TFHAF 17 - Hwaiting
Marseille's POV
Lumipas ang isang linggo at hindi ako tinantanan ng bashers, mapaonline man o personal.
Lagi na tuloy nakabantay sa aking ang mga kaibigan ko at ang EXO, maliban kay Myeon.
He's out of the country for something that's beyond our knowledge. Kadalasan ay third wheel tuloy ako o di kaya ay sumasama kay Senon.
"Let's go home, Seille." kinuha ni Senon ang aking bag at iginiya ako papasok sa kotse niya.
"Look girl, porke wala si Suho, yung pinsan ang nilalandi." napalingon ako sa dalawang babaeng dumaan.
Nakatitig sila sa akin na para bang isa akong basurang nakakapandiri.
"Hindi naman kagandahan pero napaka....." hindi ko na narinig ang sinabi ng isa dahil tinakpan ni Senon ang dalawa kong tenga.
"Hindi importante ang sasabihin ng iba, mas mahalaga ay kung ano ang tingin mo sa iyong sarili." binulong niya iyon sa akin.
Nakahinga ako ng maluwag, akala ko'y iiyak na naman ako sa harap niya at ang susunod ay aawatin niya ang mga taong humuhusga sa akin. Mabuti na lamang at nakuha siya sa pakiusap kong wag na lamang pumatol sa kanila.
Nangingilid ang mga luha ko ng maglakad papasok sa front seat ng kotse niya. Nakatakip pa rin ang aking tenga.
"Thank you for doing these, Senon." litanya ko ng makapasok rin siya sa kotse.
Ang bait niya talaga.
"I'm staying by your side not because of Suho-hyung, but because I wanted to." sagot niya at tumango ako.
Kung noon ay ang pagkakaparehas lamang nila ang nakikita ko, iba na ngayon. Myeon is the jolly one while Senon is the serious one. Clingy si Myeon pero si Senon ay hindi gaano.
Just this feeling is bothering me, mas comfortable ako sa company ni Senon. Na tila ba kaya kong ipakita sa kanya ang side kong mahina at wasak.
Nahihiya ako kay Myeon na magpakita ng ganito ang sitwasyon ko.
"Don't give too much Seille. Baka masaktan ka lang. Oh mali pala, baka mas lalo ka lang masaktan." napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Anong ibig mong sabihin?" mula sa streetlights na tinitingnan ko sa labas ay bumaling ako sa kanya.
Seryoso siyang nakatingin sa daang tinatahak namin.
Nagkibit balikat muna siya bago magsalita.
"You don't really know him at all. Ang alam ko, bago sila umalis ng Korea ay may nililigawan siya." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
Stalker ako ni Myeon pero kailanman ay hindi ko nabalitaang may nililigawan siya o dinedate man lang.
"Ser.....yoso ka ba dyan?" tanong ko at tumango siya.
BINABASA MO ANG
The Fangirl Has a Fanboy
HumorSpazzer Series 1 Imagine you're a fangirl but someone is secretly spazzing about you. What would you do if you'll meet your fanboy? The Fangirl Has a Fanboy: © QueenPastel, ALL RIGHTS RESERVED (2015) Status: Completed