"Do I really need to do this?" angil ni Terrence. Tila nandidiri pa na nakatingin sa ibinigay ko.
"Hindi ka naman makikilala, dyan? Balot ng maskara ang mukha mo."
I was convincing him. Kailangang mapapayag ko siya. He needs to do it para malaman niya na hindi lahat ng bagay may perang katapat.
"Kahit na. I feel dirty just thinking about it."
"Ayaw mo? Ayaw mo?" inulit ulit ko sa mukha niya. Medyo seryoso ako pero tawang tawa na ako sa loob. Humalukipkip ako sa harap niya. "Madali naman akong kausap. We'll just scratch the deal." pananakot ko.
Lumambot ang ekspresyon niya sa mukha. Sapul! Alam ko yata ang kahinaan ng loko.
"Ikaw naman, hindi mabiro. I'll do it, okay?." He managed a smirked smile.
"Galingan mo. Suportahan ta ka." bola ko sa kanya.
He went to the men's room para magpalit. Ilang saglit na lang magsisimula na ang kasayahan. Pumunta na din ako sa bulwagan. Doon gaganapin ang bridal shower ni Marie, isa sa aking kaopisina. Nandun na halos lahat ng guests. Sa tantya ko mahigit treinta ang nasa loob. I picked a place na malapit sa improvised stage. This would be fun. Nangingiti ako. That's your prize for fuzzing me Terrence.
"Ladies, onto your seats!" anunsyo ng emcee. "Presenting tonight's highlight. A round of applause to Mr. Jumbo Man."
The all girls crowd loudly cheered. Nagdilim ang paligid. A slow seductive music was played and the star of the night appeared. He's in a mask with skinny jeans and polo. Sa unang salto ng sayaw, nakatalikod ito at ipinaparada ang matambok na puwitan. Nang lumaon, tinanggal ang skinny jeans at naka boxer shorts na lang ang lalaki.
"More! More!" sigaw ni Anne. Ibig niyang sabihin, dagdagan pa ang tatanggalin sa kasuotan ng lalaki.
Isa-isang tinanggal ng lalaki ang butones ng polo niya at bumulaga ang makinis, at matitipunong dibdib. Mahinhing hinahaplos-haplos ang kanyang well-developed abs. May ipinagmamalaki din pala, ang bruho.
Lumapit ito sa grupo nila Anne na kanina pa tili nang tili. I rolled my eyes when I saw how Anne touched Terrence' body. Lalo pang naging malandi ang sayaw ng lalaki na animo professional dancer sa bar.
Nang makalagpas kina Ann, tinanggal ni Terrence ang boxer shorts at natira na lang ang skinny brief. Lalong naghiyawan ang mga kababaihan. "Jumbo! Jumbo!" they all cheered. Game na game naman ang hinayupak.
Namula ako, he was sure looking at me. God no! No! Don't do it and I swear! asik ng mga mata ko. Mag boomerang pa yata sa akin ang lahat ng ito. I closed my eyes, nahahalayan na ako sa pinagggagawa ni Terrence.
Nang walang ano ano'y nasa harap ko na siya. Gosh! Hindi ko alam kung saan titingin. Sa dibdib ba, sa puson o sa heeekkk... ano ba Marcelina maghunos dili ka!
"Don't be shy" bulong ni Terrence. "Feel free to touch my body."
Kinuha ang nanlalamig kong kamay at ipinatong sa dibdib niya. Juice ko lord! Katigas ng muscle. Napapisil pa yata ako. Ipinahaplos ba ang six-pack abs. Takte! Kaawaan ako ng Diyos. Hindi ko alam ang isipin ko. Isang masarap na ulam ang nasa harap ko, este, ano ba Marcelina! Umayos ka!
Dyata't hindi pa yata nakuntento ang loko, ngising ngisi sa harap ko. Dahan-dahang ipinahawak ba naman ang puwetan. Asus! Maria! Nangangatal na ako sa libog, este, nerbiyos. Ngayon lang ako nakahawak ng katawan ng lalaki.
Tilian ang mga tao. Sumigaw si Vina sa bandang likuran. "Hindi si Macie ang ikakasal Mr. Jumbo Man!" Naiinggit yata na tumagal si Terrence sa harap ko. "Dito, dito!" Sabay turo sa soon-to-be bride.
Saka lang umalis si Terrence sa harap ko. Pero bago 'yun, nag flying kiss pa. Marami ang nakilig. May tumakbo pa nga sa harap ko para saluhin ang fying kiss ni Terrence at saka inilagay sa bigbig.
Kaiinis! sigaw ko sa loob.Tse! Ipokrita! Nagustuhan mo naman! Itsura! sigaw ng isa pang boses sa loob ko.
Pinuntahan ni Terrence si Marie. Pero tumalikod na ako. I need to breath fresh air at ayoko nang tignan ang pinagggawa ng mukong. Naisahan yata ako dun a. Tila nag'enjoy pa sa pinagawa ko.
Macie! Macie! Nuknukan ng katangahan. Haahhhh!!! sigaw ko sa loob. Umismid ako. Humanda ka Terrence. Hindi lang isa ang pagkakataon. Maraming araw pa ang susunod. I'll make sure, you'll regret meeting me. I'll swear to my lola's grave!
_______________________________________________________________________________
A/N: a dose of her own medicine. but that was fun. what do you think dear readers?
BINABASA MO ANG
Cousin for HIRE
Romansa"Pretend to be my cousin, and anything under the heaven will be yours." Napanganga si Macie sa offer ng kaharap walang iba kung hindi si Terrence Madrigal - the heir of the Hotel Magnate. Nakahamba ang platinum visa card sa mukha niya. Only the ul...