Hindi ako makapag-focus sa laro namin. Kainis naman kasi si Darlene eh..... Sinabi nang maggawa sya ng banner...... Kapani-paniwala naman yung sabi ko sa kanya na gusto ko ng banner eh. Haaaay!!! Kanina pa tuloy kaming tambak..... Kainis! Badtrip naman o!
"Hoy, Jico! Ano bang nangyayari sa'yo? Lagi na lang palya ang bawat tira mo." Hindi ko na lang pinansin yung sabi nung ka-teammate ko, totoo naman eh.
"Jico, focus ka lang, okay...", narinig kong sabi ni Lance sa akin. Ngumiti na lang ako para 'di masyado mahalata na bad mood ako. Umasa kasi ako na darating sya at hanggang ngayon naasa pa rin ako na darating nga sya. Pero nasaan na siya?
Parami na ng parami ang tao na nanonood sa amin. Pero wala pa rin yung taong gusto kong makita.
Second quarter na ng game pero wala pa rin siya. Ganon ba talaga ako kawalang kwenta sa kanya? Si Lance pa rin ata ang gusto niya eh. Haaaaaay.... Kung hindi lang talaga, naku baka matagal ko ng napagsusuntok yang si Lance. Kaya lang I want to play fair. Gusto ko patas ang laban. At higit sa lahat, ayaw kong madaliin si Darlene. Alam ko naman na yung puso niya ay kay Lance pa rin eh. Pero itong gag*ng Lance na ito eh sinugatan lang ang puso ng pinakamamahal ko (yuck.... Corny na ba masyado?). Masasabi ko na sanang lamang ako pagdating kay Lance (kapal!) kasi nga ako, mahal si Darlene. Samantalang si Lance, hindi niya gusto ni hindi mahal si Darlene, may iba siyang kinababaliwan eh. G*go talaga!
Natauhan na lang ako dahil lalong palakas ng palakas ang hiyawan at sigawan ng mga tao.
Dug. Dug. Dug. Dug.
Nakita ko si Darlene kasama si Alyza. Tinupad niya. Pero nasaan yung banner? Ang bata ko talaga mag-isip. Haaaay... Okay lang yan... Presence lang niya okay na ako.
Pero, nagkakamali ba ako ng kita? Kasi may inilalabas sya na parang illustration board. Tapos.... Nagkakamali lang ba ako ng kinig? Kasi sinasabi nya eh....."I love you, Jico!" Hahahaa! Joke lang! Pero di nga? Sinasabi niya kasi eh.... "Go Jico!" with matching palakpak pa yan ha.
Napangiti na lang ako. Ginanahan na tuloy akong maglaro. Kaya naman nakahabol kami. At syempre, nanalo kami. Yoooohoooooo!!!
Salamat sa Darlene ko! (ayiiieeee....kilig naman kayo!) :)))
Pagkatapos na pagkatapos ng game, pumunta agad ako sa pwesto nina Darlene. Nakita ko na siya. Kumaway siya. Ngumiti siya. Sa akin. Syempre, kumaway ako. Ngumiti ako. Sa kanya.
"Oyyy! Galing mo ah!" -Darlene
"Ah sige, alis muna ako ha? Usap muna kayo." -Alyza
Nakita kong tumango si Darlene. Ang bait talaga ng bestfriend nya.
"O..." Inabutan ako ng tubig ni Darlene. Ang sweet ha. First time yan sa kanya.
"Salamat. Ano'ng meron?" Sabi ko sa kanya.
"Wala. Ayaw mo? Oh sige akin na yan." sabay hablot nya sa tubig na bigay niya sa akin.
"Eto naman.... Di na mabiro eh. Syempre joke lang. Haha!" Tapos natawa naman ako. Tiningnan naman nya ako ng tingin na parang lalamunin nya ako ng buhay....
Bumulong ako: "Kung tinototoo mo na lang yung pagkain(pagkain--verb....hindi noun) mo sa akin eh..."
"Ano yun?" pagalit na sabi nya sa akin.
"Wala."
"Eh? May sinasabi ka eh!" sumigaw na siya tapos tinaasan nya ako ng kilay.... Haha! Dyan ako nain-lababo sa kanya eh. Haha! Sa pagtaas-taas niya ng kilay niya. Ang cuuuuuute, cuuuuuuute kaya!
"Wala nga po, boss."
"Weh? Hambalusin kita dyan eh!" haha! Yan! Yan pa ang isang nagustuhan ko sa kanya. Ang weird ko 'no?
"Wag naman... 'Di pa kita napapasagot eh." hala! Ang daldal ko masyado...
Si Darlene: *blush* *blush*
"Hahahahaha!" -ako
"Ano na naman? Anong tatawa-tawa mo dyan?" ayan na naman sya....ang sungit.....pero love ko naman....ayiiiieee.... Yan ha! Nakita nyo tuloy yung isang part ng pagkatao ko.... Nababakla kasi ako pag kay Darlene... Haha! Joke! Pero basta, nagiging cheesy at corny ako pag kasama ko siya...
"Ang ganda mo kasi..."
"Hala! Bola!"
"Bola??? Hmmm.... Bola ka ba?" natanong ko sa kanya. Wala lang...
"Bakit naman?" with matching taas ulit ng kilay nya! How cute! Hay! Yan na naman ako! Nalabas ang aking other side... The gay me....pero pag kay Darlene lang naman. Hehe!
"Kasi....alam mo yun....pinaglalaruan mo ata ako eh..." haha! Oooopsss..... Joke yun pero na-missundertood nya ata...
"..........."
"Hala, natahimik! Oy! Joke lang yun... Haha!" hala! Galit ata?
"Hoy! Ikaw Jico!" lumapit sya sa akin sabay pingot sa tenga ko... "Ikaw! Napaka mo talaga! Hindi yun magandang joke!" sabay pingot ulit sa tenga ko.
"Aray.... Ikaw ha!" tumingin ako sa kanya. Napatingin din siya. Alam niya ang nasa isip ko kaya tumakbo siya palayo sa akin...
Haha! Tumakbo ako palapit sa kanya....at nang maabutan ko siya.....
"Jico! Hahahaha!!!"
"Hala! Baliw lang?!!"
"Hahahahahaha! Jicooooooo!!! Kili-kili ko! Hahahahahahaha!!!" haha! Napahiga na nga siya sa upuan sa upuan eh.
aha! Tama kayo! Kinikiliti ko sa kili-kili niya. Haha! Ang lakas ng kiliti ah!
"Jicooooooo!!! Hahahahahahaha!!!" sinabunutan naman ako ni Darlene. Ayos lang. Haha! Mahal ko naman eh!
"Ang bango naman ng kili-kili ni baby kooooo...." sabi ko.
"Jicoooooooo!!! Human---da ka---sa---kin... Hahahahaha!" natawa kasi siya kaya paputol-putol yung sinasabi....
*BOOGSH*
hala! Napatigil ako sa pagkiliti sa kanya... Pati rin siya ay napatigil sa pagtawa...
BINABASA MO ANG
In Love Ako Kay Dota Boy!
Ficção AdolescenteHindi ko ine-expect na mai-inlove ako sa kanya. Bigla ko na lang namalayan na gusto ko na siya. Hindi ako sanay sa nararamdamang ito eh. Ngayon lang talaga. 'Di naman siya masyado KAGWAPUHAN. Pero meron talagang kakaiba sa kanya. 'Di ko alam kung an...