"Oh! Mali! Ganito kasi sasabihin mo.."
"Ay oo nga pala nakalimutan ko! Hahahaha sorry sorry!"
Eto na nga, nagshu-shooting na kami para sa Film namin. Nakakaexcite naman talaga!
"Eriese, game na uy!" Eh yung mas excited pa yung mga kagrupo ko kesa sakin? Hahaha!
"Eto na eto na. Nath, ikaw muna mag-camera man, gaganap na ko dito sa scene na to eh." Pakiusap ko naman sa matalik kong kaibigan.
"Ay gaganap! Ang bongga mo naman! Hahahaha sige pano gagawin ko?" Etong best friend ko para talagang bakla! Ang lambot! Hahaha.
When I was Grade 7, siya yung naging first boyfriend ko. But I really didn't consider him as boyfriend kasi bata pa ako nun at nadala lang ako sa tukso ng mga kaklase ko pati na din ng pinsan na pinaka close ko.
Throwback
"Pwede ba manligaw, Eriese?" Gulat na sabi ko kay Jazz na pinsan ko.
"Oh my god! Sino yan Ris? Si Jonathan ba yan!" Grabe, sya pa ata talaga yung kinilig.
"Yap! Anong sasabihin ko? Omg! Jazz!" Talagang nalilito na ako! Alam kong bawal pa kasi ako magboyfriend. Sabi kasi ng mga magulang ko, magtapos daw muna ako.
"Sabihin mo Oo! Oo kamo! Oh my gosh kinikilig ako sainyo!" Nalilito talaga ako!
End of throwback
Dahil nga sa tukso at pagiging curious ko noon kung anong feeling na may boyfriend, sinagot ko agad sya nung araw na iyon.
Nagulat din ako sa response ko pero simula noong naging kami, at take note hindi kami close! Ewan ko ba kung anong pumasok sa kokote ko noon kung bat ako sumagot ng oo!
After a month din, nalaman ng mga magulang ko na may boyfriend nga ako kaya grounded ako for almost a month. At dahil don kinausap ko sya at nagpasya na maghiwalay kami at mag aral na lang dahil bata pa talaga kami. Hello! I was just 12 that time.
"Ganito oh." Sabay ko pinindot yung shutter ng camera. "Tapos i-pause mo na lang pag sinabi kong stop na ha?" Sunod ko pang sabi sakanya.
Grabe tong shooting na to! Nakakapagod talaga!
Pagkatapos ng ilan pang mga scene na natapos namin hindi ko namalayan yung oras.
"Ay tinapa! Cha! Alas-sais na oh!" Nakalimutan ko talaga! May Youth service pa pala at ngayong sabado yun! Argh! First time ko tong makalimutan!
"Hayaan mo na, next week na lang tayo pumunta. I-text na lang natin yung leader natin." Sabi naman sakin ni Cha.
Hay! Nakakainis bat ko yun nakalimutan? Mapapa-face palm ka na lang talaga eh.
"Tara na uwi na tayo didilim na oh!" Aya samin ng isa naming kaklase.
"Pahinga muna tayo. Nakakapagod kaya!" Reklamo naman ng isa pa.
Humiga na lang ako at tinext ko yung leader namin ni Cha. And yes, parehas kami ng leader.
Nagpalipas pa kami ng onting oras dun sa bahay ng tita ng kaklase ko. Wala kasi kaming mapag-shooting-an kasi sa subdivision namin medyo madaming tao kaya nakakahiya.
LORD. Pasensya na po talaga. Nakalimutan ko po na may Service ngayon.