Chapter 3

8.5K 264 349
                                    

                                                          Chapter 3

 "Iliko mo doon sa may kaliwang kalsada." utos ng lalaking pasahero ni Clear.

Mataman lang siyang sumunod doon sa lalaki. Palihim siyang huminga ng malalim. Alam na niya kung saan papunta ang ending ng eksenang ito, 'holdap'. Pero sa lahat pa ng taxi na puwede nitong holdapin ay malaking pagkakamali na siya pa ang napili. Walang kabahayan sa nilikuan nilang kalsada at walang makikita kundi malawak na bukid at ilang palaisdaan. Sa may dulo ay magkabilang bakanteng-lote na puro may matataas na talahib. Nang makarating sila doon ay mabilis na bumunot ng baril ang lalaki na nakasuksok sa gilid ng pantalon nito. Hindi umimik si Clear nang itutok nito ang baril sa kanyang ulo. Balewala na sa kanya ang matutukan ng baril sa sintido.

"Ihinto mo." mariing utos ng lalaki.

Inihinto niya ang sasakyan sa tabi.

"Akin na ang lahat ng pera mo pati na ang cellphone mo!"

Walang imik niyang kinuha mula sa kanyang bulsa ang kanyang wallet. Marahan niya iyong iniabot sa lalaki at nang kunin na nito iyon sa kanya ay mabilis niyang tinabig ang kamay nitong may hawak ng baril at agad iyong ini-lock.

"Urgh!"

Nabitawan nito ang baril pero lumaban pa rin ang lalaki at akma siyang susuntukin ngunit mabilis niyang hinila ang seatbelt at agad na ipinulupot sa mga kamay nito hanggang sa may bibig nito at saka iyon ini-lock. Mabilis niyang binigwasan ng suntok sa panga ang lalaki. Siniguro niyang nahilo ito sa kanyang ginawa. Kinuha niya ang baril na nalaglag nito at walang pakundangang kinalas sa harapan ng lalaki.

"Malas mo lang at ako pa ang napili mong holdapin." maikli niyang wika.

"Ump!" hindi makapagsalita ang holdapper kasi nga may tapal ang bibig nito.

Kinuha na niya ang kanyang wallet at muling isinuksok sa kanyang bulsa. Muli niyang pinaandar ang sasakyan.

"Biyaheng presinto na tayo." anunsyo niya.

Nanlaki ang mga mata ng lalaki at pilit na nagpumiglas sa pagkakatali. Napailing si Clear. Matigas talaga ang ulo ng isang ito. Isang malakas na patama sa batok nito ang pinakawalan niya. Tulog ang lalaki. Nagpatuloy na siya sa pagmamaneho at kagaya ng sinabi niya, idineretso niya ang suspect sa presinto. Pagdating nila doon ay...

"Oh, pangatlong huli mo na ito ah?" untag ni Armand sa kanya.

Ito iyong kaibigan nilang pulis. Huminga ng malalim si Clear at napahalukipkip.

"Ewan ko ba." kibit-balikat niyang sagot.

Natawa ito ng mahina sa kanya.

"Sige na, ako na ang bahala sa isang ito. Alam ko namang may mas importante ka pang kailangang gawin. Ingat ka."

"Salamat. Dadaanan nalang kita ng dounut at kape mamaya. Basta ba balitaan mo ako kapag may nalaman ka doon sa sinasabi ko sa'yo."

"Sige, huwag kang mag-alala. Inutusan ko na ang mga asset ko. Sa oras na may makuha kaming update, tatawagan agad kita."

"Thanks!"

Sumaludo siya dito at ganoon din ang ginawa nito sa kanya. Umalis na siya at agad na sumakay sa taxi. Ipipihit sana niya ang susi ng mag-ring ang cellphone niya. Kinuha niya iyon mula sa kanyang bulsa. Unregistered ang number na tumatawag. Napakunot-noo siya. Sinagot niya ang tawag.

"Hello?"

"Hi, Clear! Si Bloom 'to."

Napangiti siya ng marinig niya ang boses ng dalaga. Nakabili na pala ito ng bagong phone. Mabuti na lang at naisipan niyang palitan agad iyong isang sim card na gamit niya para hindi siya nito mabuking.

MEN IN ACTION 6: CLEAR IMPERIALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon