Dear Mom..
Copyright © 2013 ShflyMonster. All rights reserved.
_________________________________________________
"ma, pupunta ako sa audition next week ha?" sabi ko kay mama ng may ngiti sa labi.
"hindi pede.." sagot nya sakin habang inaayos yung mga damit nya sa closet.
"pero, ma! bakit hindi? magaling naman po ako kumanta eh! diba pangarap ko naman po to eh.." pagkasabi ko nun ay tumayo ako sa pagkakaupo ko sa kama.
"mamaya eh scam yan, di mo naman kilala yang bandang iyan. hindi nga sila sikat eh." sabi nya ng hindi natingin sakin.
"ma! makikilala ko din naman sila eh, ganyan ka ba kabitter ma?? ma naman, kung ayaw mong tulungan akong maabot yung mga pangarap ko.. eh di wag!" padabog akong umalis sa kwarto nya. masyado namang grabe yun, lagi nalang bawal.
wala bang tiwala sakin ang mama ko? magaling naman akong kumanta, nananalo naman ako sa competitions sa school, pero ni hindi ko nakitang sinuportahan nya ko.. lagi nalang siyang busy sa business simula nung iwan kami ni papa.
_________________________________________________
"shin hae! ano mag auaudition ka ba talaga jan? pumayag si tita?" tanong sakin ng kaibigan ko si mika.
"oo naman, bakit hindi sayang tong opportunity na to! bakit ba ang dami mong tanong tara na nga lang!" sabi ko sakanya sabay lakad papasok dun sa undergroud studio.
"shin.. sigurado ka ba? nakakatakot kasi eh. baka kasi manloloko yung mga yun."
"mika, ano ba problema? okay naman yung offer diba? sasamahan mo ba ko or tatayo ka lang jan?" sabi ko at tinaasan ko lang siya ng kilay..
sumunod din naman agad siya sakin.
_________________________________________________
"manong, dito daw po yung audition para sa bandang [R]ated?" tanong namin sa kuyang nagwawalis dun dahil siya lang ang tao sa underground studio.
"ay iha, yung rated ba? wala na sila dito.." sabi nung matandang lalaki.
"ha? bakit ho??" gulat naming tanong ni mika.
"nahuli sila ng mga pulis, mga basagulero yung mga yun iha, sila ang nag simula ng riot noong isang linggo dito.." nagulat kaming parehas sa sinabi nung matanda..
nagsimula na kaming mag lakad palayo ni mika pagkatapos namin magpasalamat sa matandang lalaki..
"nakakalungkot.." sabi ko, sayang. eh di sana vocalist na ko ng banda ngayon.
"buti nalang at hindi ka pa nagiging part ng banda nila shin! kung hindi naku mapapahamak ka" sabi ni mika saku\in, may punto siya..
_________________________________________________
"kumain ka na ba? kamusta ang audition? natanggap ka ba anak?" sunud sunod na tanong sakin ni mama pag kauwi ko.
"bakit ba ang dami mong tanong ma? akala ko ba ayaw mo ko mag audition? wala hindi ako natanggap at hindi ako nakapag audition, happy now?" sabi ko sakanya sabay irap.
simula talaga bata pa ako, malayo na ang loob ko kay mama. katulong lang ang kasama ko dati, pero ngayon sinisiksik nya pa ang sarili nya sakin.
"ay teka... ma, ba't di nalang tayo pumunta ng korea? di ba dun naman pinanganak si papa?" sabi ko sakanya. oo, half korean half filipina ako.