Ganun pa din ang mga ginagawa namin kada sabado. And worse, linggo din. Nakakalimutan na namin na dapat ay nagpupunta kaming simbahan para man lang mapapurihan ang diyos.
But still, what we are doing now is wrong. Yes, I know it's wrong. Pero hinayaan ko na lang iyon.
"Oh tae naman eh! Mali nga kasi! Ayusin mo! Ayusin nyo! Napapagod na ko eh! Kayo kaya mag-camera man!" Dahil don, nagalburoto na ako. Hindi ko na napigilan yung sarili kong galit.
"Hoy ano ba!? Ayusin nyo n nga ng matapos na tayo rito!" Dugtong pa ni Cha.
"Ang high blood nyo naman po!" Asar naman samin ni Nath. Inirapan ko na lang sya.
Nakakainis na kaya! Tuwing gumagawa kami ng project dito, palagi na lang silang late! Kung hindi late, pumupunta pero umaalis din naman kaagad.
Sana una pa lang sinabi na nila sakin na ayaw nila para hindi sila mabigyan ng grades ni Maam Rose. Hindi yung ako na lang palagi yung humahatak.
Hindi ko nga din alam kung bat nagtya-tyaga ako na pilitin sila gayong grades naman nila to. Ewan. Nakakafrustrate na.
"One, two, three... go!"
"Troy, tama na..."
"Leave me alone tiffany! You're not my girlfriend so don't act like... hahahahahahaha!"
Napairap na lang ako.
"Break na nga muna! Kabisaduhin nyo yang lines nyo, paulit ulit na lang ah?" Yung altapresyon ko. Tumataas na.
Pagkatapos naming magshoot, umuwi agad ako sa bahay. Nagpahinga at natulog.
Pagkagising ko, naligo na agad ako, nagbihis saka kumain.
"Eriese?" Minadali ko nang nilagay yung mga gamit ko sa bag ko. Nung tinawag ako ni Cha.
Jusmiyo mag-aalas-siyete na! Buti na lang walking-distance lang yung school namin.
"Teka lang Cha. Eto na!" Sagot ko naman sakanya. Agad din naman akong lumabas at nagpaalam kay Mami.
Habang naglalakad kami papuntang school. Tinanong naman ako ni Cha.
"Oh ano? Okay ka lang? Pagod ka no? Hahahaha."
Nginitian ko na lang siya kasi magfa-flag ceremony na.
Pagkatapos ng ceremony, pumasok na kami agad sa room namin.
"Okay class! Sa sabado na yung kuhanan ng card! Sa sabado na din malalaman kung sino dito yung mga achievers! Ready na ba kayo?" Aruruy! Oo nga pala, hindi ko namalayan kuhanan na pala ng card sa sabado. Kinakabahan ako!
Hindi na ako aasang makakapasok ako sa top 10.