TANGA.

69 4 5
                                    

Marahil halos lahat sa atin, naranasan na ang pag-ibig. Ngunit sa pag-ikot ng mundo, kasabay rin nito ang pagbabago at pag-alis ng tao. Sa bawat pag-agos ng ilog, may mga damdamin na nakatago. Sa bawat batong nakakalat sa daan, may taong nagdurusa at nasasaktan...

Ganito ba ang buhay? Marahil, siguro, ewan. Pero hindi nakabase ang buhay sa kung ilang beses kang nadapa. Ngunit ito ay kung paano ka natutong bumangon, tumayo at harapin ang mga pagsubok.

Hindi ito test na may review. Hindi ito yung makikinig ka lang, nakaupo, at may taong handang ituro sayo ang lahat. Sa buhay, dapat matuto kang lumaban, nang mag-isa. Dahil dito, sinusukat ay kung ano ang iyong natutunan at kung paano mo gagamitin ang iyong mga nalaman base sa nakaraan. Bawat desisyon kailangan pag-isipan, kasi dito walang rewind, replay. Maaaring may play, maaaring may continue, pero wala namang pause. Lalaban ka, matututo ka, at magiging mas matatag para sa hinaharap.

---*

Sabi nila, masarap mainlove. Siguro nga tama.

Yung tipong gigising ka nang naka-ngiti sa bawat umaga, yung alam mong masaya ka at kuntento ka dahil sa pagmamahal nya, yung kahit sa simpleng pag-ngiti nya pakiramdam mo kumpleto na ang bawat butas sa mundo mo. Masarap magmahal hindi ba? Kasi alam mong may taong nakaalalay sayo, sa bawat pagbagsak ng pag-asa mo.

Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ganito..

May puntong sa una masaya, pero sa huli masakit na. Akala mo siya na, pero dadaan lang pala siya. Akala mo kayo na talaga yung tatandang magkasama, pero mali ka pala. Dahil yun pala, dumating lang siya para matuto ka.

Sa pag-iyak mo, bawat luha, naghihintay sa pagbalik nya. Kahit alam mong imposible na, umaasa kapa rin sa kanya. Masakit diba? Yung ikaw minamahal mo parin sya, kahit siya masaya na sa piling ng iba. Tanga ba?  Hindi. Kapag nagmahal ka, hahamakin mo ang lahat para sa kanya. Kasi mahal mo siya.

Pero siya, ano ka pa ba para sa kanya? May halaga ka pa ba, o parang bula naring naglaho na?

Isang simpleng tao lang ako noon. Masaya sa pamilya, kaibigan ang madalas kasama. Sa kanila lang nakatuon ang lahat ng pansin ko.

Pero nagbago ang lahat nang makilala ko siya.

Parehas kaming bago nung time na yun sa school na pinapasukan namin. Kahit bago, marami parin naman na nakipagkaibigan at tinuring akong parang matagal na nilang kakilala. Masaya. Dahil alam mong tanggap kanila.

Lumipas ang mga araw, naging ka-group kita. Napadalas na nagkakasama tayo dahil sa mga pinapagawa ng mga teachers at dun ko lang nalaman na gusto mo na pala ko unang araw palang. Mabilis, hindi ko alam ang dahilan kung bat ako pa. Pero gumaan narin ang loob ko sayo... at dun ka na nga nagsimulang manligaw.

Sa una, masaya. Kinikilala pa ang isa't isa. Ganun pala ang pakiramdam? Nasabi ko nalang na ang swerte ko kasi meron akong katulad mo.

Nahulog ang loob ko, sinambit ko na na ang matagal mo nang hinihintay na "oo"

Akala ko tama ang desisyon ko..

"I love you, todo mga forever."

"No break-up"

"Wag kana magselos, ikaw lang naman eh"

"I love you more than you love me"

Naaalala ko lahat ng yan, mga katagang sinabi mo, nung akin kapa. Pitong buwan na tayong hiwalay, pero ako nakakulong parin sa pag-asa na baka pwedeng maibalik pa. Naghiwalay tayo matapos ang monthsary natin. Kasalanan ko bang magselos? Pinagsisisihan ko na yun. Pero alam mo ba kung ano ang pinaka-pinagsisisihan ko? Nung hinayaan kong mawala ka sa buhay dahil lang sa simpleng tanong na "Ayaw mo naba?" na sinabi ko.

Hanggang ngayon, nananatili kapa rin dito sa puso ko. I want to forget you, but I know my heart wont let me. Alam kong kaya kong kalimutan ka. Pero ..

AYOKO.

Pano kung mahal mo parin pala ko? Ayokong sumuko, ayokong bumitaw. Ayokong maglet-go. Diba sabi mo forever? Maghihintay ako.

Kahit gano katagal, kahit gano kasakit. Basta, maghihintay ako hanggang sa panahon na makalimutan mo na siya at maalala mong nandito parin ako, minamahal ka..

Siguro sadyang ganun.

"If love comes, you are willing to do STUPID things even be a stupid."

How I wish I could turn back time, though, I know I can't.

How can you fight for someone kung alam mong may iba narin ciang pinaglalaban? How can you resist na masaktan dahil sa kanya kahit alam mong wala kang halaga? Pano mo kinakayang magpaka-tanga para lang sa isang taong binabalewala ka?

Simple lang, DAHIL MAHAL KO SIYA.

Hindi nman ako ganito dati. Hindi ako iyakin. Pero ngayon, nagbago.

Konting bagay lang na marinig ko tungkol sa kanya, tutulo agad ang luha ko. Bakit ba kasi ansakit?!

Alam kong walang ibang makakatulong sakin, kundi ang sarili ko. Pinipilit kong kayanin. Pero kahit anong gawin ko, nagiging mahina ako pagdating sa kanya.

Ayokong maging problema.

Ayokong maging panggulo.

Ayoko pero ginagawa ko. Kahit alam kong masaya na siya dun sa bago niya. Pero bat pa ko nakikigulo ?!

Ikaw mahal mo siya , ako mahal kita.

Ikaw nasasaktan , ako nasasaktan.

Ikaw dahil sa kanya , at ako dahil sayo :(

 Ano kayang magiging takbo ng buhay ko kung di kita nakilala?

Masaya kaya dahil di ako nasasaktan?

O malungkot dahil di ko pa naranasang magmahal?

Di naman siguro lahat ng nagmamahal ganito nararanasan. Pwede rin naman cgurong maging ''Happily Ever After'' ang akala nating only a ''Once Upon a time"

All we just need to do is wait. That someday, someone will love you the way you deserved to be treated.

- END~

♡♥ chesca008/SupermanSpongebob♡♥

3.10.14 (1:06am)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TANGA.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon