin ako sa pag iyak
"Shhh.. Tama na yan cous" Pagpapatahan sa akin ni Faye
"Siguro kailangan mo ng sabihin kay Jake ang nararamdaman mo Eliss, Subukan mong mag take ng risk kahit sobrang laki ng itataya mo dito." Pagpapayo ni faye
"Pero Faye-- Hindi ko kaya" -ako
"Kayanin mo" -Faye
Napatango na lamang ako sa kanyang sinabi. Napagdisisyunan ko na wag nalang pumasok sa next subject ko at umuwi na lang.
*Kinabukasan*
Papunta ako sa classroom ko ng mapansin kong may kumalabit sakin kaya na patingin ako dito
"Uy! Bespren bat nawala ka kahapon?" Si jake lang pala
"Ah! Kasi sumama pakiramdam ko eh" pagsisinungaling ko.
"Ahh.. ganon ba," sabi nya.
"May sasabihin ako sayo" sabay naming sabi
"Sige mauna ka muna" Sabi ko sakanya
"Sige, Eto na nga kahapon, nakasabay ko si Kathy baby ko sa canteen kasi wala na talagang mauupuan nun time na yun so ayun usap-usap kami grabe talaga bespren! Tas bigla kong nasabi kung pwede ko ba syang ligawan.. Tas bespren pumayag siya! Pumayag siya bespren! Grabe ako na ata ang pinaka masayang lalaki sa buong daigdig!" Sabi nya na para bang may kumikislap na kung ano sa kanyang mga mata.
"Ahh! ganon ba bespren? Grabe ang saya mo nga yon noh? Congrats par! at goodluck sa panliligaw mo sakanya!" sabi ko na may halong pekeng ngiti saaking mga labi. "Saglit lang CR lang ako bespren ah!" at dali dali akong pumuntang CR at doon ako umiyak ng umiyak.
Balak ko panaman na ngayon na umamin sakanya.
Ang sakit dito *turo sa dibdib* sobrang sakit na makita syang ngumingiti pero hindi ako ang dahilan ng mga yun..
*****
A/N: Hello poooo! Thank you sa mga bumasa, and Please support my Other story ang:
I Love You, Bestfriend
Goodgirl's Diary (one-shot)thanky again!! ~^O^~
BINABASA MO ANG
Untold Feelings (One-Shot)
Cerita PendekBabaeng gustong mahalin din siya pabalik. Babaeng umaasa na sana maging sila. Ako yan. Yung babaeng yan, matagal ko ng gustong sabihin sa kanya kay Jake. Matagal ko ng gustong sabihin, pero hindi ko kaya dahil Bestfriend ko siya at may mahal na siya...