Nag-iisa lang ako sa bahay, binabalot ng isang matinding katahimikan.
Umuulan sa labas tila walang masyadong tao ang naglalakad ngayon.
Natatakot ako hindi dahil sa kulog at kidlat. Kung hindi feeling ko, may kasama ako sa bahay.
Hindi, impossible naman. Wala silang Mama at Papa dito, pumunta sila sa palengke para mamalengke. Wala akong kapatid at mas lalaong wala kaming maid dito.
Pero bakit?
May naririnig ako. Hindi naman ako ang gumuwa sa mga tunog na iyon.
*FLUSH
Dahil sa kyuryosidad, pumunta ako sa lugar kung saan nanggaling yung flush. Binabalewala ang takot, nilalamon ang lahat ng konsensya ko upang matakot.
Sinunod ko yung ingay hanggang sa napapunta ako sa....
S-sa banyo...
Kahit takot na takot ako kung sino man ang nasa likod ng banyo, kumatok pa rin ako.
*Tok *Tok
Tumigil yung pag-flush. Huminto ang pag-ulan tila sinasadyo ito para lalamunin ang buong bahay ng isang malaking katahimikan.
Kumatok ako ulit.
*Tok *Tok
Pero wala pa rin.
Kumatok nanaman ako.
*Tok *Tok
Ilang segundong lumilipas at bigla akong nagulat.
Bumukas yung pinto at doon, nakita ko siya.
"SADAKU?!"
"Ineng, kung natatae ka, maghintay ka lang. Respeto naman sa nauuna oh. Distorbo ka naman tsk tsk." Pagleleksyon niya sa akin.
Amoy na amoy ko yung baho kaya napatakip ako sa ilong ko.
"Ano ba naman iyan! Paano ka nakasulod sa pamamahay ko?!" Galit kong sabi.
"Lumabas ako galing sa T.V, natatae ako kay nakigamit ako ng banyo. Sensya na, hindi na keri ng tiyan ko yung sakit. Hehe."
At doon, doon nagsimula.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Ang paglinis sa napakabahong banyo.

BINABASA MO ANG
The Girl in the bathroom
Mystery / ThrillerYou will never expect the unexpected. Maraming masamang bagay ang nangyayari sa mall, sa park o kahit sa gilid ng daan. Paano na kaya kung ang worst case scenario... ay nangyayari sa banyo mismo?