Tapos na ang Division Meet. Hay... I won't forget that day.... November 7, 2014... Napakasaya kasi nung araw na yun eh. Alam nyo na kung bakit! Haha! Hay... Ang bilis no? Parang kelan lang eh June pa lang. At ang petsa ngayon? November 10 na! Kaya lang Monday na naman... At simula ngayon, tuwing after classes sa hapon, lagi na kaming may training ng journalism. Sa December 11 na kasi ang DSPC (Division Schools Press Conference. Sa mga 'di nakakaalam kung ano po yun.... Yun yung maglalaban-laban sa iba't-ibang category kagaya ng Sports writing, feature writing, editorial writing, etc. yung mga students sa isang particular na division.) 'Di ba nakwento ko na na kasali si Lance---chuchuchu----si 'ano'...basta...alam nyo na yun... Eh di ibig sabihin makakahalubilo ko siya? 'Di ba? I'm moving on here kaya, then suddenly makakasama ko siya ng halos 3 weeks dahil sa training. Hay..... Siguro dapat umiwas na lang ako...
"Bessie.... Bilisan mong maligo!" sabi sa akin ni Alyza. Sorry naman ha, mabagal lang talaga akong maligo.
"5 minutes!" sigaw ko naman sa kanya.
Pagkatapos kong maligo, nakita ko ng naka-uniform na si bessie. Ang daya! Kaya naman pala pinagmamadali na ako eh. Bilis-bilis akong naglakad papuntang kwarto ko para magbihis ng aking uniform.
"Bess! Tara na!" sigaw ko kay Alyza. Hehe! Puro sigawan ata kami ngayong umaga ah! Monday kasi kaya wag kayong magtaka. Mahirap talaga akong gisingin pag ganitong araw. Hihi! :)))
"Huy, andyan na sya. Tago ka, dali." May pabulong-bulong pa na nalalaman si bessie eh kinig ko naman. Eh sino naman kaya ang binubulungan ni bess?
Bumaba na ako galing kwarto ko at nakita ko siya na nakangiti.
"Hehe! Tara na!" Super lapad talaga ng ngiti nito. ^__________^
"What's with the smile, bess?" sabi ko sa aking oh-so-pretty na bestfriend. (weh? di nga? XD)
"Ihhhhh.... *hampas* Kaseeeee..... *hampas* Ihhhh...." KINIKILIG?
"Bess, may problema ka ba? Si Paul ba? Si Paul nga ba? Akala ko ba magmo-move on ka na? Don't tell me inagaw mo sya kay Andrea? Ang bad mo naman!" sabi ko ng dire-diretso. OA na kung OA!
"*pitik sa noo* Sira! Hindi no! Paul Paul ka dyan! Yan tuloy, nasaPAUL kita sa noo!" eh?
"Joke yun? Pffff.... Hahahaha!" Okay... Natawa ako dun! Hahaha!
"Sira ka talaga! Eto na nga. May tao sa sala kaya puntahan mo na. Kanina pa yung 6. Sabay daw kayong pumasok ngayon. I mean tayo-tayo pala. Sige na, epal na kung epal ang kalalabasan ko. Haha!"
"Sino naman yun?" nagtataka kong tanong sa kanya.
"Ba't 'di mo kaya puntahan sa sala, 'di ba?" o?
"Sabi ko nga eh pupunta na! Hahaha! NasaPAUL tuloy ako sa noo! Hahaha! Bitter!" sabi ko sa kanya. Pero, uh-oh, wrong move.....
"Bitter, bitter! Nagsabi ang hindi bitter! Si ano nga yun...... *nag-isip* ohhh....si La-la-la-la-nnnnnn"
"Magtigil ka!" tinakot ko na siya baka kung ano pang lumabas na pangalan sa bibig niya. Isinusuka ko na ang pangalan ng taong yun!
"Chill lang, bess.... Joke! Hehe! Peace!" ^_____^v
"Peace, peace ka dyan! Che!" umalis na ako't lahat at nagpunta na sa sala eh tawa naman siya ng tawa. Arrrggghhhh!
Pero mas ikinagulat ko ng madatnan ko si Jico sa sala. Eh 'di siya yung tinutukoy ni bess. Kanina pa kaya siya? *tingin sa wall clock* Aba! 6:45 na ah. Ibig sabihin 45 minutes na syang naghihintay?
"Dar-Dar!" huh?
"Dar-Dar? Hoy, Mendez! Ang pangalan ko ay Darlene. Darlene, okay? Sino naman si Dar-Dar?" nagtataka kong tanong sa kanya.
"Ikaw." simpleng tugon ni Jico sa tanong ko.
"Me? As in M-E?" pano naging ako yun?
"'Di ba ang pangalan mo ay Darlene?" tumango naman ako.. "Kinuha ko yung Dar-Dar sa name mo."
"Ahhhh...." sagot ko na parang aba-oo-nga-naman.
"Basta yun na ang tawag ko sa'yo, ha?" Aba! Todo ngiti si Jico ha! Pati tuloy ako napapangiti!
Napaisip naman ako... Kung siya may nickname na binigay sa akin....so dapat....meron din ako para sa kanya! Hehe! Nakaisip ako ng bright idea! TING! Hihihi!
"Jico, 'di naman ata pwede na ikaw lang ang may bagong name para sa akin. So, naisip ko na dapat ako rin ay meron sa'yong itatawag..." hihi! Saya kooooo!!! :))))
"Ah, okay! :D" ang hyper naman niya ngayon!
"Jico.....hmm...ano kayang pwede? *isip*"
Siya---- ^_______^
Ako---- (-.-)\ <kunyari nag-iisip. XD>
TING!
"Jic-Jic!" natutuwang sabi ko sa kanya. Haha! Katuwa naman. Ako si Dar-Dar. Siya si Jic-Jic. Ganda no? Haha!
"Hoy, love birds! Late na tayo!" Besssssssss!!!!
"Bessssss! Humanda ka sa akin!" nag-aalburoto na ako! WTH! Love birds???!!!
"Hehe! Una na ako!" sabi ni bess sabay takbo. Uggghhhh!!!
"Lakas ng tama ng bestfriend mo. Haha! Akina yung bag mo. Late na tyo." Sabi ni Jico.
"Ha?" bag ko?
"Sabi ko po yung bag niyo po. Ako na po ang magdadala. Tara na po, late na po tayo."
"Bakit may pa-po-po ka pa dyan? Tsss..." kainis kasi eh! 'Di naman ako matanda para i-po niya.
"Meron ka?" tanong ni Jico.
"Ano'ng meron?" tanong ko sa kanya kasi 'di ko naman talaga alam ang sinasabi niya na kung meron daw ako....ng ano?
"Kung meron ka? Kasi ang taray mo."
"Ahhh.." saka nag-sink in sa utak ko... "Ano'ng sabi mo????!!!!" nanggigilaiti na ako sa galit!
"Chillax..." sabay bulong.... "meron talaga itong si Dar-Dar"
"Kinig ko yun!!!" bubulong-bulong, ang lakas naman. Bumulong pa sya. Psshh..
"O? Tara na nga!"
Napagdesisyunan kong wala na lang sabihin pa sa kanya. In short, tumigil na ako, kami, sa pagsasalita about sa topic namin kanina. Eh pano ba niya nalaman na meron talaga ako? Aish! Halata ba? Masungit ba ako ngayon?
Nakarating kami sa school. Late na nga kami ng 5 minutes eh.
"Pa'no na? Sarado na ang gate o." sabi ko. Di na ako masyadong inis kasi parang asaran na rin namin yun. Haha!
"Hala! Oo nga." sabi niya.
Heto ako, natahimik dahil nag-iisip ng paraan kung paano kami makakapasok ng gate na hindi kami nasisita ng guard. Pauli-uli ako sa harap ni Jico kasi nga nag-iisip ako ng paraan. Hmmm...
"Dar-Dar, nahihilo ako sa'yo." wow! Ang magaling na si Jico, hindi man lang ako tinutulungan mag-isip, nakatunganga lang siya sa akin.
"Jic-Jic, ano ka ba? Nag-iisip ako ng paraan para makapasok sa loob ng hindi nasisita, okay? Try mo kayang tulungan ako sa pag-iisip, 'di ba?" sabi ko.
Ilang segundo lang ang nakalipas eh nagsalita ulit si Jic-Jic. (kina-career ang pagtawag talaga, 'te? XD)
"Dito ka Dar-Dar!" pumunta naman ako sa tabi niya. "Kita mo yung punong yun?" 'malamang may mata ako eh'. Sa halip na sabihin ko yun, tumango na lang ako. "Okay! Aakyatin natin yun! Hehe!"
"Weh? Seryoso?" tumango siya. "Baka malaglag tayo dun. Gusto ko pa mabuhay dito sa mundong ibabaw!" sabi ko. Seryoso ako, okay?!
"Seryoso ako. At tsaka ang OA ha! Hindi ka malalaglag, okay?! Kapag nahulog ka, andito lang ako para sumalo sa'yo ha?" ano yun? Double meaning yun ah! Gets nyo?
"Okay..." may tiwala naman ako sa kanya eh. :))) pero promise, nate-tense akooooo! "I trust you.... Catch me when I fall...."
BINABASA MO ANG
In Love Ako Kay Dota Boy!
Novela JuvenilHindi ko ine-expect na mai-inlove ako sa kanya. Bigla ko na lang namalayan na gusto ko na siya. Hindi ako sanay sa nararamdamang ito eh. Ngayon lang talaga. 'Di naman siya masyado KAGWAPUHAN. Pero meron talagang kakaiba sa kanya. 'Di ko alam kung an...