Inulan ako ng tanong sa opisina kinabukasan. Saan ko daw nakuha si Mr. Jumbo Man, sino daw siya, for hire ba at kung ano-ano pa. I politely told them na he is a very private man. Saka na lang sila tumigil nang hindi ko na sinagot at mga tanong nila.
Panira ng araw. Nakabusangot na ako hanggang mag-uwian. Magkikita pa kami ni Terrence. He'd done his part and I had to do my part.
"Hello, Macie."
All ears ang ngiti ni Terrence. Ngani ngani ko nang batukan! But I calmed myself. Kailangang ipakita ko na hindi ako apektado sa ginawa niya.
"Wala man lang congratulations message diyan?" kumindat pa sa akin. "Galing ko kaya. Hanga ka ba sa aking the moves?" Gumiling pa si Terrence sa harap ko.
"Tumigil ka nga!" angil ko sa kanya. Kahit ang totoo hanga ako sa galing niyang gumiling.
Nanatili akong seryoso. Binuklat ko ang mga pictures ni Hannah sa harap niya. I began observing her poise. Kung paano siya ngumiti sa kamera, 'yung mga emotions niya.
"Hmm..seryoso?"
"Ayaw mo 'nun? Mapapadali tayo. " sinungitan ko siya.
"Can you be ready by this Saturday night?"
Ilang araw ba mula ngayon, apat na araw. Hmmm.... sa mukha hindi naman kami nagkakalayo. Sa boses gayang gaya ko na at pati pananamit. "I can't be ready unless you start talking. I need few details about her, bakit siya nawala. Ano 'yung mga significant events sa buhay niya?"
Tumango tango si Terrence. He started telling Hannah's biography.
"She's not a direct kin of Donya Adelfa but her husband's. Bago pa man ikasal ang matatanda, Don Manolo had a daughter out of wedlock and Hannah is his grandchild to her. Pero kahit hindi kadugo, itinuring ni Donya Adelfa na tunay na apo si Hannah.
When she turned 18, nagkanobyo ito ng mahirap - si Diego Manansala - to which the old Madrigal vehemently disapproved. Ginawa niya ang lahat para mapaghiwalay ang dalawa. She threatened Hannah to disinherit her, pero Hannah didn't mind. She was so much in love to care for anything anymore. Umabot sa puntong ikinulong sa kuwarto si Hannah at hindi siya pwedeng lumabas ng walang kasamang bodyguard. Later we learned, grandmother arranged Hannah's marriage to John Montoya, the son on shipping magnate. She didn't oppose explicitly on the idea, 'yun pala buo na ang loob. On the night before the wedding, nakatakas si Hannah.
Since then, hindi na nakita pa ito. Despite hiring so many detectives to look for her, she just vanished untraceable. Days, months and years passed hanggang umabot sa limang taon, walang nangyari sa paghahanap sa kanya. Donya Adelfa regretted what she did to Hannah. Hindi nakayanan ng isip, isang araw nakatulala na lang. Hindi makausap, ni walang salitang namumutawi sa bibig. But that was miraculously changed when she saw you, thinking you were Hannah." pagtatapos ni Terrence.
Naawa ako kay Hannah. Mahirap din palang maging Madrigal. You're not free to love just anybody. Kailangan within the elite circle. Hindi ko masisisi si Hannah sa paglalayas. Pero sa tingin ko, hindi rin pwedeng sisihin si Donya Adelfa kasi she just wanted what she thought was best for Hannah. Haay buhay mayaman, it's complicated ang drama.
"Kumusta ang paghahanap niyo kay Hannah sa ngayon?" I asked him.
Terrence sighed. "I already hired a new set of detectives para i-trace kung nasaan si Hannah. Hopefully, may feedback sila within a month. Hindi ako pwedeng sumuko. Not now that my grandmother has been recovering. I mentioned her that in due time, magkakaharap sila ni Hannah."
Tumango-tango ako. "Could it be possible that she's dead?" Ay taklesa? Nagsisisi ako na tinanong ko pa ang bagay na 'yun.
"If that is the case, then you'll play Hannah as long as my grandmother is living."
Seryoso si Terrence noong sinabi niya 'yun. He acted like a caring grandson. May bahid ng lungkot sa mata nito. Sarap payapain. Ano daw? Saan naman nanggaling 'yun? Erase. Erase. Erase. I shook my head. Masyado akong affected sa emotion ng kaharap ko.
But on the lighter note, it would be favorable sa akin habang hindi pa nahahanap si Hannah. I felt guilty na it would be to my advantage. Imagine, I will be living like a princess. Pero sa isang banda, I felt sorry for Hannah. Kung nasaan man siya ngayon, sana masaya siya. Peksman! Seryoso! I wish her happiness.
_____________________________________________________________________________
A/N: What a chance for Macie! She has an opportunity of a lifetime pero at the expense of another. what do you think dear readers? please post your comments
BINABASA MO ANG
Cousin for HIRE
Romansa"Pretend to be my cousin, and anything under the heaven will be yours." Napanganga si Macie sa offer ng kaharap walang iba kung hindi si Terrence Madrigal - the heir of the Hotel Magnate. Nakahamba ang platinum visa card sa mukha niya. Only the ul...