CHAPTER 17: Truth or Dare

157 3 3
                                    

Matapos ang eksena namin sa pag-akyat sa puno eh mabuti naman at nakapunta na kami sa aming classroom. Haha! Kaklase ko si Jico, Alyza, Andrea, Paul at Erika! Yup! Magkakaklase kami kung hindi pa nababanggit ng author. Haha!

Anyway, late na kami ni Jico kaya yung sa likod na lang na dalawang upuan ang available. Kaya dun kami. Ang hirap nga lang kasi hindi ko masyado makinig yung dini-discuss ng teacher namin. Math pa naman!

"Dar-Dar.... Kinig mo?" sabi ni Jic-Jic(kinareer talaga ang Jic-Jic eh! XD) nung napansin niya na parang hindi ako mapakali sa aking upuan.

"Hindi eh. Hehe...."

"Hayaan mo mamaya tuturuan kita..." kung mapapansin nyo, nagbubulangan lang talaga kami. Mahirap na, baka mahuli kami ng teacher namin na nag-uusap at baka mapalabas kami ng tuluyan.

"Ah sige. Si Mr. Mathematician ka nga pala...." Tama kayo. Magaling yang si Jico sa Math. 'Di lang pala magaling, as in super duper galing niya sa Math kahit medyo maingay siya sa klase.

"Hindi naman...." pa-humble pa... If I know, nagsisipalakpak na ang tenga niyan dahil sa papuri ko sa kanya.

Bumulong ulit ako... "Siguro sa dota kaya ka laging panalo kasi may mga equation at formula kang ginagamit dun no?" seryoso ako ha! Baka nga meron??...

"Ako pa..... Galing-galing ko dun....." may pagmamalaki pa niyang sabi sa akin.

"Ikaw talaga, Dota Boy......" pang-aasar ko pa sa kanya.

"Dota Boy ka dyan.... Hindi pa naman ako adik dun no....." deny-deny pa! Hmmmpph!

"Asa! Dota Boy! Hahahaha! Bleh!" binelatan ko nga.

"Ms. Valdez! What are you babbling about?" Oh no! Napalakas pala ang boses ko.

"Uhmm...." 'si Jico po eh....' gusto ko sanang sabihin kay sir kaya lang tumingin ako kay Jico.

Binelatan ako ni Jico. Aba! Gumanti pa! Higitin ko ang dila niya eh!

"And also you Mr. Mendez!"

Bleh! Haha!

"Sorry, sir." sabi ni Jico... Ano, pahiya ka din! Haha!

Kung dati kapag napapagalitan ako, mangiyak-ngiyak na ako. Pero ngayon, ang saya ko ata. Haha! May kasama ako na napagalitan eh. Hihihi!

Nakalipas ang isang oras.... Buti na lang may 10-minute-break pagkakatapos ng isang subject. Kaya eto, parang mga nakawala sa kanilang kural yung mga kaklase ko. May mga nagpapalipad ng papel na airplane, may mga 'nag-nananay tatay', may mga 'nag-a-appear disappear', may mga 'nag-wa-once upon a time', may mga 'nag-s-spin the bottle' at may mga nagliligawan.... Haha! Ano ba yan? Kung ako sa kanila, mas susundin ko yung traditional way ng panliligaw. Dapat sa bahay. Kasi para sa akin mas sincere ang isang lalaki sa babae pag ganun.

"Bess! Sali ka dali!" sigaw ni Alyza sa akin.

"Ayaw!" sabi ko sa kanya. Wala ako sa mood eh.

"Hala ka bess! Napaka KJ mo talaga!"

"Bess, ayaw ko..."

"Dali na! Enjoy 'to, promise!" tumayo si bess at hinila ako papunta sa kanila.

"Tingnan mo 'tong si Jico o, hindi KJ!"

"Sige na nga.... Ano pa nga bang magagawa ko? Malakas ka bess sa'kin eh!" sabay ngiti ko kay bess.

"Game!" sabi nung mga kaklase kong kasali sa laro.

Teka kanina pa ako nandito pero 'di ko alam kung anong laro ito.

"Spin the bottle na! Yeeeey!" sabi ni Jico na parang bata. 'Ohhhh..... Yun pala yung game,' nasabi na lang ng utak ko.

In Love Ako Kay Dota Boy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon