Keegan's POV
Boys lumapit kayo dito sakin, tandaan niyo ah, unti-unti nang lumalaki yung fandom niyo, sobrang dami nang nagmamahal sa inyo, that's why I want you do to your best always, especially this night, di lang mga armys yung manonood sa inyo, even your schoolmates, make them proud, love and enjoy your performance, I trust all of you, fighting!
Ayan yung sinabi ni Manager samin kanina bago niya kami iniwan dito sa backstage, kailangan niya kasing pumunta ng Korea ngayon kasi pinatawag siya sa bighit, emergency daw kaya kailangan niya muna kaming iwan.
Mga ilang minuto na lang siguro, magsstart na, actually dapat kanina pa, kaso wala pa dito yung exo at si Grayson sunbae-nim ng bigbang, natraffic daw kasi, tapos si Grayson sunbae-nim naman may dinaanan pa daw, kaya hinihintay muna sila, they are also one of the awaited performer kaya importante talaga sila.
Bakit ba ang tagal nila? Kanina pa umaapaw yung excitement ng mga tao oh Quinn said habang nakasilip sa may entrance, sinamahan niya muna kami dito sa backstage habang di pa nagsisimula, para daw may mag-aasikaso samin since wala daw yung manager namin dito. Okay lang naman samin yun atleast may magiging taga-saway samin.
Kanina pa nga yang naiistress sa kakulitan nila Rocco hyung, kung si Diem siguro yan baka nakisali pa siya sa kakulitan nila Rocco hyung at baka isa rin siya sa sasawayin nila Titus hyung.
Napangiti naman agad ako dahil sa iniisip ko habang di ko namamalayang na kay Quinn pa rin yung paningin ko.
Hoy Keegan bakit nakangiti ka diyan habang nakatingin kay Quinn, baka kung ano na yang iniisip mo ah, di ka naman siguro inlove na diyan sa bestfriend mo sigaw ni Rocco hyung, kaya napatingin naman silang lahat sakin including Quinn.
Nginitian ko naman siya at tumingin din sa mga taong nagaabang na sa labas.
Sana nga ikaw na lang ang minahal ko, di ko sana nararamdaman tong sakit na to.
May naisip lang ako hyung, nagkataon lang na napatingin ako kay Quinn, mga imagination mo talaga kung saan-saan nakakarating eh sagot ko tsaka ko nilipat sa kanya yung paningin ko, ngumisi naman siya tsaka umiling na lang.
Ganun? Oh sige kunyari na lang naniniwala ako, hoy Harley pahingi ako niyan aba, ikaw lang ang nagpapakabuhay satin ah, nandito rin kami, ikaw lang ngumunguya satin dito oh, bahala ka baka mawala na naman yang pinagmamayabang mong abs baling niya kay Harley na kumakain dun ng nachos na binigay ni Quinn kanina, nasa tabi siya ni Rush na wala na namang pakielam sa paligid niya, nagawa pang magheadset kahit sobrang ingay ng mga nagfafanchant sa labas.
Dami mo na agad nasabi Hyung, oh saluhin mo to katakawan mo rin talagang taglay eh noh Harley said tsaka binato yung nag-iisang tinapay na kasama ng mga nachos na binigay ni Quinn kanina, para daw kasi yun kay Rush dahil di yun kumakain ng nachos pero di naman niya yun pinansin at basta na lang inabot kay Harley kanina.
Ito lang? Pasigaw na tanong ni Rocco hyung tsaka pa pinakita kay Harley yung nasambot niya.
Ah teka Oppa, bibigyan na lang din kita, marami naman yung nadala ko singit ni Quinn tsaka siya lumapit dun sa may lagayan ng mga gamit namin, sumunod naman agad sa kanya si hyung kaya sumunod din ako.
Ako din singit ko tsaka pa ako ngumuso sa harap nila, sinulyapan naman niya ako tsaka ngumiti pero si Rocco hyung mabilis na umismid sakin.
Wag ka na Keegan, kanina ka pa kain ng kain eh, dun ka na kila Harley hayaan mo na kami dito ni Quinn at nang mga pagkain niya he said at tsaka pa ako tinutulak-tulak.
BINABASA MO ANG
I'm A Kontrabida of My Own Story ( COMPLETED )
DiversosHighest rank: #469 in Random Category ---------------------------------------------------------------------------------- At first, I only thought that the only problem about our relationship is your bestfriend. I always jealous of her, I always beca...