Chapter 2 - Unexpected Scene

68 2 0
                                    

Kinabukasan maaga ako pumasok para makausap ko si mark . Para malaman ang dahilan bakit nya nagawa yun sa teacher namin. Makikipagbati narin ako sa kanya ayoko naman na sa ganung bagay lalaki ang tampuhan namin .

Nagsimula na ang klase namin pero walang Mark na dumating , Naghintay-hintay ako hanggang sa sumapit na ang lunch-break namin hindi ko parin sya nakikita .

Irregular student kasi si Mark , Dahil nga sa pagiging basagulero nya , lagi syang binabagsak ng mga teacher . ' Pati ba naman teacher patulan daw ba ? '

Hinanap ko na kung saan-saan si mark . Sa tambayan,sa shed,pati sa mga classroom at canteen ay wala sya .

" Masyado nya sigurong dinamdam yung mga sinabi ko" sabi ng isip ko .

Nang biglang may kumalabit sakin .
"Oh bhebhe, bakit parang pinagsakluban ng langit at lupa yang mukha mo ? " tanong ni evelyn sakin habang nakapalumbaba .

"Eh kasi hinanap ko na si mark sa mga lugar na pwede nyang puntahan pero wala talaga sya eh , di kaya nagtampo sakin yun ? " tanong ko kay evelyn .

"Hayaan mo na nga sya bhebhe , papasok din yun . Imposibleng hindi eh di nayari sya sa ate nya ? di ba ? " sagot sakin ni evelyn .

"Kunsabagay" sabi ko nalang .

Nagpaalam ako kay evelyn na gagamit muna ng restroom , pero habang palapit ako ng palapit sa restroom parang bigla akong kinabahan . Hindi ko alam kung bakit pero nagsasalita ang utak ko na . .

' Wag ka ng tumuloy '

Pero diretso parin ako pumasok sa restroom ng girls . Pagpasok ko balak ko sanang buksan ang isang cubicle dahil nakaawang naman ito .
Pero pagbukas ko , laking gulat ko ng makita ko si Mark at Ella . . .
.
.
.
.
.
.
.
" NAGHAHALIKAN "

Gulat na gulat ako sa nakita ko na parang binuhusan ako ng malamig na tubig , tuloy-tuloy parin sila sa ginagawa nila . Hindi nila ako napansin . Dahan-dahan kong sinara ulit ang cubicle at agad lumabas ng restroom .

Galit ako oo , at gulat na gulat pa dahil sa pinagtaksilan ako ni mark , hindi ko alam na ganun ang gagawin nya dahil sa nagkatampuhan lang kami .

" TAKBO,TAKBO! APPLE "

Yan ang sinisigaw ng aking isip . Tumakbo ako ng tumakbo papunta sa hallway ng di ko napansin na may tao sa harapan ko . Nabunggo ko ang lalaki at natumba ako . Nangingilid ang luha ko ayoko may makakita sakin na umiiyak , gusto ko mapag isa .



Dali-dali akong tumayo at yumuko sa kanya . " Sorry " sabi ko sa lalaki nakabungguan ko . Sabay alis na .



" Miss ! Miss ! "



Tawag sakin ng lalakeng nakabungguan ko . pero di ko sya pinansin tuloy-tuloy parin ako sa pagtakbo papunta sa rooftop ng school . Gusto ko mapag-isa . Nasasaktan ako .

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


Long Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon